Chapter 45

1.9K 39 0
                                        

Chapter 45

Napahawak ako sa noo nang makaramdam ng sakit, unti-unti akong nagmulat at ang puting kisame ang bumungad sa akin.

"O, gising ka na." Napatingin ako sa bagong pasok na si George.

"Anong ginagawa mo rito? At anong ginagawa ko rito?" nagtatakang tanong ko.

"Nahimatay ka nakalimutan mo na?" Hinila niya ang upuan at lumapit sa akin.

Umupo siya at humigop sa dalang kape, chill na chill ito ngunit biglang napausog palayo nang may makitang pula na dot na palipat-lipat sa katawan niyam

"T*ng*na, may bantay ka!" Nanlalaki ang mata nitong tumingin sa labas ng bintana.

Napaayos kami ng pwesto nang may pumasok na lalaking nakasuot ng puti at nasisiguro kong doctor ito.

"I'm glad you're awake, may mahalaga akong ibabalita," nakangiting sabi ng nasa mid fifties na lalaking doctor.

"Ano po iyon?" seryosong tanong ko.

"You're five weeks pregnant at mabuti na lang ay walang nangyaring masama sa iyo kanina" natigilan ako sa narinig.

"D-doc? Buntis po ako?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes, and I'm warning you, mahina ang kapit niya siguro ay sobrang stress ka. Iwasan mo ang ma-stress, iha." !aluluhang napahawak ako sa tiyan ko.

Marami pa siyang ibinilin ngunit wala ng mai-process pang iba ang utak ko kundi ang salitang buntis ako.

Si George ang binilinan ng doctor siguro ay inakalang boyfriend ko ito, 'di nagtagal ay lumabas ang doctor ngunit hindi ko na pinansin pa.

Unti-unti ay nagsilaglagan ang mga luha ko hanggang sa naging hikbi at atungal.

"O,  'di ba sabi bawal ma-stress?" nakasimangot na sabi ni George.

"Hindi ko a-alam. Sorry, baby ko... muntik ka nang mawala. Sorry, sorry, sorry. Thor, sorry!" Walang tigil ang pagdaloy ng luha ko.

"Ang tigas kasi ng ulo mo...minsan makinig ka rin sa kay Ser Thor, pa'no kung nabaril ka kanina? Naisip mo ba ang mararamdaman ni Ser? Hindi porke't trabaho mo yun ay lagi kang susuong kahit dehado...gusto kitang kalbuhin alam mo ba?" Sa sobrang bilis ng sermon niya ay nagmistula itong rapper.

Kasalanan ko dahil hindi ako nakinig sobrang tigas ng ulo ko, sa sobrang dami kong iniisip ay hindi ko napagtuunan ng pansin na mahigit isang buwan na pala akong hindi dinadatnan at hindi ko napansin ang pagbabago ng panlasa at pangamoy ko.

Nalunod ako kakaisip sa mga magulang ko. Pasensya na, anak. Muntik ka nang mawala dahil kay mama'

"Anong ginagawa mo rito?" bumaling ako kay George na mariing nakatingin sa labas ng bintana.

"Nandito yung kalahating kapatid ko." Naguluhan ako sa sinabi niya.

"Alam mo ba kung nasa'n si Thor? Gusto ko siyang makausap," malungkot na sabi ko.

"Baka mamaya bababa na siya at puntahan ka, busy pa siya manilip."  Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Kung ano-anong sinasabi niya na ang hirap intindihin!

"Kanina ka pa humihigop ng kape pero hindi mo pa ako inaalok ng kahit ano," parinig ko sa kaniya dahil nanunuyo ang lalamunan ko.

"Wala akong pera," simpleng sagot niya.

"Nagugutom ako, George. Gusto ko ng pizza pero strawberry ang toppings." Bigla akong naglaway sa naisip. Iniisip ko palang na kakainin ko 'yun ay natatakam na ako.

"Ahh...strawberry pizza, hintayin mo 'ko at bibili ako, at baka hindi ka na matapos kakahintay dahil sa'ng lupalop ako bibili no'n!?" Nagulat ako sa boses niya.

"Shh...may pasyente rin sa kabila," pagpapatahimik ko sa kaniya.

Inirapan niya ako bago tumalikod at pabagsak na sinara ang pinto, napahawak ako sa impis kong tyan at napangiti. Magkaka-baby na kami.

Lumabas ako at hinanap kung saang kwarto si Gemma, nagtanong-tanong ako sa mga nurse at nang malaman ko kung saang room siya ay agad akong dumiretso duon.

Kumatok ako ngunit walang nagbukas kaya pinihit ko ang seradura at napaatras nang makita kung sino ang nandoon.

"Pasok ka." Lalabas sana ako ngunit huli na dahil nakita na niya ako.

"Ahm...ano...kumusta na siya?" ilang kong sabi at umupo. Tulog si Gemma at kita kong sinasalinan ito ng dugo.

"She lost a lot of blood, ang sabi ng doctor ay magiging mabuti na siya sa pagdaan ng mga araw." Tumango ako sa sinabi niya.

Wala na akong masabi pa kaya tinikom ko na lang ang bibig, ilang minuto na namayani ang katahimikan sa amin, at aaminin kong naiilang ako sa kaniya.

"Hindi ko intensyon na gamitin ka, pasensya na, 'wag kang mailang sa akin." Napatingin ako sa kaniya nang basagin niya ang katahimikan.

"Ha?" naguguluhang sabi ko.

Si Hugo ang nandito sa kwarto ni Gemma ngayon kaya naiilang ako dahil sa naging pambabasted ko sa kaniya.

"Si Gemma talaga ang gusto ko matagal na, pero ayaw niya sa'kin dahil nga matanda na raw ako." Mahina siyang tumawa.

"Kung gano'n, bakit mo ako niligawan?" takang tanong ko.

"Dahil napansin kong malapit kayo sa isa't isa, niligawan kita dahil gusto kong makita ang reaction niya kung magseselos ba siya kaso wala." Napailing-iling pa ito.

"Pero mali ka, mas lalo ka niyang hindi magugustuhan dahil may iba kang nililigawan," sagot ko sa kaniya.

"Kinasangkapan ko pa nga si Papa, e. Pero wala talaga, kaya 'wag ka nang mailang sa akin." Bigla akong napangiti sa sinabi niya.

Nabunutan ako ng tinik sa dibdib, buti na lang at hindi ko na siya kailangang iwasan pa. "Hindii bale, tutulungan kita," nakangiting sabi ko.

"Talaga?" Tumango ako na dahilan nang pagngiti niya ng malawak.

Lumabas ako at hinatid niya ako hanggang sa may pinto, pagkatalikod ko ay may naapakan akong madulas at muntik nang napahiga buti na lang ay naduon pa si Hugo na agad sumalo sa'kin.

"Careful" sabi niya at dahan-dahan akong tinayo. Nagpasalamat ako at tuluyang umalis.

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon