TIME WITH HIM

468 18 0
                                    

MEGUMII P.O.V.

  EVERY vacant period, break time and lunch time ay pumupunta kami dito sa bandang likuran ng skwelahan dahil may mga puno dito at fishpond na rin. Nagpagawa ako kay Javier ng dalawang swing magkatabi dito. Habang nakaupo sa swing ay pareho kaming nakatingin sa mga isdang malayang lumalangoy. Magkahawak kamay kami ni Javier habang nakaupo lamang sa swing .

"Have you heard about the last semi-God that we don't found yet?" Tanong ko kay Javier habang nakatingin sa mga isang naghahanap ng mga pagkain nila.

"Not yet. And I don't know who it is, and where it was." Sabi naman nito. Napatango naman ako sa sinabi niya.

Napatingin ako sa kanya at nakatitig lamang ito sa akin.

Tumayo naman siya at pumunta sa likuran ko at yinakap ako. Napangiti naman ako sa ginawa niya.

"I love you." Biglang tumalon ata ang puso ko ng sabihin niya ulit yon. Oo, araw araw sinasabi niya iyan at ngiti lamang ang sinusukli ko sa kanya. Hindi naman sa hindi ko siya mahal ha. Nahihiya kasi akong tugunin ang mga sweet na salitang sinasabi niya. Punong-puno ang aking puso dahil sa kasweetan at ka caring nito sa akin. Para sa kanya ako lang daw ang babae bukod sa kanyang ina na mamahalin niya pang habang buhay.

Masarap sa feeling kapag alam mong may isang taong magbibigay sayo ng lubos na pagmamahal. Handang damayan ka sa hirap at ginhawa. Kung noon ay nabigla ako na ikinasal ako sa taong to na hindi ko man lang alam. Ngayon ay lubos akong nagpapasalamat dahil parati siyang nandyan sa tabi ko at masayang masaya ako dahil siya ang napangasawa ko.

Napaangat ako ng tingin upang makita ang mukha niya habang nakayakap siya sa aking likuran.

"Gusto mo bang maglakad lakad muna?" Tanong ko rito na ikinangiti naman niya.

Umayos siya ng tayo at inilahad nito ang kamay niya.

"Tara." Nakangiting sabi nito. Tumayo na rin ako at ipinatong ang kamay ko sa kanyang kamay.

Magkahawak kamay kami ngayon habang linilibot namin ang likurang bahagi ng paaralan. Napakaganda ng tanawin dito at nakakarelax pa.

Nandito kami sa mall ngayon dahil napagpasyahan naming mamasyal, tutal busy naman ang mga elites sa kani-kanilang mga gawaing di pa natatapos. Mabuti nalamang at nakapagpasa nakami ni Javier last week at ngayon ay free kaming makapaglakwatsa.

Nasa counter si Javier ngayon at inaamin kong nagseselos ako sa mga tumitingin sa kanya. Halos lahat kasi ay napapatingin sa isang prinsipe. May abs siya na bakat sa damit niya ngayon. Simpleng white t-shirt lamang ang sinuot nito at nakashort lamang ito ng itong na fit din. Siguradong mapapalunok kapag nakita mo siya sa kanyang anyo. Ngunit sa dami ng nagpapacute sa asawa ko ay kahit isa ay wala siyang pinapansin.

Napatingin ito sa gawi ko at napangiti. Napatili naman ang mga nakapwesto sa likuran ko.

"He smiled at me." Maarteng sabi ng babaeng nasa likuran ko. Tinignan ko sila na parang kiti-kiting hindi mapakali sa kanilang kinauupuan. Di lamang nila napansin ang bawat tingin ko sa kanila.

Hallerrrrr!!! Wife is here!!!!

Yan ang gusto kong sabihin sa kanila ngunit wag nalang . Magsasayang lang akong ng laway at panahon sa kanila. Alam naman nila na ikinasal na kami, ngunit di ko talaga masisi kung bakit ganun nalamang ang impact ng prinsipe sa kanila.

Napatingin ako sa bagong upo na  nasa harapan ko ngayon. Napangiti din ako sa kanya.

Mapupungay ang mga matang nakakatitig sakin ang lalaking nasa harapan ko.

"I ordered everything in the menu." Sabi nito. Napangiti lalo ako.

"Really? Thank you hon."  Sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa.

"Come again?" Hindi makapaniwala niyang sabi.

"I said thank you." Nakangiti kong sagot.

"The other word?"  Lalong lumapad ang ngiti ko.

"Hon?" Patanong kong sabi.
Gosh I did it! I called him hon!

Hinalikan naman niya ako sa noo na ikinabigla ko at umupo ulit ito.

"Gosh! I am so very happy right now!" Sabi naman niya at dumating ang napakaraming pagkain sa mesa namin. Naka apat pa kaming mesa para sa ibang foods at ang iba ay pinasupot na namin dahil siguradong gutom ang mga elites mamayang gabi. Wala kasing magluluto mamaya dahil day off ng mga maids , wala ding stocks na foods sa refrigerator. Kami nalang ni Javier ang mag gogroceries mamaya.

Masaya naming kinain at naubos ko halos ang mga pagkain.

"Are you full now?" Tanong nito na ikinatango ko habang umiinon ng tubig. Pagkatapos ay inilapag ko ang baso sa lamesa.

"Grabe, busog na busog ako." Sabi ko habang hinihimas ang maliit kong tyan. Napangiti naman ng malapad si Javier.

"Thanks, because you liked it." Tukoy nito sa mga foods na kinain namin.

Kinuha na namin ang mga pagkain na pinabalot namin at lumabas na ng restaurant. Diretso naman kami sa super market at bumili ng mga gamit na kailangan at madaming pagkain. Pagkatapos ay umuwi na kami ng dorm.

Pagkauwi namin ng dorm ay tinulungan ako ng mga kasamahan kong magligpit ng mga pinamili at linagay sa mga dapat paglagyan, pagkatapos ay linagay na nila ang mga  kakainin nila sa mga platong naka arrange na sa mesa, lahat sila namangha dahil daw napakarami naming dalang pagkain na galing sa restaurant at tiba tiba daw sila doon, napailing naman akong nakangiti sa mga reaksyon nila. Iniwan ko na sila sa baba at umakyat na ako sa taas dahil kumain naman na kami ni Javier sa restaurant at isa pa ay pagod na pagod ako ngayon.

Pagpasok ko ng kwarto ay dumeretso ako ng banyo upang makaligo na. Pagkatapos ay nagbihis ako ng sando lamang at short dahil sobrang init ngayon. Napatingin ako sa kamay na pumalupot sa aking baywang at iniaamoy ako nito sa leeg.

Nagbibigay ito sa akin ng kakaibang sensasyon. Hanggang sa hinalikan halikan na niya ang aking leeg.

"Hmmm." Di ko maiwasang mapaungol sa ginagawa niya.

Napaharap naman ako kay Javier at mapupungay na mga mata ang tumambad sa akin. Nakaligo na rin ito at naka boxer short lamang siya at sandong puti din.

Napapikit ako ng angkinin nito ang aking mga labi . Palalim na ng palalim ang mga halik at tinutugunan ko naman ang mga halik nito. Napahawak siya sa aking likuran habang hinimas iyon pababa ng pababa hanggang sa mapunta sa aking pang upo. Napaliyad ako ng kaunti ngunit tuloy parin ang aming halikan. Napahawak naman ako sa kanyang batok habang ninanamnam ang mga halik na aming pinagsasaluhan.

Napadpad na pala kami sa kama at inihiga niya ako doon habang hinahalikan pababa ng leeg ko. Napasinghap naman ako ng hawakan nito ang aking isang hinaharap at bumalik ulit siya sa paghalik sa aking labi. Dahan dahang pinutol niya ang mga halikan namin at napaupo sa kama.

"Sleep my love." Sabi nito at bigla nalamang siyang tumayo at lumabas ng aking kwarto.

Shocks! Nakakahiya!!! Muntik ng may mangyari sa amin! Ang virginity ko muntik ng makuha. Huhuhu! Ano bang naisipan ko kanina!

Tinakpan ko ng unan ang aking mukha at pagkatapos ay pagulong gulong ako sa kama!

Paano nalang kung hindi nakapagpigil si Javier?!

Itutuloy...

Sauce ba? Hihihihi...

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon