PRINCE JAVIER👆👆👆👆👆
MEGUMII POV
Maaga akong nagising dahil excited akong libutin ang paaralan . Sabi kasi ni Hilda kagabi na maaga daw kami para madama namin ang magandang atmosphere. Kaya heto ako ngayon naghihintay sa sala sakanya at naliligo pa ang bruha . Siya ang may sabing maaga kami ngayon naka ilang sent pa nga sakin yan kagabi bago ako natulog . Tapos siya pa ang malilate . Speaking of . At pakendeng kendeng pa ang lakad . Pinaningkitan ko naman sya ng aking mga mata habang ang bruha ay pakanta kanta pa .
"Sabi mo alas singko dapat ay ready na dahil magjojoging pa tayo habang naglilibot dito sa academy? E bakit six thirty na ata ng umaga ? At pakanta kanta ka pa dyan?" Ako na mababa lang ang boses ngunit may diin bawat word.
"Sorry naman beshy. Sinabi ko yun para naman maaga kang magising dahil alam kong alas diyes ka na naman magigising . At kaya sinabi kong alas singko dahil alam kong alas sais ka pa magigising . Malay ko bang sobrang excited mo ay talagang sumunod ka pa sa sinabi ko?" Pagpapaliwanag naman nito.
Naiiling nalang ako at naglakad na palabas .
"Teka di ba tayo mag aagahan?." Pahabol naman na tanong nya .
"Sa canteen na." Sagot ko habang nakatalikod na naglalakad sa kanya . Nasa harapan niya ako nyan at para syang tutang sumusunod . Ehehehe bad ko na .
Na feel ko ang ngumuso ito. Kaya napa smile nalang ako .
"Siya ba yung kalat sa campus ngayon?"
"Oo sya nga yun!"
"Pambihira ang ganda pala talaga nya sa personal"
"Totoo nga ang mga balita at may maaaway nanaman si Aira nito "
Palabas na kami ng dorm ng may mga kumpol na babae ang nakatingin samin at may pabulong bulong pa . Di ko nga alam kung bulong yun dahil sobrang lakas naman . Nahiya pa sila . Sana sinigaw nalang nila. At sino ba si Aira? O well never mind them nalang .
Pagkatapos linock ni Hilda ang pintuan ay nakangiting hinabol ako nito .
"Grabe ka naman beshy nang iiwan ka " nakapout na sabi nito . Fan talaga siguro to ng pout ? Ayaw patigil e.
"Parusa mo yan sa ginawa mong pagpapahintay sa akin no."
"Oo na . Sorry na di nako magpapahintay ng matagal sayo . Tara jogging na tayo ?" Tanong nito sa akin.
Umiling nalang ako. Nawala nako sa mood . Agad naman nya yung nagets at tumango naman sya.
"So saan tayo?"
"Sa canteen muna . I am really hungry right now . Parang gusto ng kainin ng mga pating ang mga bituka ko ." Napapangiwing sabi ko sa kanya.
"Sana all kahit nakangiwi na ay sobrang ganda pa rin ehehehe" sabi naman nya.
"Naku tigilan moko sa kakabola mo . May pa sana all ka pang nalalaman ." Sabi ko sa kanya na natatawa .
Natawa naman ito at diretso kami ng canteen . Di naman malayo ang canteen sa Dorm namin kaya nagsasaya na ang mga pating sa tyan ko ng malanghap ang masarap na pag kain . Pagpasok namin ang lahat ng tingin ng mga student ay nasa amin. Yung iba may pabulong bulong pa . Hilig naman nilang magbulungan? Pero iwinaksi ko nalang iyon at diretso counter kami . Na ngayon ay wala ng pila kaya nag order kami ng Kare-kare , tinola, cake, 4 kanin , 4 fried chicken, sisig ,hamburger , fries, Milk and water. Napanganga naman ang dalawang babae sa counter. Tinanong pa nga kami kung ilan kaming kakain nun . Kaya sinabi kong kaming dalawa lang ng beshy ko . Kaya ayun lalong nalaglag ang panga nila . Pero hinayan ko nalang . At nagsmile nalang ako habang si beshy ay nahihiya at ibinabaling sa iba ang tingin.
BINABASA MO ANG
THE LIVING GODDESS (COMPLETED)
FantasíaANONG GAGAWIN MO PAG NALAMAN MONG KASAMA MO SA MUNDO ANG ISANG DYOSA AT KAIBIGAN MO PA ITO? NGUNIT DI NIYA RIN ALAM NA ISA SYA SA MGA GOD .AT SYA ANG MAY GAWA NG LAHAT NG IYONG NAKIKITA . SIYA ANG MAY LALANG SAYO. NANDITO SIYA PARA SA ISANG MAHALAGA...