Chapter 9
Kinakabahan ako. Kakasagot ko lang sa kaniya-ay, hindi ko pala siya sinagot dahil siya na ang nag- decide, wala naman akong choice.
Sabi niya sa bahay nila ibig sabihin ay nando'n ang pamilya niya... nakakahiya! Gabi na tapos ganito pa ang itsura ko. Dugyutin!
Ano na lang ang iisipin nila sa akin? Baka isipin nila kaladkarin ako dahil gabing-gabi na ta's dadalin niya ako sa kanila.
"Thor! Hatid mo na lang ako sa bahay, gabi na baka kung---" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang sumabat siya.
"You will sleep in our house tonight. Don't worry about them." Napatikom ang bibig ko sa sinabi niya.
Do'n ako matutulog, magkatabi kaya kami? Pero kasi...hindi pa ko ready! Haist ano ba 'yang iniisip mo, Ray Ann! Tulog lang ang gagawin niyo!
May binigay siyang wet wipes kaya agad kong nilinis ang mukha ko. Pati sugat ay pinunasan ko na...gasgas lang naman kasi.
Pisil-pisil ko ang daliri sa buong byahe dahil sa kaba. Parang sinisilaban ang tyan ko.
Napatingin ako sa kaniya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at pisil-pisilin, hindi na niya binitawan ito hanggang makarating kami sa kanila.
Pinagbuksan niya ako ng pinto. Ang gentleman ng boyfriend ko, kinilig ako bigla.
Pagkababa ay napanganga ako. ang laki! Ang ganda! Hindi lang ito simpleng bahay dahil mansyon na ito!
Edi sobrang yaman pala nila?! Ray Ann, nakakahiya! Ugh!
Hindi ako maka hakbang kaya pumwesto ito sa harap ko at humawak sa bewang ko.
"Come on. They will surely like you." Napangiti ako sa sinabi niya.
Kahit seryoso ito sa pagsasalita ay kita ko ang kinang sa abuhin niyang mga mata.
Alanganing tumango ako."Uy!" gulat kong sabi nang bigla niya akong halikan nang mabilisan.
Pakiramdam ko ang lahat ng dugo ko ay napunta na sa mukha ko. Tinakpan ko ang labi na siyang kinangisi niya.
Narinig ko ang mahina niyang tawa na siyang nagpabilis sa tibok ng malandi kong puso.
Humawak siya sa gilid ng bewang ko at nagsimulang humakbang kaya napasabay na ako.
Pagpasok sa loob ay mas lalo akong namangha, ang bawat sulok ay sobrang ganda!
Unang bumungad sa akin ang sala. Kita ko ang babaeng nakatalikod sa akin. Nakaupo siya at tutok na tutok sa panoood ng cartoon sa fifty five inches nilang tv. Sa pagkakatanda ko ay 'Loud House' ang pamagat.
Mula sa kusina ay may lumabas na isa pang babae at may nakalingkis dito. Teka, si Loki?
At may sumunod na isang around forty or something na lalaki, may hawak siyang tray na may lamang cookies.
Kamukhang-kamukha ni Thor 'yung lalaki! Ito na ba ang papa nila? Lintek! Ang gwapo! Anong sinabi ni Superman sa kaniya! At 'yung babae naman....ay shet! Mukhang dyosa! Kapatid din kaya nila?
Nasa'n ang mama nila?Pa'no kung parang sa pelikula na masungit ang nanay ng bidang lalaki kasi nga mayaman sila. Paano kung api-apihin ako? Pa'no kung-
"Hey, relax," bulong ni Thor sa akin.
Nanginginig na pala ang mga kamay ko at nanlalamig pa sila, ramdam niya siguro ang kaba ko.
Hindi pa nila kami napapansin dahil sa lawak ng bahay nila, nakamata ako sa bawat kilos nila.
"Loki! Kanina kapa nakalingkis! Akala mo madadagdagan ang cookies mo dahil dikit ka nang dikit?!" sabi ng babae kay Loki.
Napatulala ako sa nakikita. Nagpapabebe si Loki!
"Na-miss lang kita, Ma!" malambing na sabi ni Loki.
Ma? Mama nila 'yung babae? Wow! Just wow! Parang kapatid lang nila!
"Ma! Si Kuya Loki nakita ko may dinala na namang babae sa condo niya!" sigaw ng babaeng nanonood sa sala.
Bigla siyang napalingon sa amin--- si Aurora!
"Kuya Thor!Hi!" Mula sa pagkakaupo ay agad lumapit sa amin si Aurora.
Dahil sa sigaw nito ay napatingin sa amin ang iba.Agad siyang lumingkis sa isang braso ni Thor at sumilip sa akin kaya ilang na napangiti ako.
"Hi!" ngiting-ngiti na bati ni Aurora sa akin.
"H-hello," alanganing sabi ko.
"Thor! Who's this pretty
Lady?" nakangiting sabi ng mama nila."My girlfriend," simpleng sagot niya na kinatili ng dalawang babae
"Kyah!" napatalon pa sila.
Agad silang lumapit sa akin at pumwesto sa kabilaang braso ko at bahagya akong inilayo kay Thor."Finally!" Tumawa nang malakas si Loki at agad umakbay kay Thor.
Napatingin ako sa papa nila na seryoso ngunit bigla itong napangiti dahilan nang pagbawas ng kabang nararamdaman ko.
Inakay ako ni Aurora at ng mama nila sa sofa, naka-on pa rin ang tv pero nasa 'kin ang atensyon ng dalawa.
Napatingin ako kay Thor at nakita kong sinasakal na niya sa kaniyang braso si Loki na panay ang tawa.
Ang daddy naman nila ay panay ang kain ng cookies.
Cookies? Ba't ba ang hilig nila sa cookies?"So...Ate?" napunta ang tingin ko kay Aurora.
"Ahm...Ray Ann." Natawa ako nang bigla siyang lumapit sa akin at pinakatitigan ako.
"You're a police officer! Wow, you're so astig!" napa-palakpak pang sabi ni Aurora.
Naiilang na ngumiti ako."Ang baby Thor ko, binata na," sabi ng mama nila. Ang ganda-ganda talaga niya. Ilang taon na kaya siya? Dahil parang kapatid lang niya ang kanyang mga anak
"Ma! Matagal na siyang binata si Kuya Loki lang ang hindi!" Napa-irap pa si Aurora pero kahit ano yatang gawin niya ay maganda pa rin siya.
"Ate Ray Ann! Kailan pa naging kayo?" Nakaabang sila sa sagot ko.
"Kanina lang," sagot ko.
Napasinghap sila with matching hawak pa sa bibig. Ba't parang gulat na gulat naman sila?
"Halla! Ang bilis ng baby ko!" sabi ng mama nila.
"Tapos na kaming mag-dinner kasi kaya hindi na namin kayo masasabayan. Ang sabi kasi ni Thor hindi siya makakauwi!" nakasimangot na sabi ng mama nila.
"Ayos lang po, Tita-"Natigil ako.
"Ay! Call me Mama Diana or just Mama." Napangiti ako nang hawiin niya ang buhok ko.
"Opo-M-mama," sabi ko na kinangiti na.
"I have ate now! Finally!" masayang sabi ni Aurora.
Para akong nakikipag-usap sa mga manika, nakakahiya dahil humarap ako sa kanila ng ganto ang itsura.
Sabay-sabay kaming napatingin sa mga lalaki na naiwan sa may pinto.
Napamaang ako nag parang ninja na nakarating duon si Aurora at naki-agaw ng cookies.
"Kuya Loki! You're so madaya! Kinuha mo na lahat!" napapadyak pa si Aurora.
Naguguluhang napatingin ako sa apat. Seriously?!
"Pa! I only have one left!" reklamo ni Loki nang kunin ng Papa nila ang hawak niyang cookies at ibigay kay Aurora.
Natawa ako namg belatan ni Aurora ang kuya niya at agad kumapit sa papa nila para hindi na mabawi pa ni Loki ang kinuhang cookies sa kanya.
Ano ba talagang meron sa cookies?!
Si Mama Diana ay napapailing ngunit kita ang saya sa mukha niya---ang saya ng pamilya nila sana ganito rin kami ang pamilya. ko
A/N
Ano nga bang meron sa cookies????
Hahahahappy Reading!
BINABASA MO ANG
Kiss Me, Officer
RomanceSynopsis A lovely and sexy Police Officer, Ray Ann Geronimo caught the heart of a man who is cold as ice, hard as rock and a man of a few words. Thor Müller is a cold-hearted man, he has the presence that can make you uncomfortable, the authority...