Same Ability

467 17 0
                                    

MEGUMII P.O.V

Nagdaan ang mga araw at ilang linggo bago ko natutunan i-adjust ang sarili ko na kasama ko lagi si Javier magmula pagkagising hanggang sa pagtulog.

Hindi na rin ako magtataka kung kami lang naman ni Javier ang laman ng mga usap-usapan. Meron pa ngang ibang galit sakin dahil daw sa pagbali ng napag usapan ng dalawang hari dahil sa akin. Dahil daw, I seduced Javier, kaya daw niya ako pinakasalan. I almost rolled my eyes sa mga nagsabi nun sa canteen, pero hinayaan ko nalang. Hindi dahil guilty ako, kung hindi dahil wala naman akong mapapala sa pakikipag away, I don't need to prove myself to everyone. Mas kilala ko ang sarili ko kesa sa kanilang lahat. At alam ko sa sarili komg hindi ko magagawa ang mga bagay na iyon.

O well, nandito pala kami sa canteen ngayon ni Javier. Kaming dalawa lang dahil may tinatapos na proyekto ang mga kasamahan namin. Natapos na kasi kami ni Javier kagabi na pinagpuyatan pa naming gawin. Tinulungan din ako ni Javier sa iba pang detalye ng aming proyekto kaya agad namin itong natapos kagabi. Mga 2:30 siguro ng madaling araw ehehehe.

Napatingin naman ako sa kamay nito na hinawakan ang kamay ko . Itinaas ko ang tingin upang makita ang mukha ni Javier at nakatingin lamang ito sa akin. Magmula nung natulog siya sa kwarto ay araw araw na itong ganyan. Parang walang tao sa paligid at sa akin lang ito tumitingin. Never ko siyang nakitang tumingin sa ibang mga babae pwera nalang sa mga elites. Tulad ng dati, sakin lang siya ngumingiti at naka alalay. Nasanay na ako sa prisensya niya at lalo ko na siyang minamahal lalo na sa mga pinapakita nitong kasweetan at care na sakin lang niya ipinapakita.

Napatingin naman ako sa lalaking humahangos ngayon at tila may hinahanap ito. Nang napatingin ito sa gawi namin ay lumapit ito sa amin.

Nagbow muna ito atsaka lamang nagsalita .

"Prince Javier, ipinatatawag po kayo ni headmaster at may importante daw po itong sasabihin sa inyo." Hinihingal na sabi nito.

Napatingin naman ako kay Javier at tumayo na hindi binibitiwan ang kamay ko.

"Tara?" Sabi nito sa akin na hindi man lang tinatapunan ng tingin ang lalaking nasa harapan namin. Napa gulp naman ang lalaking nasa harapan namin ng mapatingin ako sa gawi nito.

"You may go." Sabi ni Javier sa lalaki at nag bow ulit ito at umalis na ng canteen.

Napatayo naman ako. At tumango sa kanya.

Dahan - dahan naman ako nitong inalalayan at nakapako lamang ang tingin ng mga students sa amin ngunit di ko na binigyan pa ng pansin ang mga ito.

Naglalakad lamang kami papunta sa room ni headmaster. At ng nasa harapan na kami ng pinto ay ang siyang dating ng mga elites na ipinagtaka ko.

"May misyon ba tayo?" Walang ganang tanong ni Julius.

"Ewan ko." Nabobored na sagot ni Justin kaya napailing nalang ako sa dalawa .

"Kaya nga nandito tayo para alamin kung bakit tayo ipinatawag e." Sagot naman ni Akira.

Binuksan naman ni Javier ang pinto at hinila ako nito papasok ng silid. Sunod- sunod namang pumasok ang mga elites.

Napatingin ako sa dalawang tao na nakaupo sa harapan ni Headmaster. Nakatalikod kasi si Headmaster sa amin kaya hindi nito kami napansin na pumasok na sa loob. Di kasi uso sa katabi ko ang katok katok na yan e.

Napatingin din sa amin ang dalawang bulto ng tao at nagulat nalang ako ng makilala ang isa sa mga ito.

Siya yung sa mall dati na naglibre sa amin ng tela! Hindi ako magkakamali dahil hanggang ngayon ay kabisado ko pa ang mga ngiti at mukha nito.

"Hi." Kaway nito na ikinalingon naman ni headmaster.

"Nandito na pala kayo, kanina ko pa kayo hinihintay." Masayang sabi ni headmaster.

Napatingin naman ako sa mga kasama kong babae at samut sari ang reaksyon nila. May nabigla, may nakakunot noo at may nakangiti.

Ang hindi pangkaraniwang mukha ng babae ay nagbibigay sakin ng pangamba. Hindi ko alam kung bakit pero parang may mali? Napatingin naman ako sa lalaking nasa harapan nito na naka upo rin at bigla akong napakunot ang noo. Totoong nakapa gwapo nito ngunit parang nakita ko na ito kung saan. Hindi ko lang maalala kung kailan at saan ko ito nakita.

"Sila pala sina Emma at Ryan. Sila ay galing pa sa norte. Wala silang tirahan ng makita ng mga kawal noong nakaraang tatlong buwan. Idinala sila dito dahil bihira lang din ang mga kapangyarihan nila."paliwanag ni Headmaster.

Napatayo naman ang dalawa at humarap sa amin na nakatingiti. Napatingin naman ako kay Javier na biglang pinisil nito ang kamay ko na hawak ng kamay niya.

Hindi niya ako tinitignan at sa harapan lang ito nakatingin kaya napatingin din ako sa tinitignan nito.

"Hi I am Emma Gail ." Masayang sabi nito.

"My name is Ryan Son." Nakangiti ding pagpapakilala nito.

At isa isa kaming nagpakakilala, pagkatapos ay napatingin kami kay headmaster.

" Ryan have a smoke ability. Nakita ng mga kawal na iyon ang abilidad nito ng makitang nakikipaglaban ito sa isang mabangis na hayop sa kagubatan ng norte. And I think, kailangan niyo sila sa inyong grupo." Masayang sabi ni headmaster.

"Isasali namin sila sa group?" Nagtatakang tanong ni Julius.

"Yes. You need them." Sabi naman ni headmaster.

"What is her ability?" Kalmadong tanong ni Javier.

" Her ability ? Ayon sa mga nakakita sa abilidad ni Emma ay kaya nitong palabasin ang ibat ibang kapangyarihan." Seryosong sabi ni headmaster na ikinatigil at ikinabigla ko. Magkapareho kami? Pero paano? Posible ba talagang may kahawig akong kapangyarihan? So hindi pala ako nag iisa?

Ikinangiti ko naman ang mga naiisip ko at napatingin sa mga kasamahan kong seryoso ang mga tingin ng mga ito kay Emma lalo na si Javier na parang na estatwa na sa kakatitig kay Emma. Dapat ba akong matuwa sa mga reaksyon nila o dapat ba akong kabahan?



Umalis kami kanina sa headmaster room na kasama ang dalawang nadagdag sa grupo. Ngayon ay nasa kwarto ako at malaki ang aking pagtataka dahil di pa pumupunta sa kwarto si Javier kaya napagpasyahan kong lumabas ng kwarto at bumaba papuntang sa kusina.

"Bad news!!!" Napatingin ako sa dumating at napatingin sa mga elites na kabababa lang ng hagdan.

"We have a new mission!" Hinihingal na sabi ni Justin kaya napatayo ako at lumapit sa nakakumpol na elites ngayon.

" Ang mga semi-God of FORESTIANEM,WATERNIAN and MEINREINE ay nagwawala ngayon! Kailangan tayo ng ibang mga fighters para pakalmahin sila!" Hinihingal na sabi nito . Napatingin naman ako sa bagong dating na naka poker face parin ito. Javier.

Itutuloy...

Another adventure nanaman to guys ! Please enjoy! Tenkyu💖..

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon