Megumii P.O.V.
Nag umpisa na kami sa pagtakbo actually di siya talaga takbo e parang nagjojogging lang kami.
"Ang sakit na ng mga paa ko." Rinig kong sabi ni Beshy. Di naman ako pwedeng tumingin sa likod dahil iyon talaga ang rules.
"Okay ka lang beshy?" Nag aalala kong tanong habang nakatingin kay Tricia na serious na tumatakbo.
"Okay lang ako beshy don't worry." Rinig kong sabi ni beshy kaya napatango naman ako at di lumilingon.
"Kung ganyan ang pagtakbo niyo ay di niyo agad magogoal ang 100 times na pagtakbo!" Rinig kong sabi ni Headmaster kaya binilisan nanaming lahat ang pagtakbo. Nafefeel ko na ang aking mga paa na namamaltos na ang mga ito. Sigurado akong mamamaga ang ito mamaya. O baka di na kami makalakad pa.
Fast Forward...
Nasa 95 na kami at pagabi na rin . Hindi pa kami nanananghalian niyan at medyo hilo nako. Sobrang sakit na rin ng mga paa ko. Tatlo nalang kami sa line sa mga first year , ang mga elites at fourth year nalang ang natitira, dahil yung iba nawalan ng malay at yung iba di na kinaya.
Ako, si beshy at si Tricia nalang ang natitira saming first year. Ang galing pala ni Tricia at kasama panamin siya. Tibay din pala niya. Unti-unti namang bumabagal ang aming pagtakbo ng bumagal bigla si Tricia at nabigla nang ako nang bigla nalang itong natapilok at nadapa.
"Aray!" Daing niya at napatigil kaming lahat sapagtakbo. Bigla naman namuo ang aking pag aalala sa kanya . Uupo na sana ako ng may makita akong mga kamay at binuhat siya. Napatingin naman ako sa kanya. Kita ang pag aalala sa mga mata nito.
"I will carry you to the clinic." Sabi nito.
"Ako nalang kamahalan ang magdadala sa kapatid ko sa clinic." Rinig kong Sabi ni Julius. Ngunit parang wala itong naririnig at tumalikod na sa amin. At mabilis na umalis . Ni hindi manlang siya lumingon sa amin or sa akin.
Baka nag aalala talaga siya! Ako nga kanina ay sobra ang aking pag aalala ng makita ko siyang nadapa. Di ba mag kaibigan naman sila magmula pagkabata? Tama! Yun na yun nag aalala siya sa kaibigan niya.
At di ba, nangako din sila sa isa't isa na sila ang magpapakasal pagtumanda na sila? Wika ng kapirasong utak ko.
Napailing nalang ako sa aking iniisip . Kung anu ano na ang naiisipan ko.
"I think okay na yon. Maaari na kayong magpahinga." Rinig kong sabi ni Headmaster atsaka humakbang na kami para makapunta na ng dorm. Hahakbang sana ako kaso naramdaman ko yung sobrang sakit ng aking mga paa at hilo dahilan upang muntik na akong matumba buti nalang at nakahawak ako sa isa sa mga batong malalaki na katabi ko lang ngayon. Nakita ko ang mga kasama kong boys na kinakarga nila ang mga girls. Napangiti nalang ako at lalakad na sana ng may dalawang kamay na kinarga ako ng mga ito na parang bridal position.
"I am sorry kung natagalan ako." Hindi na ako umimik sa kanyang sinabi dahil na rin siguro sa hilong nararamdaman ko ngayon. Hindi na siya nagsalita pang muli at naglakad na siyang karga ako patungong dorm namin.
Nang makarating kami ng dorm ay agad niya akong dinala sa aking kwarto at inilapag sa aking kama. Pinaupo niya ako at inalis niya ang boots ko na may heels. Napangiwi nalang ako at napapikit ng maramdaman ang sakit at kirot sa aking mga paa.
"Shit! I will kill that bastard." Bulong nito ngunit rinig ko pa rin ang kanyang sinabi kaya napailing nalang ako. Dali-dali siyang tumayo at nagtungo sa tabi ng aking comfort room.
Kumuha siya ng medicine kit upang linisin ang aking mga sugat. Umupo naman siya agad at inalagay niya ang mga paa ko sa kanyang hita.
"Teka, kamusta na pala si Tricia?" Alalang tanong ko sa kanya.
Napatingin naman ito sa akin.
"She's fine now, pinainom siya ng pampamanhid, mamaya ay pupuntahan ni Anthony si Tricia upang ibigay ang healing pills para maibalik agad ang kanyang lakas at malunasan agad ang mga sugat niya." Napatango tango naman ako sa sinabi niya at pagkatapos niyang sabihin yon ay nagpatuloy naman siya sa kanyang gagawin o ginagawa.
Habang linilinisan niya ang aking mga sugat ay napapatitig ako sa kanyang mukha. Hinihipan niya ang aking mga sugat habang linilinisan. Oo, mahapdi ngunit hindi ko yun ipinahahalata dahil nag eenjoy ako sa inaasta niya ngayon. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Napatigil naman ako.
"Take a bath first. Pagkatapos mo ay lalagyan na natin ng mga gamot ang mga sugat mo." Wika niya na ikinatango ko.
Binuhat niya ulit ako papuntang banyo at dinala sa bathtub. Lumabas siya ng banyo at sinara ang pintuan nito. Dinig na dinig ko ang mga hakbang niyang palakad lakad sa kwarto ko.
"Ipaghahanda kita ng pagkain, naka ready na rin ang mga damit na susuotin mo. Makikita mo ang mga ito paglabas mo ng cr. Dahan dahan sa paglalakad . I'll be quick!" Rinig kong sabi ni Javier at narinig ko nalang na sumara ang pintuan ng kwarto ko . Nakaalis na siya ng kwarto ko kaya mag uumpisa na akong maligo. Dahan dahan kong hinubad ang mga damit na suot ko at pagkatapos ay nag umpisa na akong maligo.
Pagkatapos kong maligo ay binalutan ko ng towel ang aking katawan at isa pang towel para sa aking ulo o buhok. At dahan dahang lumabas ng banyo.
Pagkalabas ko ng banyo ay paika ika akong nagtungo sa aking kama na nandoon na ang mga damit na aking susuotin. Napangiti nalang ako ng makita ang isang pares ng pantulog. Heto ang suot ko noong FIRST DATE NAMIN ni Javier. Kinuha ko naman iyon at dali-daling isinuot. Ibinalik ko ang towel sa banyo na paika ika at pagkatapos ay nagtungo na ako sa aking kama at nahiga. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang maramdaman at marinig ko na may pumasok kaya napa upo naman ako at napaayos ng makita ko si Javier na naka uniform pa at may dalang tray ng pagkain at milk. Inilapag niya sa aking kama ang mga dala niya.May hotdogs, fried chicken at bacon kasama na ang gatas.
Nagningning naman ang aking mga mata ng makita ko ang mga pagkain. Agad akong kumuha ng hotdog at kinagat ko agad ito.
"Maliligo lang ako." Rinug kong sabi niya.
Dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Thank you ang sarap ! Kain ka muna." Yayaa ko sa kanya at umiling siya.
"Maliligo na ako. After mong kumain ay pahinga ka muna, mamaya ko nalang lalagyan ng gamot yang mga sugat mo." Tumango naman ako at ngumiti.
"Maraming salamat sa pag aalaga." Nakangiti kong sabi.
Ngumiti naman siya ulit at naglakad na papuntang pintuan ng kwarto ko at lumabas ito, sinundan ko siya ng tingin hanggang isinara niya ang pintuan.
Napatingin naman ako sa mga hinanda niyang mga pagkain dahilan para mapangiti ako.
'Sasagutin na kita'..
Nakangiti kong bulong at ipinagpatuloy ang aking pagkain.
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
THE LIVING GODDESS (COMPLETED)
FantasyANONG GAGAWIN MO PAG NALAMAN MONG KASAMA MO SA MUNDO ANG ISANG DYOSA AT KAIBIGAN MO PA ITO? NGUNIT DI NIYA RIN ALAM NA ISA SYA SA MGA GOD .AT SYA ANG MAY GAWA NG LAHAT NG IYONG NAKIKITA . SIYA ANG MAY LALANG SAYO. NANDITO SIYA PARA SA ISANG MAHALAGA...