Chapter 14

2.3K 66 4
                                    

Chapter 14

Nililibot ko ang paningin sa kabuuan ng office niya. May bookshelf, tapos may mga miniature house at building! Wow! parang totoo, ang gaganda ng designs!

"Wow!" sabi ko habang pinagmamasdan ang mga display niyang miniature.

"These are Loki's collection." Gulat akong napatingin sa kanya.

Totoo? Gawa 'to ni Loki? Akalain mo nga naman! May talent pala siya, akala ko puro kalokohan lang ang alam.

"Ang gaganda!" sabi ko at mas nilapitan pa ang mga ito.

Bawat sulok ay detelyado

"He's an architect." Lumapit siya sa'kin at yumakap sa bewang ko.

"What are you doing here by the way?" tanong niya.

"Wala kasi akong pasok. Bawal ba? Pwede namang umuwi muna ako---" Nilapat niya ang daliri sa bibig ko. Natigil ako sa pagsasalita. Inis kong  inalis  ang daliri niya

"You can stay here.  Kumain ka na ba?" Umiling ako sa tanong niya.
Kaya pala gutom na ako
dahil lampas alas dose na.

"I'll just order then," sabi niya at nagpunta sa table nito

Ang namumuti kong labi ay unti-unti ring bumabalik. Dahil sa sobrang alat ng butong pakwan ay namuti ang labi ko!

Kaya pala hindi niya nasagot ang tawag ko dahil nasa drawer ang cellphone niya. Kung ano-ano ang narinig kong inorder niyang pagkain.

Gano'n na lang ba katakaw ang tingin niya sa'kin?

"Architect talaga si Loki?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yup. Unbelievable right?" sabi niya at tumawa.

"Ikaw?" tanong ko.

Wala pa akong alam sa kanya. Ilang linggo palang kami at hindi pa gaanong magkakakilala. Sagot kasi agad, e, Ray Ann!

"I'm an engineer," simpleng sagot niya.

"Hanep! Ang cool! Bakit 'yon ang kinuha niyo?" pagtatanong ko.
Engr. Thor Müller. Bagay na bagay!

"Why are you always mentioning Loki!" naka-kunot ang kilay na sabi niya.

"Ha? Hindi naman! Pero bakit nga 'yun ang course na kinuha mo?" Chance ko na para makapag-tanong ngayon.

"Mama wants to be an architect or engineer, but she decided not to study anymore para mas maalagaan kami," sabi niya.

Napatango ako. Gusto
na lang niya maging simpleng maybahay.

" Loki took architecture and I took engineering, we want to make her dreams come true, we want her to be happy." Napangiti ako sa kanya.

Sinong hindi magkakagusto sa lalaking grabe kung pahalagahan ang kanyang ina?

"Itong company, sa 'yo?" tanong ko.

"Me and Loki own this." Tumayo siya nang may kumatok.

Nandiyan na ang pagkain!

Tinulungan ko siyang ayusin ang pagkain sa mesa. May sala set din siya rito.

Foreign dishes ang inorder niya kaya hindi ako pamilyar.

Kumakain kami nang magtanong ulit ako. "Ilang taon ka na pala?, Saka anong birthday mo?" Ngayon ko lang na-realized na hindi ko pa alam ang edad niya.

"I'm turning twenty five this coming December one." Napatango ako.

"Malapit pala ang edad natin! Nag-twenty four ako no'ng April fourteen."

"I know," sabi niya at sumubo. Sumubo muna ako at
nagtanong ulit

"Anong birthday ni papa mo at ni Aurora? Saka si mama mo parang kapatid niyo lang." Mausisa na 'ko masyado.

"Birthday ni Papa sa October seven, si Mama sa August twenty three and Aurora's birthday is on September nine. Why are you asking?" tanong niya.

"Tataya ako sa lotto," sabi ko at tumawa.

Napailing siya. Ano tingin niya joke? Tatayaan ko talaga!

"Papa is already fifty five. He's
eleven years and eleven  months older than Mama." Nasamid ako nang marinig ang sinabi niya.

"Twelve years?" tanong ko na ikinatango niya.

Wow! Lampas isang dekada! Well age doesn't matter naman.

Matapos kumain ay nakigamit ako ng banyo niya. May bagong toothbrush kaya nangialam na 'ko.

Paglabas ko ay saka ko lang naalala ang tinuran ng babae kanina. Pang-ilan na raw ako na nagsabing girlfriend niya! Hindi ko papalampasin ito!

"Pang-ilang girlfriend mo na ako?" Gulat itong napatingin sa'kin namg bigla ko siyang lapitan at tanungin

"You're my first girlfriend---"

"Hindi ako naniniwala! 'Yung totoo!?" nakapamaywang ko ng sabi.

"Para sa'n ba yang tanong mo? You're my first ever girlfriend and that's the truth," mariin niyang sabi.

Talaga lang ha!

"Sabi ng babae kanina hindi lang ako ang gustong dumalaw sa 'yo, tapos pang-ilang beses na raw ako na nagsabing girlfriend mo 'ko." Tinaasan ko siya ng kilay

Bumuntong hininga siya at sumandal sa backrest ng swivel chair niya.

"Well yes. A lot of women came here, and they're always claiming that I'm their boyfriend," sagot niya.

"Siguro nakikipaglandian ka sa kanilang lahat kaya gano'n," mahinahon kong sabi pero sa loob-loob ko iba na!

"They were all in my past, okay?" Ngumiti ako sa sinabi niya.

Kahit na past pa yan! Ibig sabihin ay marami siyang naging babae kahit sabihin niyang hindi niya girlfriend!

"Ilan sila? Saka anong naging real score mo sa kanila?" nakangiti kong tanongm

Dahil baka kung magsungit ako ay mahalata niyang nagseselos. Teka nagseselos ako? Hindi kaya!

"Nine? I don't even remember! Hindi ako nagbibilang ng babae. Real score? We just ate outside! A simple dinner date like that." Nakakunot na ang noo niya

"A, hindi mo na maalala sa sobrang dami. Tell me, sino- sino sila?" kunwaring walang interes na sabi ko.

"Czarina Smith, Hailey Schiffer, Claudia Den, Sabrina, Naomi. I can't recall their names anymore," inis na niyang sagot.

Abah! Sinabi talaga niya! Naiinis na 'ko! Bwiset!

"Date lang talaga? Hindi kayo nag--- ahm...'yung a-ano..." Hindi ko matuloy-tuloy!

"Sex? Well sometimes---" Bigla itong natigil nang hampasin ko ang  table niya.

"May lamok. Grabe ang honest mo!" Sarkastiko akong tumawa. Kahit wala naman talagang lamok

"Because you're asking!" ganti nito sa'kin m

Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa kanya. Ako ang nagtanong 'di ba?

Haist! Napaka-nonsense

"Uuwi na ako," sabi ko at tinalikuran siya.

"Hey! Isthere any problem?" sabi niya pero hindi ko na pinansin.

Lalabas na sana ako nang hilain niya ang kamay ko at i-corner sa may pinto. Napatitig ako sa kanya. Seryosong-seryoso ito habang nakatitig nang mariin sa'kin.

Nagulat ako nang bigla niya akong hapitin at sinibasib ng halik.

A/N

Hahahahappy Reading!

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon