MEGUMII P.O.V.
Napahawak ako sa braso ni Javier at tinignan ko ang aking paa na hanggang ngayon ay hindi pa naghihilom. Tatlong araw kaming nagstay sa FORESTIANEM upang makapagpahinga at makapagrelax kahit papaano. Ngunit sa tatlong araw na iyon ay hindi pa lubusang hilom ang aking sugat.
"Take this pill." Sabay lahad ng kamay ni Javier na may kasamang healing pills ni Anthony. Muli ay napailing ako ngunit tinanggap ko na ang healing pills na iniabot niya. Ilang beses ko na kasing tinanggihan ang alok nila na inumin ang healing pills e, kaso ako yung pabebe na aayaw ayaw ngayon kinuha ko na para naman di ako maging sagabal sa aming misyon.
"Salamat." Nakangiti kong sabi. Napangiti naman silang lahat sakin habang nakatingin. Isinubo at linunok ko ang pills kinuha ko rin ang tumbler na may laman na tubig na iniabot ni beshy. I mouthed her Thank you at tumango lamang ito habang nakangiti.
Maya-maya'y di ko na ramdam ang sugat sa aking paa at ng tignan ko muli ito ay wala ng sugat doon.
"Feeling better?" Tanong ni Javier na ikinatango ko naman at bahagyang ngumiti dito. Napagpasyahan na namin tumuloy sa destination namin. Hindi narin kami tumuloy sa palasyo nina Julius dahil wala naman daw ang pamangkin at ang mga magulang nito dahil nasa palasyo daw sila upang bisitahin ang mahal na hari at reyna at upang ipakilala ang munting si Evangeline.
Namimiss ko na ang batang yun. Isang beses ko lang siya nakita at nakasama kahit sandali lamang ay palagay na ang loob ko sa batang iyon.
Nakapanlamig pala kaming kasuotan ngayon dahil nag ssnow dito sa parting ito. Pati si Julius ay nakapanlamig din. Lalong lumalamig pag natatamaan ka ng sobrang lamig na hangin. Sobrang ginaw!
"Can we rest for a while at magpainit muna?" Sabi ni Raven.
"Yes, it's freaking cold in here!" Bulalas naman ni Ustin.
" Malapit na tayo sa bayan." Sabi naman ni Julius na ikinatango naman namin.
"I'm cold!" Rinig kong sabi ni beshy at pinuntahan ito ni Julius at yinakap ang likuran nito habang naglalakad .
"Thank you babe." Nakangiting sabi ni beshy kay Julius.
"No problem babe. Just for you." Sabi naman ni Julius. Nagulat nalang kami at ganun din ang ginawa ng boys sa aming mga girls kaya nagpasalamat kami. Di rin nakaligtas ang pagblush ni Raven at Akira sa ginawa ng kanilang mga nobyo.
Mga ilang sandali lamang ay natahak na namin ang daan papunta sa bayan.
Tumuloy kami sa isang restaurant at umorder kami ng soup para mainitan. Umorder din ako ng hot chocolate at maligamgam na tubig.
Pagkatapos ay napagpasyahan na muna naming bukas na pumunta sa kinaroroonan ng semi-God dahil padilim na rin at sobrang lamig sa labas, baka maging yelo nalang kami don.
Naghanap kami ng matutuluyan kahit saglit lang at nakakita naman kami kahit papaano. At may hot spring pa para sa babae at sa mga lalaki.
Habang nakababad kami sa hot spring ay nakapikit lamang kaming lahat ninanamnam ang init para mawala ang lamig sa aming sistema.
" Pagkatapos nitong misyon natin ay balik na tayo sa dati. Nakakamiss mag aral." Sabi ni Raven at napamulat ako at tumingin sa kanya. Ngumiti naman ako.
"Ngunit kung ordinaryong tao lamang tayo ay maiinggit tayo kung sino man ang magkaroon ng misyon na ganito." Sabi naman ni Akira.
"Tama si Akira , ang daming nangangarap mapabilang sa heros elites." Sabi naman ni beshy.
" Wala naman silang dapat ikainggit. Mahirap ang bawat misyon natin at alam nila iyon. Bawat pagsubok na ating kinakaharap ay nagiging delekado ang mga buhay natin." Sabi ko naman sa kanila at napapaisip naman sila habang tumatango.
BINABASA MO ANG
THE LIVING GODDESS (COMPLETED)
FantasíaANONG GAGAWIN MO PAG NALAMAN MONG KASAMA MO SA MUNDO ANG ISANG DYOSA AT KAIBIGAN MO PA ITO? NGUNIT DI NIYA RIN ALAM NA ISA SYA SA MGA GOD .AT SYA ANG MAY GAWA NG LAHAT NG IYONG NAKIKITA . SIYA ANG MAY LALANG SAYO. NANDITO SIYA PARA SA ISANG MAHALAGA...