Chapter 16
Bawat dampi ko ng cold compress ay ako ang napapangiwi samantalang siya ay nakatitig lang sa akin.
Nadungisan tuloy ang gwapo niyang mukha. Namumula ang paligid ng ilong niya, sana ay hindi ito mangitim kinabukasan.
Tinakpan ko ng band-aid ang maliit na cut sa ilong nito. Ang butas ng ilong niya ay may natuyo pang dugo kaya nilinis ko ito ng cotton buds.
Nasa convenience store kami ngayon at dito ko siya ginagamot. Bumili na rin ako ng extra big cup noddles, footlong at tubig dahil hapunan na at siguradong gutom na ito ngayon.
Kanina niya pa ako hindi iniimik kaya nakokonsensya na ako."Uy, sorry na?" Sinilip ko pa ang mukha niyang nakayuko.
Hindi niya ako pinansin at kumagat lang sa footlong na hawak niya.
Wala talaga siyang balak pumansin?
"Babe ko, sorry na. Hmm? 'Wag na ikaw galit, ha?" pangbe-baby talk ko sa kanya.
Baka kailangan kong lambingan pa para pansinin niya ako.
Biglang siyang tumagilid sa akin at kumagat ulit sa footlong. Halla! Hindi effective?
"Pansin mo na ako, please? Babe?? san masakit iki-kiss ko?" mas nilambingan ko pa ang boses ko.
Wala na akong paki kung para na kaming teenagers na may love quarrel.
Bigla siyang tumingin at tinuro ang pisnge niya pero seryoso pa rin ito.
Napangiti ako at hinalikan ang pisnge niya. Tinuro din niya ang ilong niya kaya hinalikan ko rin ito pero nang ituro niya labi ay natigilan ako.
"Abuso ka, pero sige!" sabi ko at hinalikan ang labi niya nang paulit-ulit.
Tumigil ako at nginitian siya. Mas lumapad ang ngiti ko nang makitang pigil niya ang ngiti. Ayos! madali lang lambingin!
Lumabas ang ngiti niya at tumawa nang mahina.
"I just can't believe that you put this thing on my face," sabi niya at tumingin sa napkin na nasa tabi ko.
"Nataranta ako, e, kaya hindi na 'ko nakapag-isip," naiilang na sabi ko.
Nahihiya ako sa ginawa
ko. Ba't kasi 'yun ang naisipan mo, Ray Ann! Napakabobo ko rin minsan!"Ba't kasi may pa-mysterious ka pang nalalaman!" galit na sabi ko.
Hindi siya nakasagot.Siya 'yung stalker ko at ang nagnakaw ng unang halik ko tapos tumabi pa siya sa'kin no'n!
"Hoy, Thor! Stalker ka! Ninakaw mo ang unang halik ko, tapos pumasok ka pa sa kwarto ko!" Dinuro ko siya at pinagpapalo.
Paulit-ulit ko siyang hinampas at nang mapagod ay tumigil ako.
"Ano? Sagot!" galit kong sabi.
"Thor? Where's the babe? Kanina lang sorry ka nang sorry tapos nanlalambing ka pa!" sabi niya at umilag sa palo ko.
"Dahil naalala ko 'yung mga ginawa mo!" Pinanlisikan ko pa siya ng mata.
"Are you bipolar or something? Ang sadista mo!" natatawa niyang sabi.
"Ba't ba ginawa mo 'yun? Tinakot mo 'ko!" Dahil talagang natakot ako no'n
"I'm sorry. Hindi ko alam kung paano ka lalapitan noon," sabi niya at kumuha ng tissue tapos ay pinunas sa gilid ng labi ko.
Natigilan ako. Ano raw? Sa simpleng gesture niya lang ay kinikilig na ako!
Tumikhim ako at kumagat na lang sa footlong para hindi niya makita ang pagngiti ko.
BINABASA MO ANG
Kiss Me, Officer
Roman d'amourSynopsis A lovely and sexy Police Officer, Ray Ann Geronimo caught the heart of a man who is cold as ice, hard as rock and a man of a few words. Thor Müller is a cold-hearted man, he has the presence that can make you uncomfortable, the authority...