Isang magandang tanawin na feeling ko dati pa ko nakapunta rito . Isa itong Garden, napakalawak na akala mo'y walang hangganan. Napakaputi ng mga bulaklak sa paligid at napakasaya ng mga pixie na ngayon ay sumasayaw sa ibabaw ng mga bulaklak . Tinatawag nila ang pangalang God Angelique ngunit sa tuwing binabanggit nila iyon ay tumitingin ako sa paligid . Malay ko bang may ibang tao rito. Di ba?
Papalapit ang dalawang pixie sakin ...Megumii P.O.V.
Kringgggg.....
Napagising ako sa aking alarm clock at napahawak ako sa aking ulo habang umuupo . Sobrang sakit ng ulo ko ngayon na para bang binibiyak ito. Nagpahinga lang ako ng konti hanggang sa nawala ang pananakit at naisipan ko ng maligo . Puspusan ang ginawa kong pag aaral kagabi dahil sobrang late nako sa mga aralin. Baka bumagsak pa ako kapag di ko inayos ang aking pag-aaral . Kaya todo aral ako kagabi . Ala una na ata ako nakatulog at mag 5:30 palang ng umaga.
Nag ayos lang ako ng kaunti at nag uniform. Pagkatapos ay bumaba nako para mag agahan . Nakita ko na buo na sila sa kusina at naghohot chocolate na at tinapay . Yung iba naman ay nagsinangag sila at ham and egg .
Ng makita nila ako ay yinaya na nila akong kumain . Di naman pala iba ang uniform ng elites kesa sa mga student. Atleast walang special treatment na nagaganap.
Umupo naman ako at sinerve ako ni Raven . Linagyan nya ng sinangag ang plato ko at ham and egg . Tapos binigyan pa nya ako ng tinapay at hot chocolate kaya napangiti nalang ako sa kanya at nag thank you. Ngumiti lang sya at kumain na ulit .
Sinimulan ko ng kumain . Habang sumusubo ako ay di ko maiwasang tignan si Akira na ngayon ay irap ng irap sakin .Problema nito?
"Sinerve pa talaga , kebago bago parang prinsesa kung umasta at ituring . Tss" bulong nito ngunit dinig naman ng lahat . Kaya napakunot noo naman ako.
Hinawakan lang ni Raven ang kamay ko .
"Hayaan mo na ganyan talaga ugali niya. Pagpasensyahan mo na Megumii"pabulong na sabi nito.
Napatango nalang ako at napataas ang isa kong kilay .
Sa ngayon ay hahayaan ko muna siya . Ngunit pag dumating ang panahon na uulitin niya yan at napuno ako . Pasensyahan nalang.
Turan ng isip ko saking sarili. At nagpatuloy nalang akong kumain . Natapos kaming kumain at tumulong ako sa pagliligpit na sa una ay ayaw nila ngunit nagpumilit lang ako, kaya kalaunan ay pumayag din sila.
Kasama ko si Raven papasok dahil nasa second floor pa ang room nito at ang samin ay first floor lang kaya masaya kaming naglalakad sa hallway ngayon at halos lahat ng tingin ay nasa amin na. Di na rin naalis ang mga bulungan nila kaya hinayaan ko nalang. Parang wala rin naman kay Raven ang mga tingin at mga bulong na inuukol nila sa amin kaya binalewala ko nalang din .
Nakarating kami sa First subject na Physical combat 1. At pumasok nako at umalis na si Raven . Hindi daw namin sila makakasama ngayon dahil may mas importante silang gagawin. Need din daw nilang humabol sa aralin kaya kami munang first year ang mga narito .
Nasa pintuan palang ako ay rinig ko na ang mga sinasabi ng mga classmates ko na di pa alam na nandito ako at pinagkukwentuhan nila. Nakatayo lang ako at nakikinig. Nakatalikod sila sakin. Alam ko namang mali ang makinig sa usapan ng iba lalo na at di ako belong ngunit ako ang tinutukoy sa usapan nila e.
"Si Megumii na! Siya na maganda , siya na ang malakas , Nasa kanya na ang lahat girl." sabi ni Maureen.
"Nakakatakot naman siya pito ang kapangyarihan niya! Baka sugo siya ng mga Kors."turan naman ni Jinx kaya napataas nalang ako ng isang kilay.
BINABASA MO ANG
THE LIVING GODDESS (COMPLETED)
FantasyANONG GAGAWIN MO PAG NALAMAN MONG KASAMA MO SA MUNDO ANG ISANG DYOSA AT KAIBIGAN MO PA ITO? NGUNIT DI NIYA RIN ALAM NA ISA SYA SA MGA GOD .AT SYA ANG MAY GAWA NG LAHAT NG IYONG NAKIKITA . SIYA ANG MAY LALANG SAYO. NANDITO SIYA PARA SA ISANG MAHALAGA...