Akira👆👆👆👆
Megumii P.O.V
Nandito na kami sa dorm ngayon at inaayos ang mga pinamili namin. Kumain na rin kami sa labas. Marami ang binili namin dahil ayaw kong kumain ng gabi sa canteen. Hanggang 9 pm kasi bukas ang canteen para sa mga tamad na magluto na mag oorder nalang sa canteen. Linalagay ko na sa ref ang mga gulay ,karne, manok,baboy,egg ,ham, soda at milk. Konting chocolate lang linagay ko sa freezer dito sa labas at hinatian ko na rin si Hilda para ilagay nya sa ref nya sa kwarto ang mga chocolates at binigyan ko rin sya ng cookies na sobrang dami namin pinamili . Nasa ref ko naman lahat ng tirang chocolates ,gatas , water, nutella. Gusto ko kasing papakin ang nutella yung matigas na sya ehehe . Parang 1 month supply na nga nabili namin bumili pa kami ng isang ref para magkasya lahat ng pinamili namin bali dalawa ang ref dito sa kitchen . Inaamin ko sobrang mahal ng bilihin dito kaya next time magpapabili nalang ako kay Mang Tonyo sa market tapos ipadala nalang dito sa dorm . Nakiusap kasi ako kay headmaster. Ayun pumayag ,pero once a month lang daw pwede kaya papabili nako ng 1 month supply .
Linagay ko sa basket ang mga prutas at linagay ko ang basket sa lamesa . Tinignan ko ang paligid. Ang linis parang walang natitirang dumi dito . At ang kikintab pa ng sahig . Tiles ang sahig. Napangiti nalang ako . Ngunit naalala ko nanaman ang mukha ng lalaking yun . Sana naman di na magkrus ang landas namin bukas . Pero alam kong napakalabo nun lalo na at prinsipe ba naman . Pero sa susunod di ko nalang papansinin ang lalaking yun .
Umakyat nako ng kwarto at naligo. Siguradong tulog na si Hilda dahil sa pagod. At ako ngayon ko na naramdaman ang sobrang pagod kaya pagkatapos kong naligo at nagbihis ng pantulog ay tumalon ako sa kama na nakapikit . Hanggang sa ginupo nako ng antok .
Kinabukasan....
Nagising ako sa ingay ng aking alarm clock . At binato ko ito kung saan para matigil ang ingay . Ehe . Ganyan ako kabrutal sa alarm clock ko . Himala nga at nagtagal sakin yan ng 7 years . Napakatibay .
Agad akong tumayo at naligo . Pagkatapos naligo ay nagbihis nako ng uniform ko at fit na fit ito sakin . Napatitig ako sa sarili ko dito sa harap ng salamin ,at kitang kita ko ang napakagandang uniform. Para kaming magcocosplay dito sa uniform na to . May kasama pang black coat . Gray naman ang palda na sobrang ikli nito . Kita ang legs kong maputi at ang medyas namin ay hanggang tuhod. Na kasama pang may takong na black shoes . 3 inches lang ito kaya keri sa paglakad . White blouse naman ang sa loob ng coat . Ang coat ay may dalawang bulsa sa gilid na lalong nagpaganda pa sa uniform namin .
Nag ayos lang ako ng konti at lumabas na .
Nabigla naman at napanganga si Hilda ng makita ako nito .
"Omy!!!! What a beautiful creatures of Gods ! Parang ginawa talaga sayo ang uniform natin ."manghang saad naman nya .
Kahit naman sya bumagay sa kanya ang uniform nya . Lalo syang gumanda.
BINABASA MO ANG
THE LIVING GODDESS (COMPLETED)
FantasyANONG GAGAWIN MO PAG NALAMAN MONG KASAMA MO SA MUNDO ANG ISANG DYOSA AT KAIBIGAN MO PA ITO? NGUNIT DI NIYA RIN ALAM NA ISA SYA SA MGA GOD .AT SYA ANG MAY GAWA NG LAHAT NG IYONG NAKIKITA . SIYA ANG MAY LALANG SAYO. NANDITO SIYA PARA SA ISANG MAHALAGA...