Chapter 17

2.2K 62 1
                                    

Chapter 17

Umiiyak ako habang inaayos ang mga gamit ko. Sa'n ako pupunta? Ayoko namang istorbohin si Thor dahil gabing-gabi na, saka nahihiya ako.

Tumayo ako at binitbit ang bag, nang makababa ako ay nakita ko pang nasa kusina si Mommy.

Hindi niya ako pinansin kaya dire-diretso na akong lumabas, panay ang iyak ko habang naglalakad. Sana iba na lang ang naging magulang ko....masama na kung masama!

Naglalakad ako ngunit walang patutunguhan. Kinuha ko ang cellphone at nag-dial, tatawagan ko si PO1 Gadiano baka matulungan niya ako.

Nabasa ng luha ko ang cellphone ko kaya pinunasan ko ito kahit nakasind. Nagri-ring! Buti naman.

Sa pangalawang  ring ay may sumagot at kahit hindi pa siya nagsasalita ay agad akong nagsalita.

"Gemma! Sunduin mo naman
ako, o? Wala akong matutuluyan. P-pinalayas nila ako," hirap kong sabi at umiyak. "P-please," pakiusap ko nang hindi ito nagsalita.

"I'm coming! Where are you? Damn it!" Nailayo ko ang cellphone sa tainga ko.

Ba't panlalaki na ang boses ni PO1 Gadiano?

"Where's my key?! F*cking keys!" rinig kong sabi sa kabilang linya

Nakarinig pa ako ng lagabog at mga yabag

"I'm on my way. Where the f*ck are you, Ray Ann!?" galit na sabi niya.

Tulala ako habang nakatitig sa cellphone ko. Babe ko ang nakasulat sa screen.

Ibig sabihin si Thor ang matawagan ko ay hindi si Gemma?!

"I said where are you? Okay, just open your location!" sabi niya at narinig ko ang ugong ng makina

"T-thor," mahinang sabi ko at umiyak.

"Don't hang up." Tumango ako kahit hindi niya nakikita.

Ginawa ko ang utos niya.
Ang bag kong dala ang ginawa kong upuan. Nakatulala ako sa kalsada at napapakurap lang sa tuwing may mabilis na sasakyan ang dadaan.

Nagsimula ulit magtubig ang mga mata ko kaya umiling-iling ako at tumingala. Pati mga bituin yata ay sawa na sa kakaiyak ko dahil hindi sila nagpapakita.

Ilang minuto ang nagdaan nang may itim na Audi ang tumigil sa tapat ko. Mabilis na bumaba si Thor at seryoso akong tinignan.

"What happened?" mariin niyang tanong.

Umiling ako at yumakap sa kanya.  Pigil ko ang paghikbi ngunit tumulo ang luha ko.

Hinawakan niya ako sa balikat at pinakatitigan.

Binuhat niya ang bag ko at tahimik niya akong niyakag papasok sa sasakyan niya.

Pagkapasok niya ay agad niyang kinabit ang seatbelt ko dahil nakaligtaan ko itong gawin.

Natigilan ako nang punasan niya ang pisnge ko at ngitian ako namg marahan. Sa buong byahe ay mahigpit niyang hawak ang kamay ko.

Kung kanina ay pakiramdam ko nag-iisa ako ngayon ay hindi na at unti-unti na ring gumagaan ang pakiramdam ko dahil sa presensya niya.

Pagkarating sakanila ay tahimik na, dahil ala una na rin.

Hindi siya nagtanong hanggang sa makarating kami sa kwarto niya.

"Nahuli ko si Nala na may katalik sa mesa kaya nag-away kami at naabutan kami nila Daddy sa ganong sitwasyon. Hindi sila naniwala sa'kin at ang masakit, pinalayas ako ni Mommy," pagku-kwento ko sa kanya.

"Pasensya na. Nagkamali ako ng pindot naabala pa---" Natigilan ako nang galit niya akong balingan ng tingin.

"What? Ibig sabihin wala kang balak sabihin sa'kin ang problema mo? What the f*ck, Ray Ann?!" galit niyang sabi. Napayuko ako at kinutkot ang kuko. Bumuntong hininga siya at tumabi sa akin. "Just change your clothes and let's sleep," mahinahon na niyang sabi.

Tumango ako at nagkalkal sa bag.

Pumasok ako sa sa banyo at nagshower saglit. Paglabas ko ay nakahiga na siya at nakaboxer lang at walang pang itaas.

Kahit naiilang ay humiga ako sa dulo ng kama. Nagmulat siya at
seryosong tumingin sa'kin.

Napahawak ako sa dibdib niya namg bigla niya akong hilain. Pinaunan niya ako sa braso niya at yumakap sa'kin.

"Everything will be fine, you can stay here as long as you want," bulong niya sa'kin.

Tumingala ako sa kanya at marahan ko siyang nginitian, humalik ito sa noo ko at pumikit.

Inaantok na talaga siya. Naging panatag ang paghinga niya kaya alam kong tulog na ito.

Napangiti ako at yumakap din sa kanya.  Humigpit ang yakap niya sa akin.

Unti-unti akong nakatulog sa bisig niya.

Pagmulat ko ng mata ay alas sais na ng umaga. Nakaharap siya saakin at hindi man lang nabago ang pwesto niya. Nakayakap pa rin siya sa akin.

Ang isang binti niya ay naka dantay din sa akin, kahit nabibigatan ako ay hindi ko inalis ang binti niya.

Pinakatitigan ko ang mukha niya. Dahan-dahan kong hinaplos ang makapal niyang kilay, at ang mahaba niyang pilikmata.

Tinalo pa ako sa pilantik ng pilikmata niya. Balbasan pala siya pero dahil ahit  ito, may kaunting tubo na. Nakiliti pa ako nang hawakan ko ang stubbles niya.

Ang ilong niyang kay tangos. Mahina ko itong pinisil na kinakunot ng kilay niya.

Nagawi ang tingin ko sa labi niyang mamula-mula, hugis puso ito at may hati sa gitna.

Natigilan ako nang mapagtantong hinahaplos ko na ang labi niya. Aalisin ko na sana ang kamay ko nang hawakan ito ni Thor.

Gising na siya! Kanina pa kaya? Nakita niya kaya ang pagtitig ko sa kanya? Nakakahiya!

Nakatitig lang ako sa kanya nang halikan niya ang kamay ko.

"Good morning beautiful," paos na sabi niya. Napangiti ako dahil sa kilig

Biglang nanlaki ang mata ko at bigla ko siyang naitulak ngunit hindi manlang siya natinag.

"T-thor! Layo!" pilit ko siyang tinutulak.

May tumutusok sa puson ko at hindi na ako inosente para hindi malaman kung ano yun!

Hindi ko makita dahil nakakumot kami.

Ramdam ko ang mas lalong paglaki nito at bumaon nang kaunti sa puson ko.

"What?  It's normal, he's always like that every morning and he's hard as rock because you're here," sabi niya at tumawa.

Piningot ko ang ilong niya dahil sa inis at hiya.

Inalis niya ang kumot at naglagay ng unan sa harap niya kaya nakahinga ako nang muluwag.

Tinulak ko siya at bumangon. Rinig ko pa ang pagtawa niya nang mabilis akong pumasok sa cr

Natapik ko ang pisnge nang makitang namumula ito.

A/N
Hahahahappy Reading!

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon