Chapter 19

2.2K 56 5
                                    

Chapter 19

Abala ang lahat sa pag-aayos ng mga gamit na dadalhin para bukas, mabuti na lang ay nakapag-file ako ng leave noon pa dahil balak ko sanang mag-unwind muna at mabigyan ko rin ng oras si Thor.

Nag-aayos ako ng gamit nang may maalala ako.

"Thor, 'yung cookies---" Natigilan ako nang makita ko siyang kumakain.

Nakaupo siya sa sofa habang nagi-sketch ng kung ano. Tinaasan niya ako ng kilay tapos ay inalok ang tupperware na naglalaman ng cookies.

Lumapit ako at tumabi sa kanya, kinuha ko at tupperware at nagulat nang makitang apat na lang ang laman.

"Sampo pa 'to kanina, a?" sabi ko sa kanya.

Nagkibit balikat siya at humiga sa kandungan ko.

Kumuha ako at pinakatitigan ito. Typical brown cookies na may chocolate.

Kumagat ako at ngumuya. Kumagat ulit ako at kumagat ulit hanggang sa naubos ko ang isa.

Ba't ang sarap? Sobrang sarap! Sa labas ay may maliliit na hati ng chocolate tapos  ay nag-melt ang chocolate sa loob tas may parang mani, o baka almond 'to?

"Gawa 'to ng mama niyo? Ang sarap!" sabi ko at kumuha ulit ng isa.

"Yup. But she rarely bakes cookies; when we were kids, she was always using cookies to keep us under control, and she still does,"  simpleng sagot niya.

"Minsan? Paano?" naguguluhang tanong ko.

"Magbe-bake lang siya sa tuwing may achievement kami. Like you a while ago," paliwanag niya na ikinatango ko.

Parang reward pala nila 'to. Kung gan'to kasarap ang reward mo edi ang saya!

"Wala ba 'to sa mga bakeries?" tanong ko pa.

Kumuha ulit ako ng isa at dalawang kagat lang ay ubos na, napansin ko ang pagkuha ulit niya. Ba't parang gusto kong ipagdamot?

"It doesn't taste the same. You know what, Loki did realy steal my cookies." Nagsalubong pa ang kilay niya

"Pasaway na Loki," sabi ko at tumawa.

Sobrang sakit talaga ng loob niya dahil sa ninakaw na cookies ni Loki kahit matagal ng nangyari.

Isa na lang ang natira, kinuha ko at akmang isusubo nang marinig ko ang pag 'ahh' ni Thor ngumanga pa siya.

Inilapit ko sa bibig niya ngunit binawi ko rin at sinubo ko nang buo.

"Ano? Tatlo na nga lang tinira mo sa 'kin, e," sabi ko.

Napailing ito dahilan nang pagtawa ko.

Chineck ko ang gamit namin kung nadala ko na ba lahat. Nasa shower na si Thor kaya may naisipan ako.

Kinuha ko ang isang boxer niya at binuklat.

"Ay, puto!" Nakahawak pa ako sa bibig.

Tinaas ko pa ang boxer niya at tinitigan. Ang lapad  ta's iyung paumbok sa harap----mas malapad pa yata sa palad ko!

Utak mo, Ray Ann!  Erase-erase
-erase!

Tinupi ko ulit ang boxer at buti na lang natupi ko na bago pa makalabas ng banyo si Thor.

Nakahiga kaming magkayakap namg may maalala ako.

"Teka, ba't naging stalker kita? Nagkita na ba tayo? Bigla ka na lang sumulpot sa buhay ko," sabi ko at tumingala sa kanya.

"You don't remember me?" nakakunot ang kilay na tanong niya.

Umiling ako dahil hindi ko talaga maalala. Ang alam ko lang na unang pagkikita namin ay no'ng pinakulong niya si Loki.

"On the bus," simpleng sabi niya at pumikit.

"Bus?" Napaisip ako sa sagot niya.

Bus...bus. E, ang dami kong nakasalamuha sa bus sa buong buhay ko! Saan siya do'n?

"Hoy---" natigil ako nang marinig ko ang mahinang paghilik niya.

Tinulugan ako!

Napailing na lang ako at yumakap sa kanya.

Maaga kaming gumising upang makabyahe nang maaga.

Sa'n kaya kami pupunta?

Naka pants at plain black shirt lang ako, samantalang si Thor ay naka khaki pants at v-neck .

Siya ang nagdala ng mga  gamit namin.

Pagkababa ay naka-ready na silang lahat.

Panay ang reklamo ni Loki dahil sa mga pinapabuhat na bag ni Aurora.

"Ano pa?! Baka gusto mong dalhin pati kama mo! May balak ka bang tumira na do'n!?" napapairap pang sabi ni Loki.

Napangiti nang matamis si Aurora na lalong kinaganda niya.

Napabuntong hininga na lang si Loki at nauna nang lumabas.

Rereklamo pa susunod din naman pala.

Sumakay kami sa van at tumigil sa isang malawak na parke na may magandang bermuda grass at may chopper!

Sa chopper kami sasakay?! Wow bongga!

Mas maganda at mas malawak ito kumpara sa mga ordinaryong chopper. Isa-isa kaming sumakay at ngayon ko lang napansin na may kasama kaming isang lalaki.

Sino kaya siya? Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin.

Napatingin ako sa magpapalipad ng chopper nang magsalita siya.

"F*ck you, Müller! You said five am but it's already five thirty! Kanina pa 'ko rito---" Natigilan ito nang sumagot  si Papa este papa nila Thor.

"Shut up, Dick" mariing niya.

"It's Rick, motherf*cker," sabi ng magpapalipad at ini-on ang makina.

Gusto kong magtanong kung saan kami pupunta pero tahimik silang lahat kaya hindi na 'ko nagtanong.

Nakatanaw lang ako sa ulap namg maramdaman kong sinandal ni Thor ang ulo ko sa balikat niya.

Matapos ang dalawang oras na byahe sa himpapawid ay nakarating din kami sa wakas!

Wow! Kulay asul na dagat, rock formations at ang gaganda ng tanawin---

Natigilan ako nang ma-realized kong hindi bagay ang mga dala kong damit sa lugar na 'to

Bikini! Kailangan kong mag-bikini?! Lintek, hindi ko kakayanin!

A/N
Hahahahappy Reading!

Erich Gonzalez as PO3 Geronimo 🥰

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon