THE GRADE BATTLE FIELD 1.2

605 25 2
                                    

Megumii P.O.V

Nandito ako sa room at nagtatago dahil nakita ko ang tatlo kanina sa cr. Paano ko nalaman na sila yun? Simple, dahil rinig na rinig sa buong campus ang mga boses nila nag eecho pa dahil sa walang tao dito ay sila lang ang naririto kaya sure na sure ako. Hinintay ko silang makalayo. Actually, kanina pa ako dito kasi naglalampungan pa ang tatlo kaya di ako makalabas. Baka kapag makita nila ako baka pagtripan lang nila ako kaya nagtatago ako dito. Nang masigurado kong nakaalis na sila ay doon lang ako lumabas sa room na pinagtaguan ko. Napabuntong hininga nalang ako at naglakad papuntang field.

Fast forward...

"Bakit ang tagal mo? Hindi mo tuloy nakitang lumaban sina Akira, Justin at si Julius." Bungad sakin ni beshy habang paupo ako ng upuan.

"Ah e, sorry kung natagalan ako beshy , natawag na ba ako? Sayang di ko nakitang lumaban ang tatlo." Panghihinayang na sabi ko.

"Okay lang, makikita mo naman kaming lumaban kapag may misyon na tayo." Napaangat ako ng ulo ng magsalita si Akira na ngayon ay nakangiti sakin kaya napatango ako at ngumiti pabalik sa kanya.

"Buti nalang at di pa tinatawag pangalan mo." Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni beshy kaya humarap ako sa stage ngayon.

"The next challenger is Ms Megumii Yamamoto!" Sigaw naman ni ms Arvie .

Napatayo ako bigla at naglakad papuntang stage. Narinig ko pa sina Raven na chinicheer nila ako kaya nawala naman ng konti ang kaba ko.

Ngayon ay nasa stage na ako at hinihintay ang kors na lumitaw. Ang tagal lumitaw nito kaya lalo akong kinakabahan .

Laking gulat ko ng lumitaw ito. Hindi lamang isang Kors kundi TATLO! Lalo akong kinabahan ng magsalita ang Kors sa harapan ko.

"Ahahahhaaha! Isang babaeng pipityugin lang pala ang ilalaban sakin? Malapit mo na siyang makita."  Sabi ng Kors na mukhang Dinosaur ang mukha nito at siya ang pinakamalaki sa tatlo.

Nagsasalita ito? Pero paano ?

Nasa ganun akong pag iisip ng bigla nalang sumugod ang dalawang kors na di nagsasalita . At great di ako natamaan sa pagsugod na ginawa ng mga ito . Akmang susuntukin ako ng isa kaya nag isip ako ng mabilis na paraan para matalo ang tatlong ito saking harapan. Ang unfair kasi bakit tatlo ang lumitaw sakin ?

Ilag lang ako ng ilag habang nag iisip ng paraan.

"Hanggang ilag ka nalang ba?"  Bakit ang daldal naman ng Kors na to .

Nawalan ako ng balanse at natamaan ako sa mga kuko ng kors na kanina pa atake ng atake sakin. Ramdam ko ang sakit ng paghiwa nito sa aking kalamnan. Kahit galos lang ito ay sobrang hapdi ang idinulot saking braso kaya tumalon ako paatras.

"Wala ka naman palang kwenta."  Usal naman ng napakadaldal na kors sa likod ng dalawang kanina pa ako inaatake .

Tama na ang pag iisip ng kung anu-ano Megumii. Lumaban ka .

Isang tinig ang narinig ko. Isang tinig ng isang lalaki. Di na ako nagdalawang isip na magpalabas ng yelo sa aking kamay .

Isang bolang yelo na may tinik tinik ang aking ginawa.

Nang makita kong pasugod ulit ang dalawa ay hinagis ko sa kanila ang dalawang yelong may tinik at nasapul naman sila sa kanilang mga paa . Naghiwayan ang mga ito at galit na galit silang nakatingin sakin ngayon. Isang mukhang toro at isang mukhang elepante ang dalawang ito. Nakakatakot ang anyo ngunit sa ngayon ay parang hindi takot ang nararamdaman ko kung hindi galit .

"May maibubuga ka pala nilalang ahahahahaha." Malalim ang boses ng isang kors na kanina pa daldal ng daldal.

Nang maalala ko ang sinapit ng aking mga magulang sa kamay ng mga halimaw na ito sa aking harapan ay tila sasabog na ako sa galit ngayon. Sila ang dahilan kung bakit namatay sina mommy at daddy.

"Die." Pagkasabi ko nun ay mabilis akong gumawa ng maliliit na kutsilyo at ice blade na pinalutang ako ang mga ito at agad kong hinagis sa dalawang kors na nasa harap ko . Rinig na rinig mo ang bawat iyak at bawat sakit na daing nila habang tumatama sa kanila ang maraming ice blade at mga kutsilyo . At habang dumidikit ito sa balat nila ay lalo itong bumabaon . Nang di pa ako satisfied sa mga nakikita kong paghihirap nila ay mabilis ako gumawa ng ice bomb at ibinato sa mga ito . Napangiti nalang ako ng makita kong sumasabog ang mga ito sa katawan ng dalawang Kors at bigla nalang naglaho ang dalawang kors sa harapan ko .

Kaya napatingin ako sa isang kors na ngayon ay masama ang tingin nito. Kanina ay sobrang daldal nito at ngayon ay parang napipi na ito.

Sa hindi inaasahan ay nagpakawala ito ng maiitim na likido . Ngunit agad ko itong na iiwasan.

Nang tumigil ito sa paglalabas ng likido na pinapatama sa akin ay di ako nag aksaya ng panahon at hinawakan ko ang sahig ng stage upang gawing yelo ang buong stage at nagtagumpay ako . Ngayon ay pati paa ng kors na ito ay balot na ng yelo ngunit ng magpakawala ito ng maiitim na likido ay natunaw ang yelo sa paa nito.

So , ang likidong yun ay nakakatunaw ng bagay o tao . Kapag natalsikan ka nun siguradong lapnos ang balat mo o pwede mo itong ikasawi . Kaya pala madaldal ito may maipagmamalaki .

"Ahahaha, yan lang ba ang kaya mo hangal?!" Sabi nito sakin .

Pinalipad ko ang aking sarili gamit ang air ability ko at pinaulanan siya ng mga yelong matutulis . Di na ako nagsayang ng oras dahil alam kong di naman niya lahat matutunaw yan kaya mabilis ang galaw kong pumunta sa likod nito ng di nya napapansin dahil busy sya sa mga nagbabagsakang mga matutulis na yelo .

Nang makapunta ako sa likod nito ay hinawakan ko ang likod nito na ikinalingon naman nya ngunit huli ng magreact sya dahil mabilis kong inipon ang yelo sa katawan niya at tuluyan itong naging yelo.

"A-anong..." di na niya naituloy ang kanyang sinasabi ng maging yelo na ito . Binitawan ko ang likuran nya at dahan dahang isinasara ko ang aking palad upang sumabog ang katawan nito .

Habang sinasara ko ang aking palad ay may ngiti ako sa labi at sinasabi ang katagang ..

"Napakadaldal mo naman , kulang ka sa focus .."

Bigla nalang sumabog ang katawan nito sa aking harapan ng maisara ko na ang palad ko .

Tumingin ako sa mga taong nakapalibot na ngayon ay nakatayo ang lahat at napatingin ako sa score board at natauhan ako sa score na lumabas . Bigla nalang pumutok ang screen pagkatapos ilabas ang grade ko ! Di ako makapaniwala na makakakuha ako ng ganung score. Unti unti naman akong nilamon ng dilim ...

Itutuloy...

Sorry po sa pinakamahabang di pag update dahil sa YOUTUBE na ginagawa ko ngayon . Napabayaan ko na si watty sorry po talaga.🙇

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon