I GAVE MYSELF TO HIM

657 20 0
                                    

MEGUMII P.O.V.

BALIK school ako kasama si Lyra , actually 2nd year na ako dahil natapos naman ako ng first year. Nakiusap si Myra na mapabilang na din sa second year para naman daw may kasama ako. Nung una ay hindi pumapayag si headmaster Joey ngunit kinausap naman siya ni Javier at doon pumayag si headmaster. Ayaw man nito ay wala siyang magagawa dahil utos ng prinsipe. Ang kambal naman ni Myra na si Lyra ay 4th year na din ngayon. Matatapos na siya this year at makakakuha daw agad siya ng trabaho bilang isang manggagamot o doctor base na rin sa kanyang kapangyarihan. Ang mga heros elites naman ay matagal ng natapos kaya hindi ko na sila makakasama lagi. May kanya-kanya na rin silang buhay at tinutulungan nila ang mga magulang na magmanage sa mga suliranin ng mga ito dahil hindi din magtatagal ay sila din ang magpapatuloy ng mga gawain na iyon sa future.

Minsan naisip ko kung hindi ko nakilala si Javier o ang elites ay ano kayang magiging kapalaran ko? Habang buhay nalang ba akong mabubuhay sa kalungkutan?

Iwinaksi ko ang aking iniisip at napatingin sa papel na nasa harapan ko ngayon. Ibinigay ito kanina ni beshy bago siya umalis ng school. Dinalaw kasi ako nito para makasigurong ayos lamang ako.

Kinuha ko ang papel at binasa iyon.

Heto ang mga kailangan kong aralin this year para maipasa ang pangalawang baitang.

Napatingin naman ako sa gawi ng aking siko kung saan nakapatong ito sa aking mesa. Laking gulat ko ng makita ang librong matagal ng wala sa akin. Ang librong "THE LEGENDARY BOOK". Mabilis ko iyong kinuha at inilapag naman sa mesa ko ang mga papel na tinitignan ko kanina.

Paanong napunta ito dito sa room namin?

Binuksan ko ito at binasa ang nakasulat dito. Nagtaka ako ng mabasa ang nilalaman nito.

Nakasulat dito ang mga pinagdaanan ko, lahat-lahat pati nung nasa lugar ako ni Chesterine at hanggang ngayon na nagbabasa ako ay nakalagay dito.

Kumunot naman ang noo ko.

Nandito ba ang kapalaran ko? Heto ba ang propesiya na sinasabi ni God of Fire? Ito ba ang aming ginawang libro?

Nawala naman ang aking mga iniisip ng mapatingin sa gawi ng aming guro na inaaayos na nito ang kanyang bag upang umalis na ng aming silid aralan. Umupo naman sa harapan ko si Myra.

"Tara na?" Sabi nito habang nakangiti. Ngumiti naman ako dito. Napatingin ako sa gawi ng aking mga kaklase ng sunod-sunod silang mag bow sa akin at umalis ng silid . Pati ang guro kanina ay nag bow din bago umalis.

Hindi naman kalat na ako si God Angelique ngunit kalat naman na kabiyak ko ang prinsipe kaya tinatawag na akong princess Megumii. Noong una ay umalma pa ako ngunit iyon daw ang tradisyon na kailangan sundin at ayaw daw nilang mapugutan ng ulo dahil sa pagsuway sa tradisyon.

Tumayo na kami ni Myra at inilagay ko na sa bag ko ang mga papel at libro. Napahawak muna ako sa aking kwintas pagkatapos ay kinuha ko na agad ang bag at naglakad kami palabas ng silid aralan. Pagkalabas namin ay siya namang biglang galaw ng mga students at nagbow sa aming harapan at umalis na. Bawat madaanan namin ay ganon ang ginagawa. Hinahayaan ko nalang , siguro ay masasanay din  ako lalo na at hindi ko kilala ang mga bagong students na ito.

"Kailangan ko na rin sigurong mag bow sayo kamahalan baka maparusahan din ako,hihihi." Birong sabi ni Myra.

"Sira ka talaga." Naiiling kong sabi.

Dumaan ang mga araw, buwan at mga taon. Ngayon ay 4th year na kami ni Myra. Mabilis man ang panahon ay nagpapasalamat pa rin ako at patapos na kami. Namimeet ko naman ang mga elites ang mga bibong mga babies nila. Ngayon nga ay buntis si Hilda at Raven sa pangalawa nilang anak kaya pinagbabawalan muna silang umalis ng palasyo upang iwas disgrasiya. Masayang masaya ako para sa kanila. Kapag nga nagkikita kita kaming lahat ay ako ang napagdidiskitahan lalo na ni Akira. Lagi kasing tinatanong kung may laman na ba daw ang tiyan ko. Ngunit lagi ko naman ibinabaling sa ibang bagay ang usapan dahil hindi ako nagiging komportable sa usapan. Kahit naman namamalagi na ako ng palasyo sa tuwing sem break namin ni Myra at lagi kong kasama si Javier ay walang nangyayari sa amin. Alam ko naman na parang nagpaparamdam na minsan si Javier ngunit hindi pa talaga ako handa sa bagay na iyon. Gusto ko munang makatapos at ma-achieve lahat ng mga pangarap ko. Ngunit unfair naman ako masyado kay Javier. Alam kong matagal na panahon na siyang nagtitiis at naghihintay ngunit masisisi niyo ba ako? Alam ko naman bilang asawa niya ay obligasyon kong punan ang lahat ng pangangailangan niya ngunit hindi pa talaga ako handa sa bagay na iyon. Inaamin kong natatakot ako.

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon