Chapter 1

4.8K 115 3
                                    

Chapter 1

Ano ba 'yan! Late na 'ko kung bakit ba naman kase ang daming reklamo sa presinto ang dami ring trabaho! Siguradong pagagalitan na naman ako nila Daddy.

Nagulo tuloy ang buhok ko dahil sa lintek na magnanakaw na 'yon! Natunaw na rin ang face powder ko! 

Gwapo pa naman yata 'yung nanakawan—sayang 'di ko namasdan nang matagal! Saglit lang na nahagip ng paningin ko dahil sa pagmamadali.

Bago ako pumasok sa restaurant ay inayos ko muna ang sarili— dapat akong maging presentable dahil ang ka-date ko ngayon ay anak ng isang gobernador at may-ari ng isang sikat na hotel and restaurant.

Kahit ayoko ay wala akong magawa, dahil ito nalang ang maitutulong ko sa pamilya ko, nalugi ang negosyo namin na isang pagawaan ng papel at iba pang school supplies

Hiniling daw nito na maka-date ako kapalit ng pagi-invest sa company namin upang muling makabangon, kailangan namin nang maraming investors

"Hi—am I late?" tanong ko sa kanya.

"No—you're just in time." Pinaghila niya ako ng upuan.

Daegan Lastimosa is a well known womanizer, babaero ito at hambog pero mabait naman sa mga babae—bait-baitan lang siguro para madaling makabingwit ng babae.

"You look beautiful." Naiilang na ngumiti ako rito.

Hindi ako komportable sa suot ko, maiksi ito at hapit, mababa pa sa harap—ito ang pinasuot sa 'kin ni Mommy.

Naka-heels pa 'ko kaya hirap akong maglakad pero dapat may poise pa rin...ito ang bilin ni Mommy.

"Thank you." Ngumiti ito at nag-order ng pagkain namin, tinanong niya ako kung ano ang akin at sinabi kong kahit ano na.

Ilang ako sa bawat pagsubo dahil titig na titig ito sa akin—kung 'di lang namin ito kailangan ay baka kanina ko pa ito binangasan.

"So...I've heard that you're a police officer? That's cool!" Natigil ako sa pagsubo.

"Well yes—and I've also heard that you have a lot of women." Parang nangasim ang itsura nito pero ngumisi rin.

"That was before—I'll be honest...I like you." Naramdaman kong humawak ito sa hita ko.

Nakangiti parin ako habang inaalis ang kamay niya.

Ang sarap bangasan ng g*go! Pero cool ka lang, Ray Ann! Dapat maging investor niyo siya para matuwa si Daddy sa 'kin.

"Nalugi ang kompanya niyo—I can help you! I can bring more investors...ibabangon muli natin yon," seryosong sabi niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko—tutulungan niya kami? Mabilis naman pa lang kausap!

"Talaga? Salamat!" Hinawakan ko ang isang kamay nitong nasa mesa

Lumawak ang ngisi nito. TIis lang mamaya makakauwi na 'ko.

Nang matapos kaming kumain ay inaya na niya akong lumabas, humawak siya sa bewang ko. Bwiset! Ang sarap hampasin 

Ano na lang ang sasabihin ng mga kapwa ko pulis kung sakaling makita nila ako sa ganitong ayos? At may nakalingkis pa!

"I should go home—thank you for the dinner." Ngumiti ako at humiwalay sa kanya.

"Ihahatid kita—" alok niya.

Hindi ayoko! "No—'wag na! Mag ta-taxi na lang ako...have a good night." Hindi na 'ko makatagal sa kanya!

Pasimple kase itong humahaplos sa bewang ko at masyadong madikit!

"Ohh, is that so?! Alright goodnight." Humalik ito sa pisnge ko.

Mabuti na lang ay may tumigil na taxi kaya agad akong sumakay at kumaway nalang sa kanya.

Nakahinga ako nang maluwag pagkasakay ko.

Dati kaming mayaman, malakas ang kita ng company namin ngunit unti-unti itong nalugi, ang dating marangyang buhay ay wala na...ang mga kotse ay nabenta na lahat, ang kompanya ay nagsara, ang mga katulong namin ay wala na dahil hindi na kayang pasahurin pa, ang properties namin lahat ay naibenta na at tanging natira na lang ay ang bahay namin na nanganganib pang mawala dahil sa utang sa bangko.

Ang sasahurin ko sa mga susunod na buwan ay na-loan ko 'na, ngunit kahit papano ay may nasasahod pa rin ako—hindi kinukuha lahat sa sweldo ko. Ang perang na-loan ko sa trabaho ay naibayad sa utang, ang kakapiranggot na natitira sa sahod ko ay agad nauubos kaya todo tipid ako.

Napatingin ako sa metro at napahawak sa noo—ang laki ng babayaran ko! 
Nagtitipid pa naman ako!

Nalulong sa sugal si Daddy, palagi itong talo kaya nabaon kami sa utang, hanggang sa nasaid na kami. Ang hirap mabuhay!

 Nang makauwi ako ay kumalam ang sikmura ko....ang liit kasi ng serving nila tapos 'di ko pa naubos dahil sa titig ng Lastimosa na yun.

Gwapo siya pero hindi ko gusto ang presensya nito, at hindi ako komportable... siguro dahil sa instinct ko na rin bilang isang pulis—pakiramdam ko masama siyang tao. Napaka-judgemental mo talaga, Ray Ann!

Dumiretso ako sa kusina at nagbukas ng ref. May nakita akong ulam—adobo. Kinuha ko ito at nilapag sa mesa saka kumuha ng kanin.

"Ray Ann? Nakauwi ka na pala." Napalingon ako kay Mommy—nakapantulog na ito.

"Sandali! Tinira ko 'yan para kay Nala. 'Di ba nag-dinner naman na kayo?" Nakagat ko ang labi para mapigilan ang pagsimangot at ngumiti na lang nang pilit.

"Pasensya na po gutom po kase ako. Sige po yung cake na lang—" Natigil ako.

"Tinira ko ring dessert ni Nala 'yan," sabi ni Mommy.

Natigil ako sa akmang pagbukas ng ref. Ang kaning sinandok ko ay binalik ko na lang pati ang ulam na para kay Nala naman pala.

"Ahmm...sige po aakyat na lang ako." Ngumiti ako ng pilit. Tumango siya at tinalikuran na ako.

Mabigat ang loob na nahiga ako sa kama. Bumangon ako at kumuha ng biscuit. Ok na 'to kesa matulog nang gutom.

Si Nalani ay ang nag-iisa kong kapatid na babae, Nala ang nakasanayang tawag namin sa kanya, twenty-four nako at twenty-two naman ito pero hindi niya ako ina-ate.

Nakatapos na 'ko pero siya ay hindi pa; palagi itong nagsi-shift ng course, ngayon ay kumukuha ito ng kursong Business Administration—si Nala ang paborito nila magmula nuong mga bata pa kami ay nasa kanya na ang lahat ng pabor at ako—masakit mang isipin pero hindi nila ako pinapansin. Pag may kailangan ay dun lang nila ako nakikita

Ang makipag-date sa kung sino-sino ay utos nila sa akin, binata man o kahit matanda pa , ginagawa ko dahil natutuwa sila. Napapansin nila ako 'pag nakakautang sila sa mga nakaka-date ko.



A/N

Kindly vote my story--- thank you!

Hahahahappy Reading!

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon