MEGUMII P.O.V.
Dinala ako ni Javier sa palasyo. Wala man akong alam sa mga nangyayari ay pilit ko pa rin pinapakalma ang aking sarili. Ni hindi na ako nagsalita sa karwahe kanina.
Nasa kwarto ng reyna ako ngayon at inaayusan ng personal maid ng reyna. Ang suot ko ngayon ay pink na mahaba (yung pang chinese na kasuotan noon). Ang pink na ito ay may kasamang ginto na kumikinangkinang pa. Para tuloy akong royal blood ngayon at kakaibang kakaiba ang aking anyo ngayon. Ang kalahati ng aking buhok sa baba ay nakalugay at ang kalahati naman ng mahaba kong buhok sa itaas na bahagi ay naka tali at mayroong mga iba't ibang accessories sa itaas bilang kolorete sa buhok. Medyo may pagkamakapal naman ang aking kolorete sa mukha ngunit nababagay naman sa aking anyo ngayon. Binigyan din ako ng reyna kanina ng gintong neclace at bracelet na suot ko ngayon. Medyo makapal ang mga ito ngunit nababagay naman sa aking kasuotan. Feeling ko napakaperfect ng aking anyo ngayon, halos nga di ko na makilala ang aking sarili. Never nagawi sa utak ko na magsuot ng mga pang royal na kasuotan. Tila ay napatingin naman ako sa nag aayos sakin.
Nag bow muna ito atsaka na umalis.
Napatingin naman ako sa singsing ko sa pekeng kasal namin ni Javier.
Nananaginip ba ako?
Tila ay wala ako sa aking sarili at kinurot ko ang aking kamay at napa aray naman ako. Hindi ako nananaginip. Totoo ang lahat. Tila ay nawala ako sa pag iisip ng maaninagan ko ang mahal na reyna.
"What a beautiful young lady." Puri sakin ng reyna dahilan para mapatayo ako saking pagkakaupo.
Humarap ako sa kanya at bahagyang yumuko.
"Salamat po sa inyong papuri mahal na reyna." Ako habang nakayuko pa rin.
"Maaari ka ng magtaas noo young lady." Sabi ng reyna kaya napataas ang aking noo. Ngumiti naman ng malapad ang reyna.
"Marami pong salamat mahal na reyna dahil sa inyong kabutihan." Nabigla naman ako ng hawakan ako ng kamay ng mahal na reyna.
"Alam mo bang ang tagal kong hinihikayat si Javier na idala ka niya ulit dito sa palasyo. Salamat naman at pinagbigyan niya ako ngayon." Tila ay nagtaka naman ako sa mga sinabi niya.
"Patawarin niyo po ako kung magtatanong po ako kamahalan. Bakit po ninyo ako gustong makita?" Paglalakas loob na tanong ko.
Lalo naman itong ngumiti at pumunta naman siya sa kanyang trono dito sa kanyang kwarto at naupo. Sinundan ko naman ang mahal na reyna at umupo ako sa harapan niya.
"Maaari ba kitang makausap tungkol kay Javier?" Tila ay napalunok naman ako sa kanyang sinabi.
"A-ano pong tungkol kay Ja- Prince Javier kamahalan?" Tanong ko rito.
Ngumiti naman ito sakin.
"Gusto ko lamang malaman kung kamusta siya sa paaralan ninyo. Alam ko kasing mahirap siyang pakitunguhan-" sabi ng mahal na reyna.
"Hindi naman po siya mahirap pakisamahan mahal na reyna, kapag lang po tinotopak siya doon lang siya magsisimangot at di magsasalita kala mo ay lagi siyang galit sa mundo sa lagi syang nakabunsangot." Bigla ko naman tinakpan ang aking bibig ng mapagtanto ko ang aking mga sinasabi.
"Ahahahahha." Halakhak naman ng reyna kaya ay napayuko ako sa hiya.
"Ang batang yan talaga , ewan ko ba kung kanino nagmana. Iha, please take care of my son, kahit ganyan siya ay mahal na mahal namin yan at napakagalang na bata. Sayo ko sinasabi ito dahil alam kong mapagkakatiwalaan ka namin ng hari at alam kong di mo kami bibiguin." Seryosong sabi ng reyna.
"Makakaasa po kayo kamahalan." Sabi ko at nag bow habang nakaupo.
Fast Forward...
Nandito kami ngayon dalawa ni Javier sa malawak na training hall dito sa palasyo at tuturuan daw ako nitong umasinta sa mga target gamit ang mga palaso.
Nakatayo ako ngayon at naka posisyon narin para patamaan ang target. Isa itong bilog na may nakasulat na mga numero. Nagulat nalamang ako ng lumapit si Javier saking likuran at hinawakan nito ang hawak kong palaso feeling ko ngayon ay nakayakap siya sa aking likuran.
"Inhale and exhale para makuha mo ang target kahit na gumagalaw pa ito. You need to focus." Tila ay natigilan ako sa kanyang sinabi. Iba kasi naiisip ko e , di ako makapag concentrate lalo na ngayong sobrang lapit niya.
Inalalayan niya ako sa pagtira sa target at kung paano ang tamang way ng pagpana. Napangiti nalamang ako ng makita na bullseye ang naging resulta.
Binitawan naman ako nito , at humarap ako sa kanya na nakangiti.
"It's your turn now." Sabi naman niya , malapad ang aking ngiti at tumango sa kanya. Kumuha ako ng pana at nagconcentrate.
Ilang subok na ang aking ginawa ngunit 9 lang ang pinakamataas na nakuha ko. Pero okay lang hindi ako susuko! Kaya ko ito.
"Padilim na, sabi ng mahal na reyna ay gusto ka daw niyang makausap Megumii." Tila ay napatigil naman ako sa pag asinta sa target at binaba ang aking mga sandata. Tumingin ako kay Javier at tumango na nakangiti.
"Sa tingin ko ay gustong gusto ka ng aking inang reyna Megumii." Sabi nito na ikinapula ng mukha ko.
"Maraming salamat naman Javier, alam mo bang sabik din ako sa isang ina. Kaya sobrang saya ko sa mahal na reyna at naglalaan ito ng oras para sakin. Feeling ko tuloy nagkaroon ulit ako ng isang ina." Masayang sabi ko dito.
"Don't worry my love, bibigyan kita ng maraming supling para sa kanila mo maibuhos ang iyong pagmamahal, sabik ka man sa isang ina ay mararanasan mo naman maging isang mabuting ina." Pilyong sabi nito sa akin kaya pumula ng husto ang aking mukha.
"Ha ha ha! Nakakatawa." Awkward na sabi ko.
Kumunot noo naman ito.
"Ayaw mo ba?" Nakakunot noong sabi nito.
"Bahala ka nga dyan." Sabi ko naman at kumaripas ng takbo papasok ng palasyo. Naku! Hagdan palang mawawalan ka na ng mga paa dahil sa sobrang taas ng hagdan dito.
Narinig ko naman ang pagtawa ni Javier ngunit patuloy parin ako sa pagtakbo. Okay lang naman tumakbo ako dahil flat shoes naman ang suot ko. BAHALA KA NGA JAVIER! PINAGTITRIPAN MO NANAMAN AKO ! HMP!
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
THE LIVING GODDESS (COMPLETED)
FantasiANONG GAGAWIN MO PAG NALAMAN MONG KASAMA MO SA MUNDO ANG ISANG DYOSA AT KAIBIGAN MO PA ITO? NGUNIT DI NIYA RIN ALAM NA ISA SYA SA MGA GOD .AT SYA ANG MAY GAWA NG LAHAT NG IYONG NAKIKITA . SIYA ANG MAY LALANG SAYO. NANDITO SIYA PARA SA ISANG MAHALAGA...