MEGUMII P.O.V
"NAPAKASAYA ko at tapos na ang problema sa Fierra. Hindi kami nagkamaling ipadala kayo roon. Meron nga lang nasugatan sa inyo ngunit tagumpay naman ang inyong misyon. Congratulations Heros Elite." Masayang sabi ni Headmaster Joey pagkatapos non ay umalis na ito.
Masaya kaming napatingin ni Raven kay Beshy na dala parin ang mga gamit nito. Kinuha na ni Julius ang mga gamit niya at sinamahan namin siyang pumunta sa bagong dorm niya. Ganito daw kasi ang patakaran dito . Kailangan mong iwelcome ang bagong member sa grupo niyo kaya ayan nandito lahat kami at nang makarating kami sa pintuan ng magiging kwarto niya ay iniabot ni Raven ang susi at binuksan niya ito sabay sabi namin ng..
"Welcome sa heros elite dorm . Enjoy!" Sabay sabay kaming natawa pwera nalang kina Javier at Anthony na hindi umiimik. Ano pa bang bago di ba?
"Magpahinga ka muna alam namin na masakit pa yang sugat mo at ako ay magpapahinga rin dahil masakit pa rin ang sugat ko ehehe." Sabi ni Raven . Tumango naman si Beshy.
"Maraming salamat." Sagot naman ni beshy at pumasok na sa loob . Ngumiti muna ito at dahan dahang isinara ang pintuan niya.
Umalis na rin ako sa tapat ng pinto niya at pumunta sa tapat ng pinto ko sa kwarto ko at binuksan iyon. Pumasok ako ng aking silid dito sa dorm at humiga. Feeling ko hihilata nanaman ako maghapon at magdamag ngayon dahil hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang pagkahilo ko ng dahil sa portal na ginamit namin kanina upang makabalik ng school.
Di ko nalang namalayang napapikit na pala ako at nakatulog na.
JAVIER P.O.V
Nandito ako sa silid ni Megumii at pinagmamasdan siyang natutulog. Halos araw-araw ko na itong ginagawa. I promise to myself na babalik na ako sa dati. Yung Javier na masayahin at Javier na hindi nakakulong sa nakaraan. At sisiguraduhin kong hindi na mawawala ang taong nasa harapan ko ngayon at natutulog. Hindi siya magagaya sa taong iniwan ako noon.
Nang may naramdaman akong papalapit sa pintuan nitong silid at bigla nalang akong naglaho at pumunta sa aking silid gamit ang teleportation. Inayos ko ang aking sarili atsaka lumabas ng aking silid.
Nakita ko si Raven at si Hilda na kumakatok sa pintuan ng kwarto ni Megumii.
Sinara ko ang pintuan ng kwarto ko kaya napatingin ang dalawa sakin.
"She is sleeping. Don't disturb her." Iniwan ko ang dalawa dun at bumaba sa hagdan. Diretso ako sa labas. May mahalaga akong gagawin ngayon.
Hilda P.O.V.
"Sabi ko na sayo natutulog siya e." Sabi ni Raven.
"Pero bakit alam ni prince na natutulog si Megumii?" Takhang tanong ko.
"Simple, because he is Prince Javier ." Sabi ni Raven ,pagkatapos ay lumakad na ito palayo .
"Sandali !!! Hintayin mo naman ako , di ba manonood pa tayo ?" Habol ko kay Raven.
Ngumiti naman ito sakin at kinuha ang kamay ko tsaka na kami pumunta ng cine room.
MEGUMII P.O.V.
Nagising ako na maraming bulaklak sa sahig ng aking silid . Napatingin ako sa aking mini terrace at gabi na pala. Nagtataka talaga ako kung bakit ang daming petals ng bulaklak sa aking kama at sa sahig. May petals na white and red rose. Tumayo ako at sinundan ang mga petals . Binuksan ko ang aking pintuan at naglakad para sundan ang mga petals . Bumaba ako ng hagdan at nakita ko sa sala ang napakagandang ayos ng mesa sa sala . Iba na ang mga upuan doon, pang dalawang tao lang sila napatingin ako sa likod ng may humawak sa balikat ko. Humarap ako sa kanya at naka suit ito.
BINABASA MO ANG
THE LIVING GODDESS (COMPLETED)
FantasyANONG GAGAWIN MO PAG NALAMAN MONG KASAMA MO SA MUNDO ANG ISANG DYOSA AT KAIBIGAN MO PA ITO? NGUNIT DI NIYA RIN ALAM NA ISA SYA SA MGA GOD .AT SYA ANG MAY GAWA NG LAHAT NG IYONG NAKIKITA . SIYA ANG MAY LALANG SAYO. NANDITO SIYA PARA SA ISANG MAHALAGA...