Chapter 46

1.8K 45 2
                                    

Chapter 46

Magdamag akong naghintay sa hospital pero walang Thor na dumating kaya kinabukasan ay umuwi ako sa condo niya ngunit wala rin siya ro'n.

Nagpunta na rin ako sa bahay nila ngunit wala siya, hindi rin nila alam kung saan nagpunta baka raw may biglaang business trip pero bakit hindi man lang siya tumawag sa akin?

Nagfile na rin ako ng resignation dahil nakapagdesisyon na ako, aalis na ako sa pagiging pulis.

"Thor, nasa'n ka na ba?" pagkausap ko sa cellphone kong kanina pa dina-dial ang number niya.

"Ano? Hindi ka pa rin sinasagot?" mahinang tanong ni Gemma. Gising na rin ito sa wakas at bumabawi na lang ng pahinga.

"Baka galit pa rin siya sa akinm" dumubo ako ng ubas tapos ay inabutan din siya.

"Lilipas din 'yon," sabi nito na sinagot ko ng buntong hininga.

"Apat na araw na ang lumipas. Siya nga pala, dadalawin ka raw ni Hugo, 'wag mong susungitan." ;igla itong napaiwas ng tingin sa sinabi ko.

"B-bahala siya," sabi nito at tumikhim.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa kabaliwang pakana ni Hugo. All this time ay hindi naman pala ako ang gusto niya, pero mabuti na rin 'yon dahil may Thor na ako ngayon.

Hindi ako nakakaramdam ng morning sickness tulad ng iba, ngunit madalas akong mahilo at palaging gutom.  Sana ay umuwi ka na, Thor, nang malaman mong magkaka-anak na tayo.

Matutuwa kaya siya sa ibabalita ko? Sana pagbalik niya ay hindi na siya galit sa akin.

Umuwi ako sa amin upang tignan kung may tao na ba ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi sina Daddy.

Bumalik ako sa condo ni Thor at humilata sa kama, ilang segundo lang ay may nag-doorbell kaya kahit tamad na tamad ay pinagbuksan ko ito.

"Thor is Drunk pero ayaw umuwi—" Hindi pa ito natatapos nang magsalita ako.

"Saan?" mabilis kong tanong.

"I'll drive you there." Mabilis kong kinuha ang jacket at sumunod kay Loki. Ang sabi niya ay nasa bar ito at lasing na lasing na, bakit ba siya nagpapakalasing imbes na umiwi ay nag-inom pa?!

Pagkarating sa bar ay ang makabasag eardrums na tugtog ang bumungad sa akin, samot-saring amoy ang pumapasok sa ilong ko kaya hindi ko maiwasang magtakip.

Nabasa ko ang malaking karatula nila kanina sa labas. May dress code pala. Kung ikaw ay naka pang l-formal like tuxedo ay kasal ka na, kung ikaw ay naka-casual ibig sabihin single ka at kung naka-simple outfit kalang ay in a relationship ka.

Si Loki ay naka-casual samantalang ako ay naka pants at tshirt lang, nababangga pa ako ng ibang mga sumasayaw ngunit nakaalalay si Loki sa akin.

Nang sa wakas ay makita namin si Thor ay napangiti ako ngunit kalaunan ay nabura nang makita ang babaeng humahaplos sa hita nito.

"Thor!" sigaw ko ngunit hindi yata nakarating sa pandinig niya. "Thor!!" mas malakas kong sambit.

Tumingala siya sa akin at kumunot ang kilay at para bang kinikilala ako, labis akong nagulat nang tumayo siya at napagmasdan ko ang suot niya.

Naka-casual ito. Single? Ibig sabihin ay tinotoo niya ang banta niya sa akin? Biglang nag-init ang dibdib ko.

"What are you doing here?" Muntik pa itong matumba kundi lang nakahawak sa mesa.

"Umuwi na tayo!" Hinawakan ko siya sa braso ngunit hinawi niya lang ang kamay ko.

"Loki, take her home," baling nito sa kakambal. Umiling-iling ako at pilit siyang tinatayo.

"Who is she, babe?" malanding sabi ng babaeng humahaplos-haplos sa hita niya kanina.

"Fiance niya ako kaya tumabi ka, babae!" Sa labis na inis ko ay hindi ko maiwasang hawiin ito.

"The f*ck, b*tch!" inangilan niya ako ngunit hindi ko na pinansin pa.

"Thor, umuwi na tayo mag-usap tayo sa bahay." Umiling lang ito sa sinabi ko.

Nakayuko siya at akmang itutungga ang bote nang agawin ko ito.

"Give it to me!" marahas siyang tumayo at akmang kukunin nang ilagay ko ang bote sa bisig ng waiter na dumaan.

"Get lost, b*tch!" Napatid ang pasensya ko nang sumabat na naman ang babae.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko, kaya tumahimik ka!" Hindi ko na napigilan at nasuntok ko ito. Natumba siya kaya napasigaw ang ilang nakakita.

"What did you do?! Just go home, Ray Ann!" Napatunganga ako sa sinabi niya.

"Uuwi ako kung uuwi ka!" Napaiyak na ako sa harap niya ngunit matigas pa rin ang reaksyon nito.

"You chose your job over me remember?" Saglit na gumaralgal ang boses nito.

"Ibig mong sabihin, tapos na nga tayo—" Tumulo ang luha ko nang mabilis siyang sumagot.

"Yes!" Napaatras ako at nagmamakaawang tumingin kay Loki.

"Dud, let's go home," sumingit na si Loki sa usapan.

"Leave me alone, loki!" Hirap na rin siyang makatayo nang maayos.

"F*ck you!!" Nagulat ako nang suntukin ni Loki si Thor.

Agad akong pumagitna nang
makitang dumugo ang labi nito.

"Tara na." Hinawakan ni
Loki ang kamay ko ngunit nanlaban ako. Ang babaeng sinuntok ko ay binuhat na ng staff, napilitan akong umalis nang paalisin na kami ng bouncer.

Sinulyapan ko si Thor sa huling beses at kita ko ang pag-iwas niya sa tingin ko at pagtalikod niya sa akin.

A/N

Aww😞

Kindly leave your comments 😊

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon