White Island 1.1

575 21 1
                                    

MEGUMII P.O.V

"Heto na ang isuot mo kagabi pa kami nagyayaya sayong mag swimming e. Pag bigyan mo na kami." Sabi ni Raven na hawak ang two piece na kulay maroon. Kagabi pa kasi nila ako yinayaya ngunit pilit akong tumatanggi at sinasabing masama ang pakiramdam ko kahit hindi naman.

Naiiling nalang akong napatingin kay beshy na may hawak na one piece.

"Heto maganda din beshy , malay mo di maalis ang tingin sayo ni Anthony at Javier, malaos ang beauty ni Tricia. Akala mo ang ganda at sexy e flat naman ang hinaharap." Naparoll eyes naman ito.

"Ang hard mo sa soon to be sister in law mo ha. Ahahahha." Sabi ni Raven.

"Soon to be sis in law ka dyan. E pano , akala mo sinong mabait e sinigawan ba naman ang maid kagabi dito at hindi lang yon sinabutan at minura pa niya ang mga ito . Hindi pa nakontento ito pinagsasampal pa niya . Naku! Kumukulo ang dugo ko dyan sa babaeng yan!" Galit na galit si beshy habang sinasabi iyon. Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi samin ni Tricia.

"Ha? Hindi ko alam na magagawa niya yun. Dahil sa pagkakilala namin sa kanya ay napakabait na tao nito. Sabagay, nabigla nga tayo na halos pakita na niya ang lahat lahat. Knowing na may kasama tayong mga lalaki. Kita pwet , talagang malaki ang pagbabago niya. Dahil noon ay magsuot lang ito ng sando ay ayaw na niyang lumabas. Weird. Pero yung sinasabi mong kaya niyang manakit ay di ko na alam." Nagatatakhang sabi ni Raven.

"So hindi ka naniniwala?" Di makapaniwalang tanong ni beshy.

"Hindi naman sa ganun. Alam mo namang kaibigan parin namin siya, at kapatid pa rin siya ng soon to be boyfriend mo. Kaya lang ang hirap talagang paniwalaan e." Sabi ni Raven.

"So, hindi ka nga naniniwala sa nakita ko? May patunay ako wait lang." May kinuha naman si beshy sa kanyang bulsa. Nakashort kasi ito. At ibinigay kay Raven ang cellphone niya.

"Ngayon siguro ay maniniwala kana." Napatingin naman kami sa cp na hawak ni Raven ngayon. Video ito ni Tricia at kitang kita sa mukha nito na galit nga ito. Plinay naman ni Raven ang video at napatakip nalang ng bibig si Raven habang tutok na tutok sa cp ni beshy.

Sa ginawa palang ni Tricia sakin kagabi ay naniniwala na akong ginawa nga ni Tricia yun sa mga maid dito kahit wala pang ipakitang video si beshy. Hindi naman kasi marunong magsinungaling si beshy e. Hanggang natapos ang video at ibinigay ni Raven ang cp ni Beshy na hindi parin makapaniwala ang mukha nito.

"Kita mo na ang ugali ng babaeng yon. Nakita rin natin ang totoong kulay ni Tricia. Kumukulo talaga ang dugo ko sa babaeng yon." Pairap na sabi ni beshy.

"I can't believe it. Kaya talaga niyang manakit at manigaw ng tao?'' Sabi ni Raven. Napatango tango naman si beshy.

Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

Tumayo ako at binuksan ito.

"Ang tagal niyo naman. Naiinip na ako sa pool area kaya pinuntahan ko na kayo. Why you took so long? At bakit di pa kayo bihis tatlo?" Tanong ni Akira na naka one piece ito. Ang sexy nito fit na fit sa kanya ng swim suit na suot niya.

"A, kasi hindi kami makapili kung anong susuotin ni beshy. Heto bang one piece o yung two piece na hawak ni Raven?" Sabi ni beshy at itinaas ang one piece at tinuro ang hawak ni Raven.

"Sa puti ni Megumii at kasexyhan kahit anong suotin nito ay bagay at hot na hot no." Sabi ni Akira na pumasok sa kwarto ko at ako naman ay sinara ito.

"So? Hindi naman pwedeng dalawa ang suot niya di ba? " sabi ni Raven.

"Syempre hindi ahaha. Yung maroon muna suotin mo Megumii tapos mamaya o bukas yung one piece . " habang kinikuha ni Akira ang maroon at pumunta sakin at ibinigay ang swim suit na two piece.

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon