YES!

514 20 0
                                    

MEGUMII P.O.V.

Last day na pala namin sa palasyo ngayon at nandito na rin ang mga elites. May pakanta kanta pa sila dahil nandito kami sa music room ng palasyo. Habang bumubuo sila ng kanta ay nanonood naman ako. Di kasi ako mahilig kumanta kaya nabobored na ako ngayon pero okay lang ahahaha, e paano naman kasi binatukan ni Raven sina Julius at Justin kanina dahil mali mali ang kanilang key sa pagtugtug.

Napatingin naman ako kay Javier na lumapit sa akin. May dala itong maraming pagkain at nagsilapitan naman ang lahat samin ni Javier at kumuha ng sari sariling mga plato na kahelera ngayon sa table na nasa harapan namin ni Javier.

"Grabe nagutom ako." Sabi ni Justin.

"Matagal na namin alam na lagi kang gutom, so what's the new?" Sabi ni Raven at sumubo ng tinapay.

Napanguso naman si Justin. Bigla naman akong napahawak sa ulo ko at napansin naman agad yun ni Javier.

Agad naman ako nitong hinawakan para alalayan.

"Ayos ka lang ba?" Pag aalala naman nito.

"Bigla kasi akong nahilo." Sabi ko at napatakip naman ng bibig sina Akira, beshy at Raven.

"Don't tell us ginawa niyo na yung ano?" Sabi ni Akira na hindi ko man lamang maintindihan.

"Yung ano?" Inosente kong tanong. Habang nakahawak parin sa aking ulo.

"Yung alam mo na." Sabi naman ni Raven.

"Ha? Di ko kayo maintindihan, ano ba yun?" Takhang tanong ko.

"Magkakababy na ba kayo?" Tanong ni beshy na ikinangisi ng lahat. At ako ay nasa loading position pa rin. Ano daw?

Huli na ng magets ko ang sinabi niya at bigla kong hinawakan ang katawan ko at napatayo pa ako, lalo tuloy kumirot yung ulo ko.

"H-hoy! Pinag iisip niyo---" unti-unti naman lumabo ang paligid at unti-unti akong nilamon ng dilim.

"Tawagin niyo ang imperial doctor dito!" Sabi ni Javier. Yun ang last na word na narinig ko bago ako lamunin ng dilim.

Hilda P.O.V.

Nag aalala kaming lahat habang tinitingnan ng imperial doctor ang pulso ni Megumii .

"How's she?" Alalang sabi ni Javier.

"Kamahalan, nalipasan po siya ng gutom kaya siya nawalan ng malay." Sabi ng doctor.

"You may leave now." Sabi ni Javier habang hawak nito ang kamay ni beshy. Tumayo naman ang imperial doctor at nag bow muna ito bago tuluyang umalis ng silid.

"Sayang, akala namin ay magkakaroon na tayo ng little prince hihihi." Biro naman ni Akira.

"Iwanan niyo muna kaming dalawa ni Megumii." Sabi ni Javier, nagbow kami sa kanya at tuluyan ng umalis ng silid.


MEGUMII P.O.V.

Nagising ako na nakahawak ang kamay ni Javier sakin at alalang alala ang anyo nito ngayon.

Dahan dahang inupo ako nito galing sa pagkakahiga.

"Dapat di ka nagpapalipas ng gutom." Alalang sabi nito.

"Sorry, nakalimutan ko kasing kumain magmula kagabi." Bigla naman ako nitong yinakap.

"Huwag mo na ulit iyon gagawin, sobrang alala ko sayo my love." Sabi nito habang yakap yakap ako.

Napayakap narin ako sa kanya at tumango tango.

Kumalas naman kami ng yakap sa isa't isa. Ngayon ay nakatingin lamang ako sa kanyang mga mata at ganoon sin siya sakin.

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon