Chapter 30
Nakatingala ako habang nakaupo sa swing, walang mga bituin. Sayang ang ganda pa naman nilang pagmasdan.
Matapos kumain ay nag-aya akong magpunta sa park, alas diyes na ng gabi kung kaya't wala ng mga bata ngunit may mangilan-ngilan pang namamasyal.
May ilang poste pa ang nakasindi kaya hindi gaanong madilim.
"Why do you want to go here?" Nabaling ang atensyon ko kay Thor nang magtanong ito.
"Ewan, pakiramdam ko suki ako ng park nuong bata pa ako...parang miss ko gano'n, noon kasi napapanaginipan kong masaya akong naglalaro dito." Ngumiti ako nang marahan sa kaniya.
Tumayo ito sa kinauupuan at pumwesto sa gilid ko. Tinulak niya namg mahina ang swing at naging sunod-sunod ang pagtulak nito ng marahan.
Humawak ako at tumayo. "Hey! Go down, you might fall," nag-aalalang sabi niya.
"Sasaluhin mo naman ako 'di ba?" Nginitian ko ito ng nakakaasar.
Lumaki ang mata ko nang bigla niyang lakasan ang pag-ugoy.
Pakiramdam ko babaligtad na ako kaya hindi ko mapigilan ang mapamura.
"T*ng*na! Thor, pak you ka!" nakapikit kong sigaw.
Bigla niyang tinigil ang makalas na pag-ugoy saakin kaya nagmulat ako at bumaba.
"Later, meine Liebe...later." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.
"Anong later? Hoy, pak you kako, hindi f*ck you!" pagpapaliwanag ko.
"I'll f*ck you later and by tommorow you can't walk." Mahina ko itong sinuntok sa braso.
Bastos ng bibig nito!
"I want to say s-something" mahina niyang sabi.
"Ano 'yon?" tanong ko.
"Why did the bike fall over?" Nangunot ang noo ko sa tanong niya.
"Ha? Hindi ko alam!" Anong klasing tanong ba 'yan?
"Because it's two tired." Parang namilog pa ang mga mata ko nang mapagtantong nagjo-joke siya.
"Ha-ha-ha." Tatlong tawa ang pilit kong nilabas.
"F*ck that Loki!" rinig kong mariin niyang bulong. Tumalikod siya sa 'kin saka sumabunot sa sarili.
"Bwahahahahahaha!" hindi ko na napigilan at tumawa na ako nang malakas.
Humawak ako sa tyan at pilit pinipigilan ang malakas na pagtawa pero ayaw pa rin, mas lalo lang itong lumakas nang makitang namumula ang leeg niya.
Wala na akong paki kung maturn off siya sa tawa ko pero kasi...
Napapunas ako sa mata nang maluha ako. Hindi ako sa joke natawa kundi sa itsura niya ngayon na parang hindi matae.
"Are you done? Stop laughing," masungit ang itsura nito habang sinasabi ito saakin.
"S-sandali....ang s-sakit na ng tyan ko," hirap kong sabi dahil sa tawa.
Bigla siyang lumapit kung kaya't lumayo ako hanggang sa naging takbo na ito, tumawa ako habang tinatakbuhan siya.
"Gotcha!" nahuli niya ako sa bewang at kiniliti na siyang kinahalakhak ko.
Natigil kami nang unti-unting bumuhos ang ulan hanggang sa biglang lumakas.
Ang mga namamasyal ay napatakbo sa kanilang mga sasakyan.
"Let's go---" Hihilahin niya sana ako nang pigilan ko siya.
"Ligo tayo ulan!" nakangiti kong sabi sa kaniya.
"You'll get sick." Nakasimangot ito.
Ang palad niya ay nakalagay sa ulunan ko na parang mapoprotektahan ako nito mula sa pagkabasa.
Nginitian ko ito ng matamis na siyang dahilan ng pagbuntong hininga niya at pagtango.
Hinila ko siya sa gitna, magkahawak ang kamay namin habang tumatakbo sa ulan.
Nagsayaw kami sa gitna ng ulan habang nakangiti. Magmula nang makilala ko siya naging masaya ang mundo ko.
Sana hindi na matapos ang mga sandaling magkasama kami...
A/N
F*ck you later🙂
Hahahahappy Reading!

BINABASA MO ANG
Kiss Me, Officer
RomanceSynopsis A lovely and sexy Police Officer, Ray Ann Geronimo caught the heart of a man who is cold as ice, hard as rock and a man of a few words. Thor Müller is a cold-hearted man, he has the presence that can make you uncomfortable, the authority...