GOING TO THE PALACE

818 32 2
                                    

GOWN OF MEGUMII👆👆👆👆

Megumii P.O.V.

Nandito kami ngayon sa dorm ko kasama si beshy . Sinundo daw kanina ni Julius at pinapasabay sa aking mag ayos . Actually, may taga ayos kami . Dalawang bakla. Ang gaganda nila , mas mukha pa ata silang babae sa amin ni beshy e . Mapagkakamalan mo talaga silang mga babae kung hindi lang sila magsasalita. Kanina nga gulat na gulat ako pagkagising ko nandito na ang dalawa ang sabi nila inutusan sila ng prinsipeng ayusin kami ni beshy. Kaya ngayon nandito kami sa harap ng salamin at linalagyan ng kolorete sa mukha. Hayss, naalala ko nanaman ang nangyari kahapon.

Flashback:

"N-nag uusap lang naman kami." Utal na sabi ko. Teka , bakit ako nauutal ?

"Na kayong dalawa lang?" Matatas ang pagtatagalog niya. Ang weird ko at inaaamin kong nakucutan ako sa pagtatagalog niya. Feeling ko ang hot niya pag nagtatagalog. What the F! What I am talking about?! Bakit ko sinabing hot siya?

"Nag uusap lang kami bro." Sabi naman ng katabi ko.

Bigla naman siyang lumapit samin dalawa ni Anthony at hinila ako patayo.

"Nasasaktan ako." Ang sakit ng braso ko feeling ko nagkapasa na ito.

"Mahal na prinsipe." Tumayo si Anthony habang nakatingin sa kamay namin ni Javier.

"We're leaving." Yun lang sinabi niya na di tumitingin kay Anthony at sakin lang siya nakatingin na akala mo kami lang dalawa dito at tinangay na ako nito palayo sa lugar kung nasaan si Anthony.

Nakapunta kami dorm ng hindi ko namamalayan . Isang kwarto kami napadpad ng sa palagay ko nag teleport ito. Blue theme ng kwarto at black,isa lang masasabi ko so manly .

"Bakit tayo nandito at kaninong kwarto to ? Sobrang laki naman ata . Mas malaki pa sa kwarto ko. At bakit natin iniwan si Anthony don? Nag uusap lang naman kami a!" Tanong ko sa kanya.

"It is my room." Tipid na sabi nito.

"Your what?" Paglilinaw ko sa sinabi niya baka namali lang ang pandinig ko.

"Stupid! Please don't play around." Sabi naman niya. Napakunot noo ako.

"I am not playing around. Bakit tayo nasa kwarto mo?! A-anong balak mo ?" Ako habang tinatakpan ang harap ko gamit ng mga kamay ko .

"Silly, I will not do that . Whatever you're thinking." Pailing iling pa na saad nito.

"Pwede bang magtagalog ka. Puro ka english e nano-nosebleed nako sayo." Sabi ko naman sa kanya.

"Ok fine." Bigla niya akong hinila papalapit sa kanya. Yan nanaman ang hila hilang yan . Kaya napasubsob ako sa matigas niyang dibdib at nakayakap siya sakin ngayon. Nakakahiya ang posisyon namin ngayon.

Dug dug dug dug.

"Please, ayoko kong nakikita kitang masaya sa ibang lalaki, ayaw kitang nakikitang kausap ang ibang lalaki bukod sakin Megumii." Siya.

Dug dug dug dug.

Omy gasss magkakaheart attack na ata ako sa lalaking ito. At ano raw?

"B-bakit?" Takhang tanong ko sa kanya.

"'Coz you are mine. Mine alone." Lalo pang humigpit ang yakap nito sakin at di lubusan maisip ang sinabi niya. Nasa loading area palang ata ako. Bigla siyang kumalas sa pagyakap sakin at naglaho sa harap ko ng parang bula.

At natauhan nalang ako bigla. Linibot ko ang tingin sa paligid. This is my room now. What is happening?

End of flashback...

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon