Chapter 47

1.7K 45 0
                                    

Chapter 47

Panay ang iyak ko sa loob ng kotse ni Loki, kasabay nang pagtulo ng luha ko ay ang pag-agos din ng sipon ko ngunit hindi ko na ito ininda at patuloy lang sa pag-iyak.

"Stop crying, you look like a sh*t." Hinagisan niya pa ako ng tissue.

Pinulot ko ang tissue at nilabas ang lahat ng sama ng loob ko. Ang sakit-sakit naman no'n! Ipinagtabuyan niya ako at walang pakundangan na tinapos ang lahat sa amin.

"Ang s-sakit, sobrang sakit, Loki! Balikan natin siya—balik tayo—" Gusto kong balikan siya baka nadala lang siya ng galit.

"You two need some space for now para makapag-isip-isip kayo." Napasandal ako sa bintana at tahimik na umiyak.

"Tss, I can hear your sobs...'wag ka nang umiyak mapupuno na ng tissue ang dashboard ko," seryosong sabi niya.

"Ako ang magtatapon, at wala akong p-pakialam kung mukha na akong tae n-ngayon dahil babalik din ang kagandahan ko bukas." Rinig ko ang mahina niyang pagtawa.

Nami-miss ko na agad si Thor, lalo na at kasama ko ang kambal niya, ang pinagkaiba lang ay ang aura nila dahil si Loki ay panay ang salita.

"Ay! Iba rin! But my driver is more prettier, mas maganda pa sa 'yo si George kung naging babae siya." Natigilan ako sa sinabi niya.

Hindi pa ba niya napapansin na babae si George?  At ano? nagagandahan niya ang driver niya?

Hinatid niya ako sa condo ni Thor, hindi na ako umangal dahil baka bumalik siya 'pag nahimasmasan na ito.

"Baby ko, hindi kami okay ng papa mo ngayon, sana ay maging ayos na ang lahat bukas," pagkausap ko sa impis ko pang tiyan.

Napahikbi akong muli nang maalala ang nangyari kanina, gusto kong makapag-usap kami nang makapagpaliwanag ako. Kung kailan nagkaro'n ng bunga, saka pa kami nagkaganito.

Ala-una na ng madaling araw ngunit hindi pa rin ako makatulog, bigla akong napabangon nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Mabilis kong sinindi ang ilaw at mapait na napangiti nang makita si Thor.

"Sabi ko na nga ba uuwi ka rin." Mahigpit akong yumakap sa kaniya.

"Get off." Hinawi niya ako ngunit mahigpit pa rin akong yumakap.

"Sorry, sorry, s-sorry..." paulit-ulit kong sambit.

"I love you, but I guess you don't love me enough." Napailing ako sa sinabi niya.

"T-thor, mahal kita!" Mas humigpit ang yakap ko sa kaniya nang pilit niya itong baklasin.

"Get off." Paulit-ulit akong umiling sa utos niya. "I said get off! I need some break! Palagi na lang ikaw ang iniisip ko, palagi na lang ikaw!" Malakas niya akong tinulak dahilan nang pagkauntok ko sa pader."Leave!" mariin akong napapikit, tumingin ako sa kaniya ngunit malabo.

Nahihirapan akong makakita ng maayos! Nahihilo ako at hindi makatayo nang tuwid, kinapa ko ang nuo at napa-ngiwi nang nakaramdam ng sakit

"Thor, buntis ako!" Nag-panic ako at napahiyaw.

Muli akong tumingin sa kaniya, luminaw nang kaunti ang paningin ko at nakita kong nakahiga na ito sa sahig dahil sa labis na kalasingan.

Kailangan ko ng tulong!  Dahil baka kung anong mangyari sa anak ko! Hindi! Hindi ako maaring masaktan!

Lumabas ako at may nakitang tatlong lalaki na palapit sa kinaroroonan ko.

"Ikaw ba si Ray Ann Geronimo?" tanong ng isa.

Halos matumba ako at buti na lang nakahawak ako sa pader. "Sumama ka samin." Naalarma ako nang sabay silang humawak sa braso ko.

Nanlaban ako ngunit dahil sa hilong nararamdaman ay hindi naging sapat iyon. "Sino kayo? anong kailangan niyo sa 'kin?!" Pilit ko silang sinisipa ngunit maski ang sahig ay 'di ko na maabot.

"Tinakasan kami ng magaling mong ama, kaya ikaw ang magiging bayad." Napailing-iling ako sa sinabi ng isa.

"Hindi niya ako anak! Hindi ko sila magulang! Pakiusap pakawalan niyo na ako!" pakiusap ko ngunit naging bingi sila.

"Thor! Thor! Tulungan mo ko! Loki! Loki, tulong!" Kinaladkad nila ako pababa.

May pinaamoy sila sa akin dahilan nang panghihina at bahagyang pagkaantok, lumabas ang ilang staff ngunit nang tutukan sila ng baril ay napapatiklop sila.

Gano'n din ang limang guard ngunit nang tutukan ako ng baril sa ulo ay hindi sila makaporma, kung hindi lang sana ako nahihilo ay baka kaya ko pang makawala.

Pagkarating sa labas ay may kotse agad na nakaabang bago ako lamunin ng dilim ay nakita ko pang humahabol si Loki ngunit nang paputukan ito ay hindi ko na nakita pa.

Lord save my baby

A/N
Nasasaktan na ako ngayon palang😣 lalo na sa susunod na chapters

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon