Chapter 26

2.2K 61 7
                                    

Chapter 26

Nakapamaywang na nakaharap sa amin si Mama Diana, kahit galit ito ay ang ganda-ganda pa rin niya.

"You could just punch them Loki! Hindi kailangang may mabalian pa ng buto! Nakita mo ba ang itsura nila? Duguan Loki!" galit na sabi ni Mama Diana.

Lahat kami ay nasa kwarto nila, matapos ang pangyayari kanina tinawag kaming lahat. Feeling ko nasa guidance ako.

Hindi ko makalimutan kung gaano kabrutal ang ginawa ni Loki sa kanilang lahat lalo na ang humawak sa buhok ni Aurora.

Bali ang buto, duguan ang mukha at ang isa ay hindi makalakad dahil sa bugbug na natanggap mula kay Loki

Katulong nito ang magandang lalaking lagi niyang kasama, pero isa lang ang masasabi ko...Ang galing niya sa hand to hand combat!

Sa'n kaya siya natuto? Kaso nakakatakot siyang magalit, mahirap mapigilan--- kung hindi pa dumating si Mama Diana ay hindi ito titigil kakasuntok sa lalaki.

"Doll, they get what they deserve. Dapat lang sa kanila---" Natigil ang Papa nila nam galit itong balingan ni Mama Diana.

"Ayan! Kinukunsinti mo kasi kaya hindi natatakot mambali ng buto!" sigaw niya.

Naitikom ng papa nila ang bibig. Lahat sila ay tahimik maliban kay
Aurora na rinig ang tunog ng kinakain nitong tsitsirya.

"Look at your Kuya Thor, he washed their bedsheet. And because of what you did...you can't have even a single cookie!" Titig na titig ako kay Mama Diana habang pinapagalitan nito si Loki na nakatungo lang.

Nakangisi si Thor na waring proud sa ginawa at napasipol namg marinig na hindi bibigyan ng cookies si Loki.

"Ma! Ba't ako lang? You should include Aurora too! Kung hindi siya gumala ay hindi naman siya hahawakan ng kung sino!" apela ni Loki.

"Hey! Hindi ko sinabing bugbugin mo," sagot ni Aurora.

Parang batang dumausdos si Loki sa sofa, lugmok na lugmok ang itsura nito...dahil siguro pinagalitan siya o dahil wala siyang cookies.

Nag-ring ang cellphone ko kung kaya't nag-excuse muna ako saglit

Pagtingin ko ay si Nala ang tumatawag. Anong kailangan ng babaeng ito?

"Oh?" bagot kong bungad pagkasagot.

"What  took you so long?!" maarteng sagot nito

"Anong kailangan mo?" malamig kong turan.

"Well Mommy is sick. Umuwi ka na at alagaan mo siya," nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.

Nag-aalala ako at gustong-gusto ko namg puntahan siya pero pinangungunahan ako ng galit dahil sa ginawa nila sa akin.

"Bakit hindi ikaw ang mag-alaga? Hindi ba't ikaw lang naman ang anak niya?" Napangiti ako nang mapait matapos sabihin ito

"Kung ayaw mo edi 'wag! Kung may nangyaring masama kay Mommy kasalanan mo!" sabi niya at pinatay ang tawag.

Napabuntong hininga ako at napahawak sa noo. 'Pag may problema sa'kin agad! Minsan lang ako makapag-relax pero problema agad!

"Is there any problem?" Napalingon ako sa likod. Nakapamulsa si Thor at lumapit sa akin

"Si Mommy may sakit pinapauwi nila ako," mahinang sabi ko.

" Uuwi ka?" seryosong tanong niya.

"Sana, kaso nakakahiya naman sa inyo." Npayuko ako at pinaglaruan ang daliri.

"She kicked you out but you still care for her?" Napaisip ako sa tanong niya.

Kahit yata anong sakit ang ibigay nila sa akin, uuwi at uuwi pa rin ako sa kanila dahil sila ang pamilya ko.

"Kasi, siya ang mommy ko. Kahit pakiramdam ko hindi nila ako mahal." Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.

"You have a big heart. They don't deserve you." Natigilan ako nang yumakap siya sa akin.

"There's something wrong. I'll do my best to make things right." Naguluhan ako sa sinabi niya. Anong mali?

Inakay niya ako papasok sa kwarto namin, napangiti ako nang makitang bago na ang bedsheet. Siya kaya ang umayos?

"Magsa-shower lang ako," sabi ko sa kaniya .

Kinuha ko ang towel at pumasok sa loob.

Nagtaka ako nang makitang nakahanda na ang bathtub at may rose petals pa? May scented candles pa! Anong pakulo ito?

Isa-isa kong hinubad ang lahat ng suot ko at masayang lumusong sa bathtub.

Pinaglaruan ko ang bula at inipon-ipon ang petals

Nagulat ako ng pumasok si Thor at wala ng kahit anong suot

A/N

Pramis ligo lang☺️
Hahahahappy Reading!

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon