Curiosity

838 28 0
                                    

Megumii P.O.V.

"Nakasulat sa propesiya na ginawa ang mundong ito ni God Angelique." Sabi ni sir Karl.

"Wait sir may isang God na babae?" Takhang tanong ni Patrick . Alam ko naman na may God na babae e kaso hindi na siya kasama ng ibang Gods ngayon dahil sa hindi sinabing dahilan sa prophecy kung bakit siya umalis. Ang alam ko lang ay darating siya dito sa mundo upang tulungan ang mga nilalang niya na puksain ang kasamaan ng hari ng mga Kors at mismong kors.

"Yes, she is God Angelique. According to the prophecy, she is so beautiful,powerful and she is so kind to all. She made us." Napa woah naman ang mga kaklase ko.

"Bakit po di yan pinagkakalat sa buong WHITE SNOW WORLD? Dahil ang buong akala namin ay si God of Fire ang bumuo sating mundo sir."nagtatakhang tanong naman ni Alucard.

"Ayon sa prophecy bawal muna ipagkalat yan habang hindi pa dumadating si God Angelique sa mundo. " napanganga naman kami sa kanya.

"Darating po ba siya sir? Kailan po at saan? " tanong naman ni Cirine. Napatingin naman si sir Karl sa akin at agad din nagbawi ng tingin.

"Yun ang nakasaad sa propesiya. Darating sa mundo si God Angelique upang tulungan tayong lahat laban sa mga KORS at mga demons na naghahasik ng lagim . Kung kailan at saan man siya mapadpad ay di natin iyon alam , dahil yun lang ang nakasulat at nakatakdang mangyari." Paliwanag naman ni sir Karl . Lahat naman ang umingay at naging excited.

Talaga bang darating ang isang totoong Diyosa sa mundo? Pero malabo bang ngayon siya magpapakita? O sa susunod na henerasyon? Tila di ko mawari ang nararamdaman ko ngayon dahil sa kaisipang iyon. Di ko tuloy maarok ang nilalaman ng aking pag iisip. Kinakabahan at in the same time na eexcite ako . Sino ba ang hindi maeexcite di ba ? Yung may lalang sayo ay makikita at makakasama mo sa mundong ito . At mapapasali ka pa sa prophecy.

"Silent class." Tumahimik naman ang paligid.

"I know you're all excited but don't expect to much okay? Class dismiss." Saad naman ni sir Karl at umalis na .

Humarap naman sakin si beshy na ang lapad ng ngiti.

"Excited ka rin?" Tanong ko rito.

Tumango naman siya at lalong lumapad ang ngiti nito.

"Akalain mo yun beshy kung ngayong henerasyon magpapakita si God Angelique ay tayo na ang pinakamaswerteng nilalang sa balat ng white snow world."Nakangiting sabi nito.

"Pero kung ngayon siya darating kailangan tayong maghanda sa matinding digmaang mangyayari beshy dahil siya ang tutulong at siya ang magpoprotekta satin ." Sagot ko naman dito. Nawala naman ang ngiti nito sa labi.

"Tama ka beshy nakakatakot pala ." Takot ang nababakas sa mga mata nito . Kaya napailing nalang ako.

"Last subject na ba tayo?"pag iiba ko ng usapan namin.

Umiling siya kaya napakunot noo ako.

"Wala si Ms. Arvie ngayon beshy may inaasikaso daw siyang importante. Inutusan kasi daw siya ng hari na magmanage muna ng mga theme sa party na magaganap sa palasyo at maghanda kana beshy lahat tayong narito ay invited sa pagtitipon sa kaharian." Mahabang saad nito.

Bakit di sinabi nina Raven sakin yun? At bakit alam naman nito ng bruha.

"Kailan daw tayo pupunta sa palasyo ?" Tanong ko rito at kinuha na ang bag ko at nagsimula na kaming maglakad palabas ng room.

"Sa sunday na daw ." Balewalang sabi nya sakin. Ngunit napatigil ako . Friday na ngayon at sa sunday na agad ang party? Wala pa kaming maisusuot na dalawa.

"Alam ko iniisip mo beshy , meron na tayong gown . Sinabi ng mananahi nitong school kinuha daw ang sukat natin ni prince Javier at siya na bahalang magpapatahi. "Tila kilig na kilig pa ito at pahampas hampas pa habang sinasabi ang katagang iyon. Teka? May gusto ba ito kay Javier? O well , I don't care.

But sad feelings ang nararamdaman ko . It hurts you know. Hays , ano ba tong iniisip ko. Bakit naman ako masasaktan kung may gusto ang best friend ko Javier? Di ba? Edi sila na ang masaya . Hmp.

At bakit naman gagawin ni Javier na patahiin kami ng gown ng best friend ko ? Baka gusto din nya si beshy? Lalong bumilog ang mata ko sa naiisip ko.

"Huy? Ok ka lang beshy? Bakit ganyan ang mukha mo?"takhang tanong nito sakin. Napailing nalang ako sa kanya.

"N-nagugutom na kasi ako beshy."  Sabi ko naman sa kanya at agad naman ako nitong hinila papunta sa canteen.

"Ikaw talaga , kahit kailan hindi mo hinahayaan ang tiyan mong magutom." Pailing-iling na saad nito sakin. 

Papalapit na kami ng canteen ng matanaw namin ang heros elite pwera lang kay Akira . Nasa tapat sila ng canteen na ultimo mga model na nakatayo at ang lahat ng students doon ay napapatili at kinikilig naman ang mga babae . Pero hinayaan ko nalang sila at napatingin ako kay Javier na nakatingin saming dalawa ni beshy . O baka si beshy lang tinitignan nya at assuming lang ako na pati ako tinitignan nya. Napadako narin ang tingin ng mga heros Elite samin at agad kaming sinalubong ng yakap ni Raven .

"Kanina pa namin kayo hinihintay bakit ang tagal niyo."kumawala na ito sa pag kayakap at naglakad na kami papasok sa canteen.

"Katatapos lang ni sir Karl magturo." Saad ko naman dito. Napansin ko naman si Julius na tila inalalayan si beshy magmula pagkapasok hanggang sa naupo kami . Napansin ko rin na may mga pagkain na sa lamesa .

"Alam kong gutom kana sa mga oras nato Megumii kaya kumain na tayo." Nakangiting saad ni Raven at kumuha siya ng pagkain at inilagay sa plato niya. Ganun din ang ginawa ng lahat kaya napakuha nalang ako. Ngumiti ako kay Raven at nagsimula na akong kumain .









Itutuloy...

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon