MEGUMII P.O.V.
Nandito kami sa karwahe nina Akira, Beshy at Raven.. Sila Akira at Raven ay nakaupo sa harapan namin at nakaharap mismo sa amin, habang si beshy naman ay ang aking katabi.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil sa kabang aking nararamdaman. Tila ay parang ayokong dumalo ngunit may part din sakin na gustong makita ang mga bisita, lalo na at taga ibang planeta pa. Hindi ko nga maintindihan ang aking sarili dagdagan mo pa ang napakabinging katahimikan sa amin ngayon dito sa karwahe.
Ewan ko ba kung ako lamang ito o talagang iniiwasan lamang nila ako ng tingin.
Sa tuwing titingin kasi ako sa tatlo ay iniiwas nila ang kanilang mga paningin.
"Wooooh" Dinig ko ang kawal na maghahatid sa amin sa palasyo. Dahilan upang buksan namin ang pintuan ng karwahe at isa isang bumaba, nandito na kami sa palasyo.
Suot ko ang kagabing sinabi ni beshy , magkakapareho lamang ang mga suot namin ngunit magkakaiba naman ang mga kulay ng mga ito.
Si beshy ay kulay pink ang suot , habang si Akira naman ay Kahel at si Raven naman ay asul.
Nang makalabas kaming lahat ay lumakad na kami hanggang sa malagpasan namin ang napakaling hagdan ng palasyo.
Napabuntong hininga naman si Raven na ikinalingon ko. Nakita ko naman si Akira na bahagyang kinurot ang kamay ni Raven dahilan upang mapatuwid ito ng tayo at lumakad ng mabilis. Ano talagang meron?
"Beshy?" Tawag ko sa katabi ko habang naglalakad.
Napalingon naman ito at tipid na ngumiti sakin.
"Basta kahit anong makita at malaman mo ay hindi iyon totoo ha." Pagkasabi niya noon ay lumakad na siya ng mabilis at hinabol sina Akira at Raven na nasa unahan namin kanina. Ako nama'y napahinto sa paglalakad at lalong nagtaka sa sinabi nito. Ano daw?
Napakurap naman ako ng may humawak sa aking balikat at napatingin dito. Si ANTHONY ang humawak ng aking balikat . Nandito na rin pala sila.
"Anong tinatayo tayo mo dyan Megumii? Larga na." Sabi naman ni Julius at napatango naman ako. Bago ako kumilos ay tumingin muna ako sa likod at ng di ko siya makita ay napabuntong hininga naman ako.
"Nauna na siya sa atin Megumii. Hinihintay na tayo ni Prince Javier kaya tara na." Rinig ko na sabi ni Justin at napaangat ng tingin sa kanya. Tumango lang ako dito. Inialis naman ni Anthony ang kamay niyang nakapatong saking balikat.
Nag umpisa na kaming maglakad at nang makarating kami sa loob ng palasyo ay sobra akong napahanga sa ganda nito. Ang mga pigura ngayon ay gold na rin pati ang mga upuan at mesa . Mga plato din at utensils ay gold din! Talagang pinaghandaan ng mahal na hari at mahal na reyna ang pagdating ng mga bisita. Napatingin naman ako sa kawal na tumabi sa amin .
"Nandito na ang mga bisita ! Taga ibang planeta!" Sigaw nito kaya napatakip naman ako ng tenga dahil baka mabingi pa ako sa sigaw niya. Seriously? Sa dami ng pwedeng puntahang lugar na walang tao ay dito pa sa tabi ko at sisigaw pa talaga?
Narinig ko naman ang mga kawal na papuntang labas ng palasyo upang salubungin ang mga bisita. Umalis naman ang kawal saking tabi at naglinya sa ibang mga kawal kanina sa labas.
Inialis ko naman ang aking mga kamay sa aking tenga ng umalis ito sa tabi ko. Lahat ng tao sa paligid ay tumayo at humarap sa malaking pintuan ng palasyo kaya napatingin din ako dito. Nasaan na kaya sina beshy? Bakit nila ako iniwan kanina? Napatigil naman ang aking pag iisip ng makita ang mga bisita. Magaganda din ang kanilang pananamit, medyo expose ngalang ang mga dibdib nila, mapa babae o lalaki. Ngunit pangkaraniwan lamang ang kanilang mga mukha, di tulad dito ay lahat ay magaganda at gwapo.
Napatingin naman ako sa babaeng maganda, naiiba ang hitsura nito sa mga kasama niya at maaliwalas ang kanyang mukha.
Napatingin naman kami sa taong kalalabas lang at dirediretso ito sa mga bisita.
"Magandang umaga Princess Kate, ako nga pala si Prince Javier ng white snow world." Sabi nito at kinuha naman ni Princess Kate ang kamay ni Javier dahilan upang mapakunot noo naman ako. Hindi man lamang umangal o kinuha ulit ang kamay niya sa babaeng yun bagkus ay hinawakan pa ng isang kamay ni Javier ang kamay ni Kate. Tila ay di ko nagugustuhan ang aking mga nakikita.
"Mahal na reyna at mahal na hari." Sabi ni Princess Kate at naalis ang pagkahawak kamay ng dalawa. Yumuko lamang ang mga ito at nagbigay galang sa mahal na reyna at mahal na hari.
"You may all rise." Masayang sabi ng mahal na hari.
Napaangat naman sila ng tingin at napaayos ng tayo.
"Have a seat everyone." Sabi naman ng mahal na reyna. Kaya ay umupo na ang mga ibang bisita at nagsimula na silang kumuha ng mga pagkain. Ngunit di pa rin naaalis ang tingin ko kay Javier at dun sa Kate na yun.
Katabi ni Javier si Kate sa upuan at masayang nag uusap. Tsk! Enjoy na enjoy ha?
"Megumii hanggang kailan mo gustong tumayo diyan? Tara dito at kumain na tayo!" Rinig kong sabi ni Justin , dahilan upang mapatingin din si Javier sa kinatatayuan ko. Napa roll eyes naman ako dito at pumunta sa mesa ng mga ELITES nandoon narin ang mga girls.
Padabog akong umupo at napatingin ang mga elites sakin.
"Ypu owe me an explanation." Madiin na sabi ko dahilan upang mapakagat sila ng kanilang mga labi. Halata talagang may alam ang mga to e. Halata!
"Huwag ka ng magalit Megumii, ikukwento ko sayo mamaya, kumain ka muna." Sabi ni Akira at binigyan ako ng fried chicken nito sa aking plato. Sinubukan ko parin kumain at isawalang bahala ang aking nakita kanina.
Lahat naman ng official ng buong white snow world ay dumalo din, pwera lamang ang mga magulang ng elites na malaki ang kanilang mga tungkulin sa bawat bayan na kanilang hawak kaya hindi sila maaaring dumalo ngayon.
Tumayo ang mga official members habang may hawak na mga alak dahilan upang mapatingin ang lahat sa mga ito pati narin ang mahal na reyna at mahal na hari.
"Masaya po ang aming mundo dahil dinalaw niyo po ang aming planeta. Ikinagagalak po namin na kayo ay batiin at makasama ngayong araw! Sana ay mangyari na ang nakatakdang mangyari na ikasal ang prinsesa ng Trinx sa prinsipe ng white snow world. Upang maging buklod na ang ating mundo at lalo tayong maging mapayapa! Cheers! " tila ay tumayo naman ang lahat kasama ng elites pati mahal na reyna , mahal na hari at si Javier at ininom ang wine pagkatapos magsalita ng Officiales na ito. Nandito lamang ako sa aking upuan at nagmamasid sa paligid. Mukha tuloy akong tanga dito at nasasaktan sa mga nangyayari!
Tama ba ang aking narinig?
"Patay." Rinig kong sabi ni beshy.
Umupo naman silang lahat pagkatapos nilang ininom ang wine. Tila ay nagpipigil ako sa galit at iyak na aking nararamdaman. Bakit ganito? Bakit hindi nila agad ipinaalam sakin lahat bago nangyari ang lahat ng ito bagkus ay iniwasan nila ako at di sinabi ang totoo?
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
THE LIVING GODDESS (COMPLETED)
FantasiANONG GAGAWIN MO PAG NALAMAN MONG KASAMA MO SA MUNDO ANG ISANG DYOSA AT KAIBIGAN MO PA ITO? NGUNIT DI NIYA RIN ALAM NA ISA SYA SA MGA GOD .AT SYA ANG MAY GAWA NG LAHAT NG IYONG NAKIKITA . SIYA ANG MAY LALANG SAYO. NANDITO SIYA PARA SA ISANG MAHALAGA...