PANGAKO NILA NOON

489 18 3
                                    

MEGUMII P.O.V.

Patapos na ang party sa palasyo ngunit wala akong pakielam. Sa lahat ng nangyari ngayong araw ay parang nawalan na ako ng mood lalo na sa NOBYO ko na laging katabi ang lintang yun. Tila ay nanggigigil ako sa iniisip kong iyon at di ko na namamalayang napapahigpit na ang hawak kong tinidor at bigla kong idiniin ito pabagsak sa lamesa kaya naglikha ito ng ingay na ikinalingon ng lahat. Tumayo naman si Akira na katabi ni beshy, katabi ko kasi si beshy sa right side. Napahawak naman sina Raven at beshy sa dalawa kong kamay . Katabi ko naman si Raven sa left side.

"Pasensya na po kayo nabitawan lang po ng kasama namin ang kubyertos kaya naglikha ito ng tunog." Pagsisinungaling naman ni Akira kaya bumalik naman sa kani kanilang mga ginagawa ang mga dumalo. Ang hari at ang reyna ay umakyat na sa taas kanina dahil pinagpahinga na sila ni Javier.

Napa roll eyes naman ako kay Akira at saktong napadako ang tingin ko sa Prinsipe at Prinsesa. Great! Royal sila ! Isa lamang akong commoner na tinik sa lalamunan nila.

Naalala ko naman ang nangyari nung sinubok ako ng semi-God noon. Ngunit pinagkaiba noon ay isa lamang pagpapanggap ang nangyari sa kanila, ngayon ay di ko na alam!

Sa lalim ng aking pag iisip ay hindi ko na namalayan na umalis na pala ang dalawa sa kanilang pwesto kanina.

Napatayo ako at naglakad.

"Saan ka pupunta?" Dinig kong sabi ni beshy ngunit hinayaan ko lang siya at tuloy tuloy papunta sa silid ko dito sa palasyo. Binigay na kasi sakin ng mahal na reyna ang silid na iyon, kung bakit ay hindi ko alam.

Wala ako sa mood ngayon at gusto kong mapag isa kaya tuloy tuloy lamang ako sa paglalakad. Tila ay nagsisi akong maglakad dahil sa laki at lawak ng palasyo . Wala pa ako sa kalahati.

Kanina pa ako naglalakad at sumasakit na rin ang aking mga paa dahil sa de takong na suot ko.

Nang malapit na ako sa hagdan ng palasyo ay nakarinig ako ng tawa ng isang babae. Napaangat naman ako ng tingin at nakita ang dalawang bulto ng tao na naglalandian sa tapat ng hagdanan. Nakakapit parin ito sa kamay ni Javier at pabulong bulong pa.

Girlfriend is here! Yan ang gusto kong isigaw sa mukha nilang dalawa ngunit,pilit kong pinapakalma parin ang aking sarili.

"Mahal na Prinsipe maaari bang tuparin na natin ang kasunduan ng dating hari na aking lolo at ng iyong lolo. Magpakasal na tayo." Malanding sabi ng higad sa aking nobyo.

So? May kasunduan pala ang mga dating hari ng dalawang mundo.

"May mahal ako at hindi ko siya ipagpapalit mahal na prinsesa." Nabigla naman ako sa sagot ni Javier na ikinanganga naman ng linta.

"Huwag ka namang magbiro ng ganyan mahal na prinsipe, alam mo bang matagal kong hinintay ang araw na ito?"lalong kumapit pa sa braso ni Javier. Dahan- dahan naman inialis ni Javier ang kamay ng nakakapit na linta at tuluyan niya itong naialis na ikinangiti ko.

"Please, marami ka pang mahahanap na iba sa iyong lugar." Seryosong sabi ni Javier.

"Hindi! Gusto ko ikaw!" Parang batang sabi nito at may panguso nguso pa. Tsk! Pato lang girl?

"Handa akong maging reyna mo kamahalan, at wala akong pakielam kung may mahal ka pang iba. Pwede mo siyang gawing mistress dahil legal naman sa isang hari ang may mistress." Porsigidong sabi nito na ikinanganga ko naman. Oo! Legal na may maging mistress ang hari. Ang tawag dun ay CONCUBINE bali magiging pangalawang asawa siya ng hari ngunit sinong makakapayag na dalawa kayong babae sa isang lalaki? Ni ang hari ngayon ay walang CONCUBINE e dahil mahal niya ang mahal na reyna at rinerespeto niya ito.

Hindi ako papayag na mangyari yan". Dumagundong naman ang boses ni Javier na ikinabigla at ikinamutla naman ng linta.

Bagay nga sayo! Isang parte ng utak ko ang nagsabi niyan ha!

"Hindi ko isusugal ang sakit na dulot noon sa kasalukuyang panahon. CONCUBINE ay isang pahirap o pasakit sa isang babaeng naghahangad ng pagmamahal na para sa kanya lamang nararapat,hindi ko isusugal ang kasiyahan ng aking minamahal sa sakit na dulot ng isang katayuan ng isang mistress lamang. Ayokong yurakan ang pagkatao ng aking tunay na minamahal dahil lamang sa isang pangako." Midiin na sabi ni Javier at tumalikod na ito kay linta at umalis na. Kita ko naman ang luha sa mga mata ng linta na ito .

"Mapapasa akin ka rin Prince." Rinig kong sabi niya. Dali dali naman akong pumasok sa cine room upang magtago dahil nakita kong titingin na ito sa baba.

Hindi ka susuko linta? Hindi pa ba malinaw sayong may mahal ng iba ang taong pilit mong linalandi????

"Linta!" Di ko mapigilan ang aking sarili at napasigaw sa galit. Sound proof naman itong sine room kaya ok lang sumigaw ng sumigaw.

Nagtagal pa ako ng konti dito para ma siguradong wala akong lintang makikita sa labas. Gusto niya palang maging queen, edi maging queen siya! Di ba prinsesa ng kanilang mundo?! Bakit dito niya gustong maging reyna?! Ang selfish naman niya! Sino ang mamumuno sa lugar niya kung magiging queen siya dito? At paano na ako kung sila talaga ang nakatakda?

Wala naman akong pakielam sa title na yan dahil una, di ko pinanangarap maging reyna. Pangalawa, ayokong maging CONCUBINE! May respeto pa naman ako sa aking sarili. At pangatlo, ipinaglalaban ko lang pagmamahal ko kay Javier! Pero At least mali pala ang iniisip ko kay Javier , ipinaglaban pa rin niya ako.

Napangiti naman ako sa aking naisip at ang galit kanina at ang inis na nararamdaman ko ay nawala nalang na parang bula. Mahal na mahal kita Javier...

Salamat sa katapatan mo sa akin....

Pagkatapos kong magmuni muni sa sine room ay lumabas na ako. Pagkalabas ko ay wala ng tao sa paligid at pinagpasyahan ko na rin na umakyat na ng hagdan upang pumunta sa aking kwarto at magpahinga na...

Itutuloy...

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon