ANGELIQUE P.O.V.
Mga ilang araw na ang nagdaan at ilang araw na, na para bang pinapatay ako ng kadiliman at katahimikan dito. Hindi ako nasasanay sa lugar na ito. Dumadalaw man madalas si Chesterine ngunit lagi ko itong itinataboy. Ayokong makita ang kanyang prisensya. Ilang araw na rin akong nakakulong dito sa madilim na silid.
Nakatingin sa bintana at nangangarap na makawala dito sa bangungot na lugar na ito.
Ikinumpas ko ang aking mga kamay at binuhay ang mga puno at halaman sa paligid. Napangiti ako ng magkaroon ito ng kulay at masaganang tanawin. Buhay na buhay ang mga damo at halaman sa paligid kahit na medyo madilim ang kalangitan.
Napatingin ako sa nilalang na papalapit sa aking kwarto. Nang bumukas ang pinto ay nakita ko ang babaeng laging pumupunta sa aking silid. Nginitian ko ito ngunit inirolyo lamang niya ang kanyang mga mata.
Nagpasya itong lumapit sa akin at napatingin sa bintanang kanina pa ako nakasilip.
"Miss mo na siguro ang labas no?" Tanong nito.
"Namimiss ko na ang aming mundo. Sa aming mundo ay napakatahimik din ngunit napakaganda ng mga halaman at mga bulaklak. Marami din akong nakakausap doon at napakasaya ng kapaligiran. Kung ako ang pagpipiliin ay gusto ko ng bumalik sa aming nundo." Sabi ko sa kanya.
Umupo naman ito sa upuan at ganun din ang ginawa ko. Ngayon ay magkaharap na kaming dalawa.
"Ano bang tinutukoy mong mundo?" Tanong nito na hindi mababakas ang inis sa kanyang mukha. Napangiti naman ako sa tanong nito at inaaalala ang masasayang bagay at alaala doon sa taas.
"Ang lugar kung saan naroroon ang mga Gods." Sabi ko sa kanya na ikinanganga ng bibig niya.
"Isa ka ba sa kanila?" Tanong nito na ikinatango ko naman.
"Ang pangalan ko ay God Angelique. Kaya lubos ang aking pagtataka ng tinawag mo akong Megumii." Sabi ko sa kanya.
"Ngunit ikaw naman talaga si Megumii. Nagbago lamang ang kulay ng iyong buhok at mga mata." Sabi nito na nakakunot ang noo.
"Kung tama ang iyong mga tinuran sa akin na ako nga si Megumii, bakit hindi ko matandaan?" Tanong ko dito at kumuha ng tubig at inilagay sa aking basong hawak ngayon at uminom ng bahagya.
"Wala kang matandaan? Hindi mo alam na galing ka---" putol niyang sabi.
"Emma!" Napalingon kami sa sumigaw at wala sa sariling iniwasan siya ng tingin at bumaling sa bintana na malapit sa upuan ko.
Nadismayang napatingin akong muli kay Chesterine. Bumalik sa walang buhay ang ginawa ko kanina.
Napatayo naman si Emma at lumabas ng aking silid. Sinundan naman siya ni Chesterine. At isinara ang pintuan.
" Sinabi ko na sayong wala kang sasabihin sa kanya tungkol sa nakaraan dahil hindi siya si Megumii." Rinig kong sabi ni Chesterine at wala sa sariling napatayo ako at lumapit sa pintuan. Hindi ko na kailangan idikit pa ang aking tenga dahil dinig ko naman ito.
Nanatili akong nakatayo lamang doon habang pinapakingan ang mga yabag papalayo sa aking silid.
Megumii??? Ako nga ba talaga siya? Ipinanganak ba talaga ako sa mundong iyon? Ngunit bakit ako napadpad sa lugar na ito?
Nanatili lamang akong nakatayo sa harapan ng pintuan at iniisip kung posible nga bang nabuhay ako ng isang ordinaryong tao lamang.
Kung totoo man iyon ay ano kayang ginagawa ko sa mundong iyon? Sino ang mga nakagisnan kong mga magulang. Nagkaroon ba ako ng mga kapatid at kaibigan katulad ng mga minamasdan kong planeta na ginawa ko noong pinaka una. Nagkaroon ba ako ng kasintahan katulad ng mga ordinaryong taong nakikita ko sa aking mga ginawa noon? Nabuhay ba akong masaya noong panahon na nasa white snow world ba ako? Kung nabuhay ako doon at nandito ako sa lugar ni Chesterine, maaari bang hinahanap nila kung saan ako ngayon? O baka napaslang na silang lahat ni Chesterine? Napakapit ako sa aking damit sa aking naisip na baka pinatay na ni Chesterine ang mga taong mahal ko. Kung totoo man ang mga naiisip ko ay kailangan kong siguraduhin. Kailangan kong umalis sa lugar na ito.
Binuksan ko ang pintuan at di na ako nagulat ng makita ang mga nilalang na nakablack sa aking pintuan, nakahilera sila at ngayo'y nakaharang sa dinadaanan ko. Batid kong ramdam ko ang kanilang prisensya noon pang pagkagising ko noong unang napadpad ako dito. Kaya hindi na ako magtataka. Mga alagad sila ni Chesterine.
Biglang bumalik sa aking alaala ang nakaraang gumawa kami ng semi-God at nasisigurado kong si Emma ay ang ginawa ni Chesterine dahil gusto nitong may makasama at makausap man lamang ako.
Bakit ngayon ko lang naalala na siya ang semi-God na ginawa ni Chesterine? Bakit?
"Hindi ka maaaring lumabas aking mahal." Naibalik ako sa realidad ng makita si Chesterine sa aking harapan.
"Nais ko lamang magpahangin." Sabi ko dito.
"Ngunit dito sa lugar ay di ka makakalanghap ng sariwang hangin Angelique." Sabi nito. Hinawakan naman ako nito sa aking mga kamay at nakita ko si Emma na paparating. Napatingin ito sa mga kamay namin ni Chesterine at hinablot ko nalamang ang aking mga kamay sa kanya.
Napabuntong hininga naman ako at umatras sa kanya.
" Magpapahinga na ako." Pagkasabi ko noon ay isinarado ko ang pintuan at napahawak sa saraduhan nito.
"Kailangan kong makaalis sa lugar na ito! Hindi ako magiging masaya dito. Hindi man gumagana ang Teleportation ko dito dahil sa barrier na nakapalibot sa lugar niya ay hindi ako susukong makahanap ng paraan para makawala sa kulungan na ito. Kung isinilang man ako ay hindi ko hahayaang tumanda at mamatay na hindi ko malaman ang katotohanan. Nakatakdang labanan kita Chesterine. Yan ang nakasaad sa propesiya." Habang hawak hawak ko ang aking dibdib. Sumikip ito at patuloy lamang ang luhang kumakawala sa aking mga mata.
Hindi ko hahayaang mabuhay sa sakit at hinagpis kasama ka Chesterine. Di ko hahayaang ikaw ang magmamanipula sa kung saan ako dapat naroroon at sinong dapat kong makasama. Makakaalis ako dito sa lugar na ito! Pangako ko yan sa sarili ko.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
THE LIVING GODDESS (COMPLETED)
FantasyANONG GAGAWIN MO PAG NALAMAN MONG KASAMA MO SA MUNDO ANG ISANG DYOSA AT KAIBIGAN MO PA ITO? NGUNIT DI NIYA RIN ALAM NA ISA SYA SA MGA GOD .AT SYA ANG MAY GAWA NG LAHAT NG IYONG NAKIKITA . SIYA ANG MAY LALANG SAYO. NANDITO SIYA PARA SA ISANG MAHALAGA...