MEGUMII P.O.V.
"May pamangkin na ako?" Takhang tanong ni Julius habang turo nito ang sarili. Tumango naman ang aming kaharap.
"Ako nga pala si SAFIRA ang Semi-God ng buong White Snow World. Maaga man akong nagpakita ngunit marami pa rin kayong haharaping mga Semi-God. Sa ngayon ay mag eempake na ako at lilisanin ang lugar na ito. Tapos na ang aking misyon at napagtagumpayan niyo lahat ito." Sabi ni Safira.
"Nasaan ang pamangkin at kapatid ko?" Lumapit si Julius kay Safira at napatingin naman ako sa kamay niya na bigla nalang niyang pinalupot ito sa aking baywang. JAVIER. Pasimple ko namang inalis ang kamay niya sa aking baywang upang dumistansya sa kanya. Laki ng kasalanan sakin ng mokong na ito.
"She's here, malapit lang siya sa palasyo. Totoong nakuha siya ng mga kors noon at dalaga na siya ng makaligtas ngunit di niya makilala ang kanyang sarili ng matagpuan ito ni George ilang taon na ang nakakalipas. Pagkalipas ng araw ,buwan at taon kahit wala siyang maalala ay umibig si Tricia. Natutuhan niyang ibigin si George kahit walang kasiguraduhan kung ano ang totoo nitong katauhan. Bukod sakin ay si George lamang ang bukod tanging tumulong kay Tricia. Dumating sa puntong nagkaibigan ang dalawa at ikinasal. Sa kasamaang palad ay pumanaw si George sa isang malubhang karamdaman. Ni hindi nga niya alam na buntis pala si Tricia ng mamatay ito. Matalik kong kaibigan si George kaya lubos akong nalulungkot ng isinilang ang bata na wala na itong ama. Hindi man lang nakita ni George ang baby niya. Ngunit nangako ako kay George na ako ang bahalang gumabay at poprotekhan ko sila hangga't naririto ako sa mundong ito." Pagkukwento ni Safira.
"Sayang at hindi ko man lang nakilala ang George na ito bago pumanaw. Upang makapagpasalamat man lang. Salamat nga pala sa pagtulong mo sa kapatid ko. Pwede ba namin silang dalawin?" Kita sa mukha ni Julius ang sabik ng tanungin niya iyon.
"Oo naman at kambal mo naman yun. Miss na miss na nga niya kayo. Lalong lalo na ang mga magulang ninyo." Sabi ni Safira.
Ngumiti naman ng napakalapad si Julius at tumngin kay beshy na ngayon ay nakataas ang isang kilay nito. Nagkaayos na kaya ang dalawang ito?
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
THE LIVING GODDESS (COMPLETED)
FantasyANONG GAGAWIN MO PAG NALAMAN MONG KASAMA MO SA MUNDO ANG ISANG DYOSA AT KAIBIGAN MO PA ITO? NGUNIT DI NIYA RIN ALAM NA ISA SYA SA MGA GOD .AT SYA ANG MAY GAWA NG LAHAT NG IYONG NAKIKITA . SIYA ANG MAY LALANG SAYO. NANDITO SIYA PARA SA ISANG MAHALAGA...