Chapter 3

3.1K 79 3
                                    

Chapter 3

Nanlalaki ang  mga mata ko habang hawak ako nito. Nagpumiglas ako pero mas humigpit lang ang hawak niya. Wala bang dadaan d'yan?! Pakiusap, dumaan na kayo! Piping usal ko.

Ang bawat hinga niya ay tumatama sa gilid ng leeg ko, ramdam kong dinikit nito ang labi sa tenga ko.

Sinubukan kong apakan ang paa niya pero inipit niya lang mga paa ko, dikit na dikit siya sa akin, rinig ko ang ungol niyang parang nahihirapan.

Makawala lang ako dito babangasan kitang animal ka!

"Hmp!" gusto kong sabihing 'bitaw!'

"What did you do to me? I can't get you out of my head!" sabi nito at diretsong tumitig sa akin.

Ang matangos na ilong lang niya ang malinaw sa akin. Naka-all black ito at naka-hoodie ang mata at labi niya ay hindi ko makita?

Teka ano bang sinasabi niya? Ni hindi ko siya kilala!

"Don't shout—shout or ill----" Hindi ko na ito pinatapos at sunod-sunod na tumango.

Ngayon ko lang ito naramdaman—kinakabahan ako at nanginginig na ang mga tuhod ko. Lintek naman!

Nang alisin niya ang kamay niya sa bibig ko ay pigil ang paghinga ko—sisigaw na sana ako nang bigla niya akong halikan.

Halikan?! Ang first kiss ko!

Hindi ko maaninag ang mukha niya. Ang binti ko ay ipit na ipit, dikit na dikit din ang katawan niya sa akin, ang isang kamay nito'y nakahawak sa mga kamay ko at ang isa nama'y sa batok ko.

Limang segundo—ang halik nito'y tumagal nang limang segundo!

Nang humiwalay ang labi niya ay tulala ako. Awang pa ang mga labi ko, rinig ko ang  tunog ng pagngisi niya.

Pinakawalan na pala niya ako pero nanatili pa rin akong tulala. Sa loob ng limang segundo nawala ang first kiss ko—hindi ko matanggap na nakuha lang ito ng isang estranghero!

"G*go! Kakasuhan kita ng theft and harrasment!" Nang matauhan ako ay sinigaw ko ito.

"What?! Ano namang ninakaw ko sa 'yo?" Bakit ganto ang boses nito? Ang sarap pakingga---

"Ang first kiss ko, g*go!" Bigla siyang humakbang kaya umatras ako.

Kahit hindi ko makita ang itsura nito ay alam kong nakangisi ito. Ang mga kamay niya ay pinasok niya sa kanyang bulsa.

Binunot ko ang caliber forty five na nasa bag ko----pellet gun lang ito minsan ay water gun ang dala ko ngunit hindi halatang laruan dahil pasadya ito.

Hanggat maari ay ayokong pumatay.

Mabilis ang paghinga ko namg itutok ko ito sakanya.

"Curse again and I'll kiss you." Napa-atras ako nang lumapit ulit siya.

"Manyak! T*rantado! G*go! Pak you ka!" sigaw ko at sunod-sunod na pinaputukan ito ng pellet gun ko.

Habang nagpapaputok ako ay umaatras ako hanggang naging takbo na ito. Nang lumingon ako ay wala na siya duon.
Manyak, G*go!

Nang makauwi ako ay diretso ako sa kwarto at inis na binagsak ang katawan sa kama.

"Haist! Ang first kiss ko! Ang tanga mo, Ray Ann---" Natigil ako at napahawak sa labi.

Bakit parang hindi naman ako nanghihinang?! Pakiramdam ko nakadikit pa rin ang labi niya sa 'kin----ang labi niyang sobrang lambot---

"Tumigil ka, Ray Ann! Dapat galit ka!" Natuktukan ko ang sariling ulo.

Tumayo ako at naghubad ng uniform. Kailan pa naging ganito kabango ang damit ko?

Dinikit ko ito sa ilong at inamoy, at inamoy ulit----ang bango! Teka! Amoy ito nung lalaki kanina!

Humalo ang amoy niya sa akin---- ang bagong manyak! Napailing ako at inihagis ito  sa labahan.

Nang makaligo ay bumaba na ako. Kita kong nanonood ng tv si Nala, hindi niya ako pinansin kaya napailing na lang ako.

Dumiretso ako sa kusina para kumain. Pagbukas ko ng kaldero ay kaunting kanin----ang ulam ay sinigang na baboy----sinigang na sabaw pala dahil iisang hiwa lang ang nakita ko.

Kumain ako nang mag-isa. Nang mapatingin ako sa lababo ay puno ng hugasin----hindi man lang sila naghugas.

Nang minsang ireklamo ko ito sa kanila ay hindi nila ako tinirhan ng pagkain, kaya mananahimik na lang ako.

Pagkahiga ay napatitig ako sa kisame. Hindi ko ramdam ang pagmamahal nila pero pilit ko pa rin sinisiksik sa isip ko na may magulang bang hindi mahal ang anak? Syempre lahat ng magulang mahal ang anak nila kaya mahal nila ako. Mahal ka nila Ray Ann!

Ang lahat ng meron ako ay binibigay ko, ang lahat ng kaya ko ay ginagawa ko kasi kahit matanda na 'ko ay umaasa pa rin akong bibigyan nila ako nang pansin.

Nangungulila ako sa magulang kahit nasa tabi ko naman sila.

Nakatulugan ko ang pagiisip

" Mommy! Daddy!" Umiiyak ang batang ako.

"Shhhh---'wag malikot, anak." Niyakap ng babaeng malabo ang mukha ang batang ako.

Napatingin ako sa labas---nasa bingit kami ng kamatayan, ang kotseng sinasaktan namin ay kaunting tulak na lang  malalaglag na sa bangin.

Iyak nang iyak ang batang ako, pero bakit?

Napatingin ako sa babaeng nakayakap sa akin at sa lalaking nasa driver seat. Lumipat ito nang pwesto kaya yumugyog ang sasakyan na lalong nagpaiyak sa akin.

Binasag nito ang salamin at pilit akong kinukuha sa babaeng kayakap ko. Nang makuha niya ako ay yumakap siya nang mahigpit sa akin

"We love you, always remember that our daughter."  Humagulgol din ito pero hindi ko talaga maaninag ang mukha nila.

Buong lakas niya akong inilabas sa bintana at inihagis----napasubsob ako at agad sanang babalik nang biglang malaglag ang sasakyan.

"NO!" Napabangon ako.

Panaginip? Pawis na pawis ako. Bakit basa ang pisnge ko? Bakit ako umiiyak?

Hindi mo naman sila kilala Ray Ann, panaginip lang...pero bakit ganung klaseng panaginip?

Ang batang ako----kasama ang hindi kilala sa loob ng kotse.

Napahawak ako sa ulo nang sumakit ito.

"Ack----aww!" Ang sakit! Bumangon ako at umupo...

Ano 'yun? Bat parang ang sakit ng panaginip na 'yun---ang sakit!

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon