Megumii P.O.V.
Ang sabi kanina ni Akira ay nandito daw kami sa kanlurang bahagi ng Fierra. Totoo nga ang sinabi ng hari na ang ganda ng bayang ito. This place is so nice. Para kang laging nakikipagdate sa lugar na ito. Date? Eeerrrr.. bakit ko naman naisipan ang Date?
Naaaliw talaga ako sa aking nakikita ngayon sobrang ang ganda. Sagana sa ilaw ang mga tao dito. Kahit saan ka tumingin ay napakaganda ng paligid. Marami din ang mga makukulay na nakasabit sa daan .
"Ang ganda." Bulalas na sabi ni beshy.
"Oo nga ang ganda." Segunda ko naman dito.
"Salamat , lahat kasi ng tao dito ay masiyahin at malikhain. Kaya ayan ang mga gawa nila." Sabi ni Akira.
"Malayo pa ba tayo?" Napatingin naman kami kay Julius na nagtanong.
"Medyo, bakit? Pagod ka na ba?" Nakataas ang isang kilay ni Akira habang sinasagot si Julius.
"Hindi, gutom na kasi ako." Sabi naman niya.
"Ako rin , kanina pa tayo lakad ng lakad. Ginutom tuloy ako." Parang batang saad naman ni Ustin.
"Ai, Bhab--- Ustin naman di tayo makakarating agad sa pupuntahan natin kung lagi yang mga tyan niyo iniintindi niyo." Sabi ni Raven.
"Ok lang , let's eat muna bago natin ipagpapatuloy ang paglalakbay." Saad naman ni Akira.
"Saan ba pwedeng kumain dito?" Tanong ni Javier.
"Alam mo kamahalan ang hot mo kapag nagtatagalog ka ahahahaha ." Sabi ni Akira. Napatingin naman ako kay Javier ngayon ay nakasimangot nanaman.
"C'mon guys." Sabi ni Javier at dirediretso sa sea food restaurant.
Sumunod naman kami at pumasok sa restaurant. May sumalubong na babae sa amin at nagbow. Dinala kami sa second floor . Feeling ko nasa private room kami ngayon. Oha social ang restaurant na ito.
"What are your order Ladies, Lords and P-prince?" Tanong ng babae.
"Give me your best seller ms. and make it triple na kada isa sa amin." Saad naman ni Raven.
"P-po?" Takhang tanong ng babae.
"32 order ng best seller niyo." Sabi Akira.
"Anong desert niyo dito?" Tanong naman ni Justin.
"Leche plan and ice cream sir." Mabilis na sagot ng babae na namumula mula pa ang mukha nito.
"Okay, bigyan mo kami nyang dalawang desert tig iisa sa amin." Sabi naman ni Raven .
"O-opo Lady ." Sabay bow nito at umalis na.
"We have something to tell you guys , alam kong hindi ito ang tamang panahon pero---" natigilan si Ustin sa sinasabi niya ng hawakan ni Raven ang mga kamay niya na parang kinakabahan siya at umiiling ito.
"Go ahead, tell us." Napatingin naman kami kay Javier at pagkatapos ay tumingin kami kay Justin.
"Ah,eh.." kinakabahang turan ni Raven.
"Kami na, matagal ko ng girlfriend si Raven. Hmm." Nabigla ako sa sinabi niya kaya pala nung minsan nakita ko silang magkayakap sa sala ng dorm . Ngunit binalewala ko kasi akala ko friend hug lang dahil masaya silang dalawa at saglit lang yung yakap nila.
"Yun lang ba?" Tanong ni Julius.
"Naku friend, kahit di niyo aminin ay halatang halata kayo. Actually, dati pa namin alam ni Julius e." Sabi ni beshy.
BINABASA MO ANG
THE LIVING GODDESS (COMPLETED)
FantasyANONG GAGAWIN MO PAG NALAMAN MONG KASAMA MO SA MUNDO ANG ISANG DYOSA AT KAIBIGAN MO PA ITO? NGUNIT DI NIYA RIN ALAM NA ISA SYA SA MGA GOD .AT SYA ANG MAY GAWA NG LAHAT NG IYONG NAKIKITA . SIYA ANG MAY LALANG SAYO. NANDITO SIYA PARA SA ISANG MAHALAGA...