HEROS ELITE DORM

1.1K 43 1
                                    

Megumii P.O.V

Nandito kami ngayon sa labas ng clinic at nagpapaalam na kami kay Doc. Robert na ang gwapo pala talaga nito. At pagkatapos naming magpasalamat ay papunta na kaming dorm namin ni beshy. Feeling ko biglang sumigla ang katawan ko. Ngunit kanina ko pa napapansin si beshy na tila ang lungkot lungkot.

"Bakit ba ang lungkot ng hitsura mo? Makakauwi nako ng dorm beshy . "Lalo naman lumungkot ang hitsura nito.

"Hays." Siya.

"Hindi ka ba masaya sakin beshy? Heto ako at buhay at kausap ka ." Sabi ko sa kanya at tumingin naman siya sa akin.

"Syempre masaya ako . At alam ko namang mabubuhay ka ahaha ikaw pa . At need mo lang ng lakas . Something kasi sakin beshy na naiinggit sayo." Napakunot noo naman ako .

"Anong kinaiinggitan mo aber? Nakatulog na nga ako ng 2 weeks inggit kapa?" Napairap naman ako .

"Hindi yun! Kasi sa dami ng kapangyarihan mo at napalabas mo pa tapos ako hirap na hirap . E isa lang kapangyarihan ko. Tapos hirap pakong ilabas. "Nakangusong saad naman nito.

"Ahahah,wag ka ng mainggit beshy . Ako kasi minamadali ko katawan ko kaya nung lumabas muntik pakong matsugi. Tama naman ang sinabi ni Javier na kailangan ko pa ng ensayo para mahandle ko ang mga kapangyarihan na yun. Kung di mo pa mailabas need time pa . Paunti unti muna hanggang makuha mo na. " Nakangiting saad ko dito .

Kaya ngumiti rin siya sakin .

"Pasensya na ha kung nainggit ako sayo beshy e kasi naman--"

"Teka, bat ibang daan na ang tinatahak natin? Hindi na ito papuntang dorm natin " takhang tanong ko naman sa kanya dahil paliko kami at malayo na kami sa dorm namin .

"A e , kaya ako naiinggit sayo yan talaga ang dahilan." Sabi naman niya kaya nagtatakha akong napalingon sa kanya .

"Huh??" Takhang tanong ko.

At di pa nagsasalita si beshy ay huminto kami sa kulay gintong pinto . Pure gold ang pinto . Tapos kumatok si Hilda. At agad nagbukas ang pinto at sumalubong samin ang mga Heros Elite na nakangiti . Ngunit walang ngiti naman si Javier na nakatingin sakin.

"Welcome sa HEROS ELITE place . "Sabay sabay sabi nila pwera lang kay Javier.

Napanganga naman ako at napatingin kay beshy na ngayon ay nakangiti na sa mga elites. Ano bang meron? Bakit nandito kami? Tinignan ko lang si beshy na nagtataka. At dumako naman ang tingin nya sakin .

"Beshy mamimiss kita , dito ka na titira dahil kabilang ka na daw sa Heros Elite" maluha luhang sabi pa nya kaya napanganga naman ako sa kanya at tumingin sa mga tao sa loob na ang lalapad ng ngiti nandun din pala si Headmaster Joey na nakangiti rin . Literal na naka nganga ako ngayon. Paano ako napabilang agad e , halos kauumpisa lang ng klase namin. Lahat sila ay nagbow sakin na lalo ko ipinagtakha lalo ng si Javier na ang nagbow nung huli .

Hinila nalang ako ni Raven papasok at pinaupo sa sofa. Sumunod naman si Hilda at umupo din sa tabi ko . Umupo din silang lahat pati si Headmaster.

"Welcome sa Heros Elite Megumii " sabi ni Headmaster na nakangiti.

"Paano po ako agad nakasali sa Heros Elite?" Tanong ko naman dito.

"Dahil sobra sobra ang iyong kapangyarihan iha . Ahaha " saad naman niya kaya napangiwi ako.

"Ipapalapa niyo po ba ako sa mga pating???" Sabay sabay silang nagkatinginan pwera lang kay Javier na hindi naaalis ang tingin sakin kaya lalo akong kinabahan or should I say nailang . My Gosh!! Nagrarambulan ang mga paru-paro saking tyan. Kailangan ko na bang bumalik sa clinic at magpatingin ulit ? Baka hindi to magandang senyales . Naku baka mapatay ko pa sa utak ko si Javier pagnagkataon dahil binibigyan nya ako ng sakit . Errrr, ano naman kayang sakit to? Nawala naman agad ang nasa isip ko ng magsalita si Headmaster.

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon