ANG SAKIT

637 23 1
                                    

MEGUMII P.O.V.

Ilang linggo na ang nakakalipas magmula nung gabing iyon. Araw-araw ay binibigyan ako ng ibat ibang bulaklak ni Javier. Lagi siyang nakangiti ngayon sakin ngunit kapag may kasama kami ay naka simangot nanaman siya. Ewan ko ba sa taong yon. Hindi ko pa siya sinasagot pero malapit na hihihi. Landi ko na.

Kanina ko pa siya hinihintay dito sa power room ngunit wala pa siya. Nandito na ang mga elites at mga kaklase namin siya nalang wala. Wala rin siya kanina sa Physical Combat room. Nasan na kaya yun.

"Huy! Baka mabali ang leeg mo nyan. May inaaasikaso daw siya sabi ni Headmaster Joey kaya wag mo na siyang hintayin. Di ba siya nagpaalam sayo?"  Paliwanag ni Raven. Umiling nalang ako at bumaling sa mga classmate kong nakatingin pala samin ni Raven. Magmula nung announcement sa palasyo na elites kami ay wala ng nagtangkang kausapin kami ni beshy dito sa school pwera lang sa mga heros Elite.

"Huwag ka ng mag alala beshy. Kaya ni Javier ang kanyang sarili. Di naman mapapano yun e." Napangusong tumango naman ako.

Alam mo yung feeling na araw-araw nagpapaalam siya kung anong gagawin niyang mahahalagang bagay. Araw-araw kasama mo siya . Ngunit ngayon wala e, di ko pa siya nakikita magmula kaninang umaga, hapon na ngayon. Napabuntong hininga naman ako.

"Huwag ka ng malungkot nandito naman kami e." Sabi ni Akira at inakbayan pa ako nito. Lumapit naman samin ang ibang Elites.

Napangiti nalang ako sa kanila.

"Salamat guys." Sabi ko sa kanila at ngumiti naman sila.

Napatingin kami sa may pinto at biglang umugong ang bulungbulungan. Sino siya? Ang ganda niya.

"Bakit kasama siya ni Prince Javier?" Narinig kong bulong ni Jinx.

"Hindi ba si Megumii ang liniligawan niya pero bakit magkahawak kamay sila?" Sabi ni Anne at napatingin naman ako sa mga kamay nila na magkahawak nga. Bigla nalang tinusok ang puso ko ng hindi ko maintindihan. Isa lang ang masasabi ko. NASASAKTAN AKO.

Napasinghap nalang kami ng bigla nalang halikan ni Javier ang pisngi nito, na para bang walang taong nakatingin sa kanila.

Bigla akong napatingin sa mga elites na tinapik tapik ang likod at balikat ko. Napatingin ako kay beshy na hinawakan ang kamay ko.

"Ayos ka lang?" Tanong niya sakin.

"A-ah , o-oo naman , saglit lang ha pupunta lang ako ng cr." Bigla kong binitawan ang kamay niya na nakahawak sakin at patakbo kong tinahak ang pintuan ng room at binuksan ito. Hindi na ako nag abalang tignan pa silang dalawa at tuluyan ng lumabas ng power room . Nakasalubong ko naman si Ms. Arvie.

"Ms. Yamamoto, saan ka pupunta?" Tanong nito.

"S-sa cr po Ms." Sabi ko rito na nakayuko at pinipigilan ang paghikbi.

"Ah sige bilisan mo ha at mag uumpisa na tayo." Sabi ni ms. Arvie at tumango lang ako habang nakayuko, ayoko kasing makita niya ang mga mata ko at luhang lalabas na. Lumakad na si Ms. Arvie papuntang power room at ako naman ay diretso sa cr. Patakbo ko itong tinahak. Nang makarating ako ay doon ko na binuhos ang lahat ng sakit at luhang kanina pa nagbabadyang lumabas.

Hindi man lang siya tumingin sakin. Sa babaeng kanyang hawak lamang ang kanyang atensyon. Tinignan niya ang babaeng yun na para bang siya lang ang tao sa mundo , kung paano niya ako tignan nung gabing yon ay ganun din ang tingin niya sa babaeng yun. Kaya ba hindi siya nagpaalam sakin kanina? Kaya ba wala siya maghapon ay siya ang kasama nito ?

Walang humpay ang aking luha.

Alam ko naman na dapat hindi ako masaktan , dapat hindi ko to nararamdaman e ,dapat masaya ako ngayon dahil wala namang KAMI. WALANG KAMI. Sino nga lang ba ako di ba? Isang commoner at isa siyang Prinsipe, hindi kami nababagay sa isa't isa! Hindi kami para sa isa't isa.
Ngumiti ako ng mapait at tinignan ang sarili ko sa salamin. Para akong nakipagsabunutan sa hitsura ko ngayon. Ang gulo ng buhok ko dahil sa paghawak ko lagi sa ulo ko at buhok ko habang umiiyak. Ilang sandali lang ay inayos ko ang sarili ko at hinugasan ang mukha ko atsaka pinunsan ang mukha ko. Medyo okay na ang pakiramdam ko. Kailangan ko ng bumalik baka mag alala lang sila sakin. Si Javier kaya nag aalala ba siya sakin?

"Hindi ka nga niya hinabol at hinanap ." Isang parte ng utak ko. Napailing nalang ako at inayos ulit ang sarili ko. Kung gaano ako kasaya nung nagdaang araw ganun din kabilis na guguho ang mundo ko.

Nang nasigurado ko ng okay na ako ay lumabas na ako sa cr at dumiretso sa power room.

Bago ako pumasok sa pinto ay huminga muna ako ng malalim at bigla kong binuga ang hangin.

Kaya ko to. Kakayanin ! Matatag akong tao.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko ang mga Heros Elite na bakas sa kanilang mukha ang pag aalala . Ngumiti naman ako ng pilit sa kanila.

Tuluyan na kong nakapasok.

"You can go to your group ms. Yamamoto." Saad naman ni Ms. Arvie at pumunta ako sa aking ka grupo.

Tinignan ako ni Jinx na para bang nang iinis ito. Dahil nakataas ang isang sulok ng labi niya. Ngunit hinayaan ko nalang siya.

"Uto-uto kasi ahaha pinaasa lang siya ng prinsipe, akala kasi talaga niya mahal siya nito. Yan ang bayad niya sa pagkalaban niya . Ahaha" sabi ni Jinx na ikinatigil ko.

"Tama na  Jinx kung gusto mo pang mabuhay." Sabi naman ni Alucard. Nakatalikod kasi ako sa kanila ngayon.

"Bakit naman? Sinong papatay sakin siya? Ahahaha, alam mo bang ginamit lang siya ng prinsipe upang paibigin at saktan." Sabi ni Jinx. Napakuyom naman ang palad ko at napapikit.

"Paano ka nakakasiguradong ginawa nga ng prinsipe ang sinasabi mo ?" Tanong ni Alucard. Wala dito ang prinsipe at ang babae kanina. Kung nasan sila ay di ko alam at wala na akong pakielam pa.

"Nakita mo sila ni Tricia di ba? Si Tricia ang pinakamamahal na babae ni Prince magmula pagkabata ---." Hindi na naituloy ni Jinx ang kanyang sasabihin ng biglang humangin ng malakas dito sa power room. Nakapikit pa rin ako.

"What is going on?????" Narinig kong takhang tanong ni ms. Arvie.

Lalong lumakas ang ihip ng hangin.

Nag umpisa ng mag ingay ang mga kaklase ko. Napadilat ako sa humawak sa balikat ko at biglang nawala ang hangin. Si Anthony ang humawak sa balikat ko at kita ko ang pag aalala ng kanyang mukha.

"Sino ba yung nagpalabas ng hangin?!" Galit na sabi ni ms. Arvie.

Wala sa amin ang nagsasalita.

"Ms. Yuri?" Tanong ni ms. Arvie.

"Hindi po ako Ms." Dispensang sagot ni beshy.

"Eh sino?" At napatingin silang lahat sakin.

"Ms. Yamamoto?"

"I'm sorry ms. masama lang siguro talaga ang pakiramdam ko. May I go out?" Napatango nalang si ms. Arvie at dali-dali akong lumabas sa room at diretso sa heros elite dorm . Pumunta ako sa aking kwarto at sumukob sa unan.

Nakita mo sila ni Tricia di ba? Si Tricia ang pinakamamahal na babae ni Prince magmula pagkabata ---.

Nakita mo sila ni Tricia di ba? Si Tricia ang pinakamamahal na babae ni Prince magmula pagkabata ---.

Nakita mo sila ni Tricia di ba? Si Tricia ang pinakamamahal na babae ni Prince magmula pagkabata ---.

Nakita mo sila ni Tricia di ba? Si Tricia ang pinakamamahal na babae ni Prince magmula pagkabata ---.

Paulit-ulit sa isip ko ang katagang iyon. Totoo bang pinaibig mo lang ako para makaganti ka? Hindi ba totoo ang mga ipinakita at ipinadama mo sakin?! Kung yun ang way mo para masaktan ako ay nagtagumpay kana Javier. Sobrang sakit ang dulot sakin nito. Feeling ko ay pinagtaksilan ako kahit wala pang tayo. Sayang, malapit na sana kitang sagutin pero buti nalang at hindi ko ginawa dahil lalo lang akong mahuhulog sayo kung sasagutin o sinagot kita. How dare you to hurt me!!!!

Humagugol ako ng humagulgol at hinayaang damhin ang sakit na aking nararamdaman.

Itutuloy...

A/N:

Lahat ng saya ay may kapalit na kalungkutan. It is a part of our lives....

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon