MAZE

505 18 0
                                    

MEGUMII P.O.V.

Booth Festival pala ngayon. Lahat ng mga ginawa ng mga students na booth ay nasa field na. Natapos na kasi ang 1 week na pag gawa nila kaya kami ay excited ng makita ang mga nagawa nila.

Nandito pala kami ngayon sa PHYSICAL COMBAT ROOM at naka upo sa sahig kasama ang elites. Pinapanood namin ang mga classmates kong  kumukuha ng mga palaso. Bawat archer ay may 20 na pana kaya limitado lamang ang pagamit namin sa mga palaso ngayong training namin.

Nang matapos sila ay agad kaming tumayo at kumuha din.

Nang matapos kaming kumuha ng mga palaso ay humarap kami kay ms. Arvie.

"Ladies and gentlemen maaari na kayong pumunta sa field at makikita niyo roon ang mga target niyo. " Sabi ni ms. Arvie.

Kaya agad kaming kumilos at naglakad papuntang field. Nang matanaw na namin ang field ay napa nganga kami. Isa itong maze. Napatigil kami ng huminto si Ms. Arvie sa harapan ng maze na ito. Nakasulat ang "welcome to our maze challenge".

"Alam naman nating lahat na  napakalawak ng field. Kaya napahanga talaga ako ng pumasok dito. Sa sobrang lawak nitong maze na ito ay maliligaw kayo. Heto ang pinaka malaking booth sa lahat. At gawa ito ng isang grupo sa fourth year class, lahat ng pumasok ditong guro ay sobrang napahanga, napaka talento talaga ng mga nag aaral dito sa university na ito. Napakaganda sa loob at napaka challenging. Ito ang magandang place para magsanay ng inyong physical na abilidad. Students, good luck." Mahabang sabi ni Ms. Arvie at binigyan niya kami ng daan papasok sa maze. Isa-isa kaming pumasok.

Napatingin naman ako sa isang kamay na pumalupot sa aking braso. Beshy.

"Mukhang hindi maganda ang kutob ko sa loob." Bulong nito at napatingin naman ako sa kanyang mukha habang naglalakad kami papasok.

Itinuon ko ulit ang tingin ko sa aking harapan at sinusuring maigi ang bawat part papasok.

"Ako rin." Sang ayon ko sa sinabi niya habang nakatanaw sa linalakaran namin. Napakapit naman ng mahigpit si beshy sa aking kamay.

Napabitaw nalang si beshy sa braso ko ng namalayan naming wala ng tao sa paligid. Inikot namin ang aming paningin ngunit wala talagang taong nagagawi sa aming kinakatayuan.

"A-asan sila?" Takhang tanong ni beshy.

"Illusion." Tipid kong sabi.

Napayuko naman kami ni beshy ng may mamataan kaming isang bagay na papalapit sa amin. Pana.

Muntik na kaming tamaan buti nalang at matalas ang aming mga paningin.

"Naalala ko ang nakuha mong score noong kinalaban natin ang mga Kors ay 9.2." Sabi ni beshy na ikinalingon ko sa kanya. Tila ay napatigil ako at napatango sa sinabi niya.

Yeah! 9.2 ang nakuha kong score na hanggang ngayon ay di ko pa rin pinapaniwalaan kahit kitang kita ko na ang katibayan noon bago sumabog o nasira ang grade exam board.

"Yuko!" Napayuko naman ako agad at ganun din siya. Tumama naman sa mga halamanan sa paligid ang dalawang pana.

"Masaya ako at naging kaibigan kita beshy, hanggang kamatayan kitang papangalagaan." Makahulugang sabi ni beshy. Napakunot noo naman ako.

"Beshy salamat. Ganun din ako sayo." Kahit nalilito ay pilit kong winawalang bahala iyon dahil sa sitwasyon namin ngayon. Hindi ito ang oras na magdramahan kami. Delikado ang maze na ito! Tumatagos ang mga pana sa mga halamanang nakapaligid sa amin.

"Kailangan na nating makaalis sa lugar na ito." Pursigido kong sabi at hahawakan ko na sana ang kamay ni beshy ng biglang tumagos ang kamay ko sa kamay niya na ikinatigil ko.

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon