Megumii P.O.V.
Apat na linggo na ang nakakaraan nung sumabak kami sa nakakapagod at sulit naman na misyon. Napagtagumpayan namin ang aming mga misyon kaya nung bumalik kami sa school ay puspusan ulit ang aming pag eensayo at pag aaral. Maraming pumupuri sa amin ngayon ngunit balewala naman iyon para sa akin. Ayokong lumaki ang ulo dahil lamang sa mga misyong aming napagtagumpayan.
Balik na ulit si Javier sa aking silid at dito na rin siya natutulog ulit.
Gabi na pala at nakahiga kaming dalawa sa kama ko. Nasasanay na kasi ako sa prisensya niya. Ngayon ay nakasiksik ang ulo nito sa aking leeg at pinalalaruan ang aking buhok.
"Ilan ang gusto mong maging anak ,love?" Tanong nito na ikinabigla ko. Nagtaas ito ng tingin at tinitigan ang aking mga mata. Napalunok naman ako sa tanong niya.
"Ano bang katanungan iyan , Javier. Nag aaral pa lamang tayo." Sabi ko dito.
"Ngunit kasal na tayo." Sabi naman ni Javier. Sunud-sunod ang aking paglunok. Umupo naman ng tuwid si Javier at tinitigan akong mabuti.
"Okay na sa akin ang lima!" Masayang sabi nito na ikinanuot ng noo ko.
"Hoy! Anong lima ka dyan! Ginawa mo naman akong baboy niyan e!" Pasigaw na sabi ko at umupo narin sa tabi niya.
"Basta gusto ko lima!" Nakangising sabi nito.
"Che! Kung ikaw ang magbubuntis at kung ikaw ang manganganak ay papayagan kita." Masungit na sabi ko sa kanya. Napatawa naman siya sa sinabi ko.
"Ang cute naman ng love ko." Sabay pisil nito sa ilong ko. Napairap naman ako dito.
"Matulog na tayo Javier, maaga pa ang klase natin bukas." Balewalang sabi ko sa kanya at humiga ulit pagkatapos ay tumalikod ako dito.
Naramdaman ko nalang na humiga ulit ito at yinakap ang aking likuran.
Napangiti nalamang ako.
"Good night love." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinalikan ako nito sa aking pisngi. Pumikit ako at natulog na may ngiti sa aking mga labi.
Kinabukasan..
Habang abala ako sa pagbabasa dito sa Library ay nasa harapan ko lamang ang aking kabiyak at nakangiting nakatitig sa akin. Sanay na ako sa ginagawa niya dahil pagkabalik namin ay ganyan na siya ka sweet sakin. Tila ay may napapatili pa kapag nadadaanan kami ng mga students dahil sa ngiting ibinibigay ni Javier ngayon na dati ay puro lamang kasimangutan ang makikita mo sa mukha nito. Napataas ang sulok ng aking bibig at tinago ko pa sa librong hawak ko ang akimg mukha upang di niya mahalata ang pagpula ng aking pisngi. Inaamin kong kinikilig ako. Sino bang hindi kikiligin kung ang napakagwapong nilalang at ang prinsipe mismo ang kasama mo at ikaw ang dahilan ng mga ngiti niya ngayon.
Napatingin ako sa kanyang kamay na kinuha ang librong nasa tapat ng aking mukha. Pagkatapos ay tumingin ako sa kanya. Napaawang ang mga mata ko sa pagkindat niya sa akin.
Shetnessss! Ang gwapo talaga niya!
"Kumindat si Prince Javier."
"Oo nga nakita ko rin yun, at nag ssmile na siya!" Parang kiti kiting sabi ng mga dumaan na babae sa aking likuran.
"Tumigil ka nga." Mahina kong sabi sa kanya na ikinatawa naman niya ng malakas.
Napatampal naman ako sa aking noo ng makitang nakatingin ang lahat sa amin habang nakanganga pa.
BINABASA MO ANG
THE LIVING GODDESS (COMPLETED)
FantasyANONG GAGAWIN MO PAG NALAMAN MONG KASAMA MO SA MUNDO ANG ISANG DYOSA AT KAIBIGAN MO PA ITO? NGUNIT DI NIYA RIN ALAM NA ISA SYA SA MGA GOD .AT SYA ANG MAY GAWA NG LAHAT NG IYONG NAKIKITA . SIYA ANG MAY LALANG SAYO. NANDITO SIYA PARA SA ISANG MAHALAGA...