Chapter 23

2.3K 61 9
                                    

Chapter 23

Ang mga turista ay nakapalibot at isa kami sa kanila. Si Aurora ay pumapalakpak na kahit wala pang nagpe-perform kung kaya't natawa ako.

Yumakap siya sa braso ko at mahinang tumili.

"I'm so excited!" nakangiting sabi niya.

Pareho kaming nakasuot ng shorts at see through blouse, kitang-kita ang suot naming bra.

Kami ang magkasama, si Thor ay wala pa rin hanggang ngayon.

"I love you." Napalingon ako sa likod namin nang marinig ko ang boses ni Mama Diana.

"Pssst--- I love you!" pag-uulit niya at yumakap pa sa braso ng asawa.

Nakahalukupkip at diretso lang na nakatingin sa harap ang asawa niya. Hindi pinapansin si Mama Diana.

"That man really likes you. Lantaran niyang pinakita! Tapos kinausap mo pa siya!" sabi ng papa nila.

Kahit mahina ang boses niya ay halata ang diin at galit dito at heto naman ako at nakikinig sa usapan nila.

"Ayoko namang maging bastos. Saka wala naman siyang ginawa 'di ba? Saka sinabi kong may asawa na 'ko," sabi ni Mama Diana at humalik sa pisnge ng asawa

"He's younger and---" natigil si Tito nang galit na inalis ni Mama Diana ang kamay sa braso niya.

"Tingin mo ipagpapalit pa kita? Lucian?!" galit na sabi ni Mama Diana.

Hindi siguro naririnig ni Aurora dahil nakangiti pa rin itong nakatingin sa harap.

"Hey, don't be mad, I'm sorry," masuyong sabi ni Tito.

Kanina lang ay siya ang sinusuyo ngayon ay siya na ang sumusuyo ngayon.

"Kung ano-ano kasi iniisip mo," nakasimangot na sabi ni Mama Diana.

"Let's talk in our room." Humawak siya sa bewang ni Mama Diana at inakay ito palayo.

Nang mawala sila ay nabalik ang tingin ko sa harap.

Nagtaka ako nang makitang nakasimangot si Loki.

Sa tabi niya ay isang lalaki. Totoo ba 'to? Ang gandang lalaki! Grabe, literal!

Kung naging babae lang siguro 'to mas maganda pa siya sa akin, siguro siya iyong lalaking kasama namin sa chopper.

Magsisimula na ang palabas kung kaya't nagtilian ang mga nanonood at isa na ron si Aurora.

Sa simpleng bagay ay labis na ang tuwa niya napakaswerte nila sa kaniya.

Nagsimulang sumayaw ang limang kalalakihan sa harap. May mga hawak silang apoy na siyang lalong nagpapatili sa mga tao.

Marunong akong mag fire dance at hindi ko alam kung saan ko natutunan. Basta na lang napapaindak ang katawan ko at maayos na naiiikot ang apoy.

Sa ala-ala ko ay may babaeng nagtuturo sa akin ngunit walang mukha.

Seryoso akong nanonood nang tumabi si Thor sa'kin at inagaw ako kay Aurora. May hawak itong beer.

Nang matapos ang sayaw ay
nagpalakpakan kami.

"Tonight ay maghahanap kami ng kayang tumapat sa aming performer, at kung meron man ay may matatanggap itong  free one week vacation! Oo, libre lahat!
So...anyone?" sabi ng emcee sa harap.

Naghiyawan ang mga turista ngunit walang nag volunteer. Nakakatakot mag-fire dance lalo na kung wala kang experience.

"Sir, here!" sabi ng pamilyar na boses.

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon