Chapter 6

2.9K 83 1
                                    

Chapter 6

Habang naglalakad ay panay ang lingon ko sa likod, kanina ko pa napapansin ang black na Audi na sunod nang sunod.

Napahigpit ang hawak ko sa pouch at binilisan ang paglalakad— kailangan kong magtipid dahil wala pang sahod.

Lumingon ulit ako at kita kong nakasunod pa rin ito, heavily tinted ang salamin kung kaya't hindi ko maaninag ang loob.

Tumigil ako at pumihit paharap sa sasakyan kaya napapreno ito, sa tingin ko'y sobra sa sampung pulgada ang distansiya niya sa'kin at nasa kabilang side ng kalsada.

Mabilis akong tumawid at nang malapit na ako ay humarurot ito paalis.

"G*gong 'to!" Kahit malayo na ito ay sumigaw ako at inambaan ng suntok.

Sayang pa kasi ang singkwenta kung magta-tricycle pa ako, e ang lapit-lapit kung dadaan sa shortcut.

Pahirap ang heels na to! Panay ang baba ko sa hapit kong black dress na umabot sa taas ng tuhod. Nagsuklay ako at tumayo nang tuwid.

Feeling sopistikada dapat ang lakad. Chin up, breast out, stomach in. Hinga malalim, Ray Ann  sasabak ka sa giyera. Kahit date lang feeling ko gyera na.

Pagpasok ko ay may naka-reserve ng upuan para sa akin. Huh? Wala pa ang ka-date ko? Ngayon lang nahuli ang makaka-date ko.

Umupo ako at nang may lumapit na waiter ay humingi ako ng tubig--- biglang nag-ring ang cellphone ko.

"Yes hello?" kaagad na sagot ko.

"Hi! This is Akit Chen your date for tonight. I'm sorry I can't make it tonight, something happened and---" Hindi ko na ito pinatapos.

"No no it's okey! Don't worry, I'll be fine," nakangiting sabi ko.

Nang mamatay ang tawag ay napapadyak ako sa tuwa.

"Yes!" Malaki ang ngiti kong tumayo pero nawala ito namg mabangga ako.

"I'm sorry. O! What a coincidence!" Napatingin ako sa nakabangga ko.

Ito yung lalaki kanina sa presinto. Teka, tama! Thor Müller! iyung sinuntok ko!

"Hmm." Tinanguan ko ito at lalakad na sana nang humarang siya.

"Your date. He's not coming?" tanong nito na siyang kinatango ko.

"O! We're just the same. Hindi rin ako sinipot ng ka-date ko," seryosong sabi niya.

"A, ganun ba sige--" Nagtaka ako nang bigla itong mataranta.

"I'm starving—pwede bang samahan mo akong kumain?" Ano bang klaseng kausap 'to?! Parang robot, walang emosyon!

Kahit nagtataka ay sumagot ako. "Pwede ka namang kumain mag-isa," kunot ang kilay na sabi ko.

"Please?" Kumibot ang labi nito kaya napatingin ako doon .Napatikhim ako at tumango kalaunan.

"Libre mo?" Oo ako na ang makapal ang mukha—ganun siguro kung walang pera.

"Of course!" Aayain na sana niya  akong umupo nang pigilan ko siya.

"Pwedeng sa iba na lang? Sa karinderya gano'n. Kaunti kasi ang servings dito," mahinang sabi ko.

Tumango siya at agad akong inakay. Teka feeling close agad? Kung makakapit sa bewang ko parang ano, a?!

Lumayo ako pero lumapit na naman siya. Pero dahil pumayag itong kumain sa karinderya ay hinayaan ko na.

Pagkarating sa paborito kong kainan ay agad akong um-order.

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon