HILDA P.O.V.
Mag iisang linggo na ng masaksihan namin ang kaganapan doon sa power room. Ang kasama ni Prince Javier noon ay ang kambal ni Julius ang nawawalang kambal nito.
Nandito pala kami ni Raven sa labas ng library. Hinihintay naming lumabas si Megumii.
Nabigla nalang si Megumii nang harangan namin siya sa pintuan ng Library at iiwasan sana kami ngunit hinawakan namin dalawa ni Raven ang kamay niya . Napatigil ito sa paghakbang.
"Kausapin mo naman kami. Alam kong galit at nasasaktan ka ngayon beshy pero nandito kaming mga kaibigan mo. Please naman ilang araw mo na kaming iniiwasan. Sana naman ay kausapin mo naman kami." Ewan ko ba ngunit parang naiiyak na ako. I miss my bestfriend I miss her so much .
"Nandito kami Megumii handang makinig sayo. Handang damayan ka." Sabi naman ni Raven.
"So-sorry." Nakayukong sabi niya. Kita ko ang mga luha niyang pumapatak sa kanyang pisngi kaya yinakap namin siya ni Raven. Wala kaming pakielam kahit pagtinginan pa kami ng mga tao sa paligid . Ang mas importante ngayon ay siya.
Humiwalay na kami sa isa't isa.
Nag angat naman siya ng ulo at pinunasan ang luha niya.
"Tara sa dorm , pag usapan natin yan." Tumango naman siya.
Fast forward...
Nandito kami sa dorm ngayon sa mismong kwarto niya nakaupo kami sa mini sala niya habang siya ay nakayuko.
"Patricia Lobe." Sabi ni Raven.
Napaangat naman siya ng tingin sa amin ni Raven.
"Bata pa lamang kami ay kaibigan na namin si Tricia, napakamahiyain niyang tao, napakabait at napakagalang. Araw-araw ay naglalaro kami sa malaking palasyo nina Prince Javier. Mag bestfriend ang dalawa. Kitang kita mo ang pagkakaiba ng turing ni Javier kay Tricia. She's not ordinary person. Siya ay kambal ni Julius. Sobra sobra ang care ni Prince sa kanya . Lahat ng nagpapaiyak dito ay inaaway ni Prince. Para kay Tricia ay prince charming niya si Prince Javier. Nagkasumpaan ang dalawa na sila ang ikakasal pagdating ng panahon kahit maraming weird ang napapanaginipan ni Prince ay winalang bahala niya lang ito. Totoong mahal ni Prince si Tricia. Isang araw, naglalaro kami sa labas ng palasyo. Pinayagan kami ng aming mga magulang. Ngunit may nangyaring masama." Nakikinig lang si Megumii habang tumutulo ang luha nito. My poor bff.
"Ipinagbawal samin ang pumunta sa isang sulok sa labas ng kaharian ngunit nagpumilit itong pumunta doon. Una ay pumunta lahat kami pwera kay prince Javier na walang kaalam alam sa nangyayari. Ngunit ng may narinig kaming kaluskos na sa pag aakala nami'y may sumusunod samin na kawal ay nagsitakbuhan kami palayo sa lugar na yon. Akala nami'y pati si Tricia ay tumakbo ngunit nagkamali kami. Naiwan pala namin siya doon na nag iisa. Binalikan namin siya ng mapagtantong nawawala siya ngunit wala na siya doon. Doon na nag umpisa ang paghahanap sa kanya at di namin siya nakita pa hanggang sa magdalaga at magbinata kami. Dating masayahin na bata at palakwentong si Prince Javier ay nag iba. Nag iba ang pakikitungo niya sa mga nasasakupan niya, nag iba ang pakikitungo niya sa amin. Nagalit siya saamin ng lubos. Doon na nagbago ang dating kilala naming napakabait na tao. Naging cold ito at palaging nakasimangot, palaging gusto niyang mapag isa at palaging gusto niyang mang away ng tao." Mahabang paliwanag ni Raven.
"Mahal na mahal pala talaga niya si Tricia no? Kaya pala ng bumalik ito ay tila nakalimutan na ako ni Javier. Sabagay sino ba naman ako? Isang hamak na commoner lamang." Humagulgol nanaman sa pag iyak si Megumii at yinakap namin siya ni Raven.
"Tahan na beshy, makakahanap ka rin ng taong totoong magmamahal sayo. Hayaan mo na siya." Sabi ko rito.
"Mahal mo na ba siya?" Biglang tanong ni Raven at tumango ng maraming beses si beshy.
"O-oo sana. Kaso may mahal pala siyang iba e huk." Sabi naman niya.
Iniwan namin si beshy na tulog sa higaan nito.
"Naaawa na ako sa kaibigan natin friend e, wala naman siyang ibang ginawa kundi magmahal di ba? Nananahimik kasi ang tao tapos guguluhin ng prince na yun at liligawan tapos ano ending????? Sakit ang dinulot nito sa bff ko! Ganun ba kadali na iwanan nalang sa ere ang kaibigan natin? So peke lahat ng pinakita niyang care,love at effort sa kaibigan natin ganon?" Naiinis kong sabi.
"Hindi ko alam friend pero iisa lamang ang makakasagot niyan." Ngumuso naman si Raven at tinignan ko naman ang itinuturo ng nguso niya. Si Javier at si Tricia naghahalikan sa sala.
Tila ay kumukulo ang dugo ko ngayon at padabog na pumunta sa kwarto ni Julius kumatok ng malakas wala akong pakielam kung marinig ng lahat.
Binuksan naman ni Julius ang pinto.
"Gusto mo bang sirain----mahal?! Bakit galit na galit ka?" Gulat na tanong ni Julius.
"Pagsabihan mo yang kambal mo na umayos ha." Sabi ko rito.
"Bakit? Anong ginawa niya sayo?" Takhang tanong nito.
"Kababaeng tao nakikipaghalikan sa sala! Sakin wala! Pero sa bff ko malaki !!!" Galit na sabi ko.
"Chill lang mahal. Hindi kasalanan ni Tricia kung bakit nasasaktan si Megumii ngayon." Dispensa niya sa kambal niya.
"Alam ko, at kasalanan ito ni Prince Javier! Alam mo ba gaano ako nasasaktan na makitang ganun ang bestfriend ko?! Para ko na siyang kapatid Julius magmula pagkasilang magkasama na kami!!! Napakasakit isipin na pinaglalaruan lamang siya ng tadhana sa pamamagitan ng kapatid mo at nung lalaking walang pakielam kung may masaktan sa ginagawa niya !!!" Ako at humahagulgol na nagsasalita.
"What is going on here?" Napatingin naman ako sa mga taong nasa gilid namin ngayon , ang Heros Elite pwera kay Megumii. Napatingin din ako kay Prince na siya ang nagtanong.
"Kung may konsensya ka di mo na sana linigawan ang bestfriend ko." Sabay punta sa kwarto ko, isinara ko ng padabog ang pinto at umiyak ng umiyak sa inis at galit kay Prince , at awa sa bff ko.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
THE LIVING GODDESS (COMPLETED)
FantasyANONG GAGAWIN MO PAG NALAMAN MONG KASAMA MO SA MUNDO ANG ISANG DYOSA AT KAIBIGAN MO PA ITO? NGUNIT DI NIYA RIN ALAM NA ISA SYA SA MGA GOD .AT SYA ANG MAY GAWA NG LAHAT NG IYONG NAKIKITA . SIYA ANG MAY LALANG SAYO. NANDITO SIYA PARA SA ISANG MAHALAGA...