MEGUMII P.O.V.
Tahimik kaming lahat na nakatutok sa stage kung saan naroroon si Anthony at ang Kors na kalaban nito. Para ulit itong elepante ngunit may pangil naman ito. Natural ata sa mga kors na napakalaki ng mga ito.
Nagsimula ng humiyaw ang kors at susugod na sana sya ng mabilis nang biglang tumalon si Anthony at napalabas ng mga kutsilyong gawa sa bato. Nakalutang ang mga ito at biglang hinagis nya ito sa ulo ng Kors at natumba ang kors na ngayon ay sugatan na nakahandusay sa entablado. Naghiyawan naman ang mga tao dito sa field ng makitang naglaho nalamang ang kors at lumabas si Anthony sa shield.
Nakatingin kaming lahat sa screen at lumabas doon ang nakuhang marka ni Anthony. 7.7 ang lumitaw sa screen. Napatingin naman ako sa katabi ko na ngayon ay nakapoker face parin. Anong bago di ba?
"Bakit ang baba ng mga markang lumilitaw?" Napatingin nalang kami kay beshy na siya ang nagtanong.
"Mataas na ang mga yan, dahil ang 10 ay ang mga Gods sa taas na syang may lalang sa atin lahat. Kapag tao ka lang ay pinaka mataas ay 6 to 8 something kung ikaw ang pinakamalakas sa mundong ito. Hindi kakayanin ng isang tao ang kapangyarihan kung lalampas pa rito. Ang mga semi God ang nagtataglay ng 9 something kasi nga semi God sila. Pero pag ok lang ang kapangyarihan mo ay hanggang 4 to 5 ka lang kumporme sa abilidad mo." Napatango tango naman kami sa sinabi ni Raven.
"Ganun pala yun kaya pala mukhang maliliit ang score pero matataas na pala yun." Kinabahan tuloy ako paano nalang kung ako na ? Napabuntong hininga naman ako. Napatingin nalang ako kay Javier na hinawakan bigla ang kamay ko at nakatingin pala ito sa akin. Ngumiti nalang ako sa kanya at napaangat naman ang tingin ko ng makita ko si Anthony na nakatingin sa mga kamay namin. May kung anong nakita ako sa mga mata niya. Teka, malungkot ang nakikita ko sa mga mata niya. Ngunit ngumiti lang siya sakin ng tinignan niya ang mukha ko at umupo sa may likuran ko.
Marami rami narin ang nagdaan o humarap sa mga kors upang malaman ang grade nila sa grade exam, halos ang mga classmates ko ay nawalan ng malay dahil sa amoy ng Kors . Buti nalang at may mga rescue team sa baba para alalayan ang mga nahihimatay . Napag alaman din namin na di naman pala gaano kalakas ang mga kors dito sakto lang para malabanan ng mga students.
"Ang susunod na lalaban ay si Hilda ng first year." Pagkasabi ni ms Arvie yon ay napatayo si beshy na turo nito ang sarili parang di makapaniwala.
"Punta kana dun friend." Saad ni Raven habang tinulak niya ito ng mahina.
"Go babe, you can do it." Di nakawala sa tingin ko ang pag blush ni beshy sa sinabi ni Julius . Naku naman talagang inlababo ang beshy ko ha.
Umalis naman si beshy sa pwesto namin .
Nasa stage na sya ngayon at nakita ko pa ang expression niya ng lumabas ang kors . Napatakip ito ng ilong pero mabilis niya itong tinanggal at pumwesto na . Mukhang kambing naman ang lumabas na kors at nakangiti ito kay beshy.
Sumugod si beshy at nagpakalawala ng air blade at pinatama ito sa mata ng kors. Natamaan naman niya ito sa mata at rinig na rinig ang hiyaw nito na duguan ang mata nito. Sumugod ng mabilis ang kors at natamaan naman si beshy sa braso habang umiilag sa mga atake ng kors. Napunit ang kanyang damit sa bandang shoulder nito. Napatingin naman kami kay JULIUS na biglang tumayo. Pilit na pinapaupo ito nina Raven at Akira. Nang napilit itong umupo ay tumingin ulit ako kay beshy na nagpakawala ulit ito ng air blade at air sword na maliliit at pinataaman nito ang dibdib at ulo ng Kors . Lahat ng atake niyang yun ay sapul sa Kors at bigla nalang bumagsak ang Kors . At pumalakpak naman kaming lahat . Magaling talagang magturo tong si Julius . Nakwento kasi ni beshy sakin nung isang araw na tinuturuan daw siya nito kung paano gamitin ang kapangyarihan niya at ngayon nakita namin kung gaano siya nag improve. Napatingin naman kami sa screen habang papalabas si beshy sa shield ng stage .
6.7 woah , ang galing ! Taas ng nakuha ni beshy.
"What great fight ! NEXT will be RAVEN!" Saad ni ms Arvie.
Tumayo naman si Raven na pansin ko ang pag alis ni Ustin sa pagkahawak ng kamay nito kay Raven. Naku , may something ata sa dalawang to ha.
Nasa stage na ngayon si Raven at nalitaw narin ang Kors na kalaban nito. Elephant head parin ito.
Nagpakawala naman agad si Raven ng
isang bola ng tubig at hinagis agad niya ito sa kors na kalaban niya. Natamaan naman ang kors na kalaban nya sa paa hanggang balakang , napahiyaw naman ito sa pinsalang nadulot ng kapangyarihan ni Raven. Ngumiti naman si Raven at gumawa ulit ng bola ng tubig at sunod sunod niya itong pinatamaan . Di na siya nag aksaya pa ng panahon at ng makita niyang bumagsak ang kors ay tumigil na ito. Lumabas na agad siya ng stage at tumingin sa screen.7.4 ang nakuha nitong grado.
Tila naman ay napapaihi na ako. Actually kanina pa kaso pinipigilan ko baka kasi ako ang biglang tawagin ngunit parang di na kaya ata ng pantog ko at sasabog na ito. Napansin naman ako ni beshy.
"Ayos ka lang?" Tanong nito na ikinalingon naman ng lima. Wala pa kasi si Raven dito.
"Kinakabahan ka ba?" Tanong ni Ustin at umiling ako .
"Ka-kasi kanina pa ako napapa ihi." Napakagat kong sabi.
"Bakit di ka umihi kanina . Kanina pa pala yan ." Sabi ni beshy.
"Baka kasi matawag ako tapos nasa cr pa ako." Napakagat kong sabi.
Pinisil naman ni Javier ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"You may pee. Don't worry, akong bahala" tila may narinig akong napasinghap sa side ko.
Napatango naman ako kay Javier at tumayo na. Napatingin naman ang mga nakapaligid samin ng bigla akong tumayo . And thank God inalis ni Javier ang hawak sa kamay ko nung tumayo ako.
"Samahan na kita." Sabi ni beshy at tumingin ako sa kanya na nakaupo siya ngayon.
Umiling nalang ako .
"Ako nalang beshy . Lalabas na talaga sige na . Babalik ako agad." Sabi ko.
"Sige balik ka agad ha?" Hindi na ito nagpumilit at tumango nalang ako rito at patakbong lumabas ng field.
Natahak ko ang cr at agad akong pumasok sa cubicle at umihi na ako . Habang naka upo dito sa inodoro ay may narinig akong pumasok dito at rinig na rinig ko ang usapan nila.
"Alam mo girl kung anong hinihintay ko sa battle na ito?" Tanong ng girl 1.
"Ano?" Takhang tanong naman ng girl 2.
"Baka naman yung mga papables na sina Julius at Justin yan?" Tanong naman ng girl 3.
"Syempre kasama na yung mga yun no, pero meron pang mas exciting na aabangan." Sabi naman ng girl 1.
Nakikilala ko ang mga boses nila e di ko lang alam kung saan parang narinig ko na dati.
"Wow , hilig mo talagang pa suspense girl , sabihin mo na." Naiinip na sabi naman ni Girl 3.
"Gaga, syempre yung lalaban yung bruhang si Megumii, kala mo naman sinong dyosa kung ituring ng lahat. Tatawa talaga ako kapag mahihimatay ito sa loob ng stage at lalapain siya ng kors , ahahaha para wala ng epal sa school na ito. Akala mo kung sinong kagandahan." Sabi naman ni Girl 1 . So ? Ako pala ang aabangan niya? Napakunot noo naman ako . Ang sama naman ng gusto ng mangyari sakin. At tumawa naman ang dalawang kasama nito.
"Ay, bet ko yan! Para wala ng pabida dito sa school." Saad namang ng girl 3. At narinig ko nalang bumukas ng pinto ng cr katunayan na palabas na sila. Nang isinarado nila ang pinto ng banyo doon ako naghugas at tumayo . Lumabas ako ng cubicle at nakatingin lang ako sa sarili ko dito sa salamin na nasa harapan ko. Bakit kaya galit na galit sila sakin? Inaano ko ba sila? Sa pagkakaalam ko di naman ako nakikipag away sa iba pwera nalang dati kina Akira at Aira ha. Sino kaya ang mga yun. Naghuhugas ako ng kamay ngayon at pagkatapos ay nag ayos narin ako bago lumabas ng cr.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
THE LIVING GODDESS (COMPLETED)
FantasiANONG GAGAWIN MO PAG NALAMAN MONG KASAMA MO SA MUNDO ANG ISANG DYOSA AT KAIBIGAN MO PA ITO? NGUNIT DI NIYA RIN ALAM NA ISA SYA SA MGA GOD .AT SYA ANG MAY GAWA NG LAHAT NG IYONG NAKIKITA . SIYA ANG MAY LALANG SAYO. NANDITO SIYA PARA SA ISANG MAHALAGA...