THE TRUTH ABOUT ANTHONY AND AKIRA

651 23 1
                                    

MEGUMII P.O.V.

Nandito ako ngayon sa tabi ng dagat ,nakaupo sa buhanginan. As usual naka short at sando nanaman ako. Nakakainis kasi e, sila enjoy na enjoy tong lugar habang ako nag eemote rito. Bawal daw mag swimsuit sabi ng kamahalan. Napa roll eyes naman ako at kumuha ng buhangin , pinaglalaruan ko ito ngayon sa aking palad. Triny ko ulit mag swimsuit kagabi. At yun nagbangayan nanaman kami ng ungas na yun. Kesyo utos daw ng prinsipe. Prince order daw!!!  Nakakainis talaga!!! Kanina pa sila sa dagat at naghahabulan habang ako heto naka upo at bored na bored. Sana di na ako pumayag na sumama edi sana maghapon akong tulog sa dorm at wala sanang epal ngayon. Akala ko kasi makakapagrelax na ako at makakapag enjoy . Nagkamali pala ako.

Hindi ko nalang namalayan ang paglapit at pag upo ni Anthony sa tabi ko.

"Why are you here? Bakit di ka sumali sa kanila?" Tumingin naman ako dito at kina Akira siya nakatingin.

"Ano nga ba ang totoo?" Tanong ko dito.

"Huh?" Takhang tanong nito.

Humugot naman ako ng hangin at binuga agad. Tumingin muna ako sa mga masasayang elites na naghahabulan.

"I saw you one day at kahapon na tinititigan mo si Akira. Do you have a crush on her?" Tanong ko dito ngunit di parin maalis ang tingin ko kina Akira.

"Ahahaha, nakita mo pala ako." Sabi naman niya.

Tumingin naman ako sa kanya.

"But why are you still telling me na ako ang mahal mo?" Naguguluhan kong tanong.

"Akira knows about it. Nag confess ako sa kanya. Actually , idea niya ito noong simula palang, I am sorry, sa una ayokong pumayag ngunit nakapag isip isip ako sa planong kanyang binuo." Sabi naman niya na nakatingin sa akin.

"Anong plano? Ang pa ibigin ako?" Nakakunot noo kong tanong.

"No, not like that, plano naming pagselosin si Javier dahil alam naming gusto ka niya magmula pa noong umpisa." Sabi naman nito.

"Ha?" Nabigla kong sabi.

Ngumiti naman ito .

"Talagang pinalabas namin na galit na galit si Akira sayo. Yun kasi ang paraan para hindi mo kami paghinalaan. Inaaway ka niya at pinapaniwalang may gusto siya kay Javier. Sabi nga niya kina Raven na OBSESSED daw siya kay Javier. Paniwalang paniwala naman ang lahat kaya doon ako pumasok sa eksena. Kung hindi namin ito gagawin ay hindi lalabas ang totoong Javier. Kaya nung sinugod niya ako nung yinakap kita ay napangiti nalang ako, atleast gumagana ang plano namin hanggang sa kausapin ako nito na layuan ka at mahal ka daw niya. Pursigido siyang ligawan ka. Si Javier yung tipong hindi nanliligaw sa babae. Siya nililigawan , pati nga si Tricia ay niligawan si Javier. Kaya nga nabigla ang lahat ng iannounce nitong manliligaw siya sayo." Sabi ni Anthony.

"Nag announce pa talaga siya?" Tumango naman si Anthony.

"Ganun ka niya ka mahal." Sabi niya pa sakin. Napakunot noo naman ako sa sinabi niya.

"Kung mahal niya ako, hindi siya babalik kay Tricia di ba? Hindi niya ako iiwanan at itatapon ng basta basta." umiiling naman si Anthony.

"Mahal ka niya, maniwala ka, nakikita naming lahat yung care at pag aalala niya sayo. Kung bakit niya to ginagawa ay may mas mabigat na rason." Saad naman nito.

"Kailangan pa ba akong masaktan at umiyak ng maraming beses bago ko malalaman. Ayoko ng umasa Anthony. Atleast ngayon, nakakasigurado akong hindi ako mahal ni Javier. Dahil kung mahal niya ako di niya gagawin yun." Sabi ko sa kanya.

"Hindi ka ba nakakahalata? Bakit galit siya sayo nung nagswimsuit ka? Bakit pinapakielaman ka niya sa mga galaw at suot mo magmula nung nagpunta tayo ng bar. Ang totoo ay di ako nag cr non, nakita ko sila sa bar . Sorry iniwan kita dahil akala ko ay pag iniwan kita ay pupuntahan ka niya at iuuwi agad , ngunit may lalaking lumapit sayo. Nung una ay gusto na kitang lapitan ulit ngunit nakita ko na nagdilim ang anyo ni Javier noong mga sandaling yun kaya hinayaan ko. At boom sumugod siya, inunahan ko ang pagsuntok sa mukha nung bastos na yun dahil alam kong makakapatay ng tao si Javier kapag siya ang naunang sumuntok. Pagkasuntok ko dun sa lalaki ay hinihila ko si Javier para di mapuruhan yung lalaki. Nung hindi ko na kaya ang lakas nito ay sumigaw si Ustin at nawalan ka ng malay, agad ka niyang nilapitan at kinuha kay Hilda. Kitang kita ang pag aalala niya sayo. Nung ngang nakauwi tayo ng dorm ay inaway niya ako. Ahahaha, isa lang ang masasabi ko Megumii, mahal ka ni Prince Javier. Kung bakit ka niya nasasaktan ngayon ay walang nakakaalam ng dahilan kundi siya lang . Actually, napapansin ko siyang lagi kang pinagmamasdan sa malayo tulad ngayon.

Napatitig ako kay Anthony at napakunot ng noo.

"Ngayon?"  Takhang tanong ko.

"What are you two doing?" Napaangat naman ang aming tingin at nakita namin si Javier na nakasimangot at parang papatay ng tao ang hitsura nito. Napa gulp naman ako ngunit di ko pinahalatang kinakabahan ako. Bakit ako kinakabahan?

"Nag uusap , bakit? Meron pa ba kaming ibang ginagawa? Baka pati pakikipag usap ko ay babawalan mo rin kamahalan." Sabi ko rito.

"Tss." Rinig kong sabi nito.

"Bakit nandito ka? Baka makita ka pa ng fiancé mo na lumapit sakin baka sabunutan ulit niya ako." Lalong napakunot naman ang noo dito .

"Did she hurt you? " madilim ang anyo nito.

"Bakit di mo itanong sa fiancé mo." Mataray na saad ko dito at hinawakan ang kamay ni Anthony pagkatapos ay tumayo kami at naglakad palayo sa lalaking yun.

Hinabol naman kami nito at marahas na inialis nito ang pagkawak sa mga kamay namin ni Anthony na magkahawak. Hindi ako galit kay Akira at Anthony dahil alam kong tinutulungan lang nila ako at si Javier.

"Dude anong problema?" Tanong ni Anthony at napaharap kami kay Javier.

"Don't touch her." Madiin na sabi ni Javier.

"At bakit naman?"  Tanong ko dito.

"Damn! Damn, damn!" Napataas naman ako ng kilay sa inaasta nito ngayon . Nagmumura at the same time nagpipigil ng galit.

"I am so damn jealous Megumii. Please don't do this to me." Sabi naman nito samin or should I say sakin.

"Ha? Bakit naman? Di ba may Tricia ka na ? Ano to ? Papaasahin mo nanaman ba ako ? Sasaktan ? Bakit mo ginagawa to Javier?!"  Ako at iniwan ang dalawa doon , dumeretso naman ako sa kitchen ng mansyon.

Pero bago pa ako nakaalis doon ay narinig kong sabi ni Javier.

"Konting tiis nalang my love , konting tiis nalang."

Napabuntong hininga naman ako. So ? Nasasaktan ako at nagagalit sa wala? Ano pa nga ba ang rason mo kung bakit mo ito ginagawa?


Itutuloy...

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon