Warning‼️
SPG ALERT🥬Epilogue
Halos hindi na pumasok sa trabaho si Thor mabantayan lang ako, 'kaunting hintay nalang ay makikita kana namin anak'
Hindi na ako makapaghintay, excited ako and at the same time ay natatakot dahil masakit raw manganak pero kakayanin ko!
Hirap na ako sa pagkilos dahil kabwanan ko na ngayon, kasama namin si Mommy sa bahay upang may makasama ako, Mula ng malaman kong buntis na ako ay hindi na ako ginalaw ni Thor...siguro ay sinunod niya ang utos kong magkamay muna, wag lang siyang maghanap ng ibang babae kundi puputulan ko talaga siya!
"Ang sakit ng balakang ko" nakasimangot kong sabi kay Thor
"I-massage ko?" Umiling ako sa suhestiyon niya...gabi-gabi niya akong minamasahe
Hindi na namin inalam ang gender ng baby namin para surprise daw sabi niya, inaasahan niyang kambal dahil malaki raw ang tyan ko ngunit pakiramdam ko ay isa lang.
"Ang sakit rin ng tyan ko" sa sobrang sakit ay hindi ko mapigilang napahikbi
"Wait!--ohh God! don't cry" nataranta siya at inalalayan ako
Habang naglalakad kami ay may lumabas saaking tubig--hindi naman ako naiihi? sa paglabas ng tubig na iyon ay mas lalong humilab ang tyan ko
"Thor!---manganganak na yata ako!" sa sinabi ko ay mas lalo siya nataranta
Kahit hindi naman mainit ay tagaktak ang pawis niya, binuhat niya ako saka lumapit sa kwarto ni Mommy
"Mommy! Please open the door! manganganak na--" hindi na natapos ni Thor ang sasabihin ng lumabas si Mommy--nagulat siya ng makitang nasasaktan ako
"Tara na sa hospital!" sigaw ko dahil pakiramdam ko lalabas na talaga
Kahit natataranta ay maingat siya sa paghakbang hanggang sa makarating kami sa sasakyan, panay ang busina niya sa mga nasa harap--ilang minuto lang ay ligtas kaming nakarating sa hospital
Sinakay nila ako sa stretcher at maingat na dinala sa delivery room dahil palabas na ang ulo ng bata
"Ang sakit!" napasigaw ako sa sobrang sakit ng hilab ng tyan ko, hindi ko na alam kung saan ang masakit, balakang, tyan, likod at pagkababae ko ay sobrang sakit!
"I will go with my wife!" hindi pa umaalis sa tabi ko si Thor at nakahawak lang sa tyan ko
"Sir, wag na po" hindi sumunod si Thor sa sinabi ng nurse kaya ako na ang nagutos na maiwan na siya
"No! sasama ako!" wala ng nagawa ang nurse lalo ng sumigaw ako sa sakit
"Ang sakit!, natatakot ako Thor" mabibigat ang bawat paghinga ko,
"Shhh--- I'm here don't be scared" hinalikan niya ako sa noo at humawak sa palad ko
Pumasok ang midwife at nagulat pa siya ng makita si Thor sa tabi ko, hindi siya nagkumento tungkol dito bagkus ay napangiti pa siya
Naglagay siya ng face mask at gloves, pumasok rin ang tatlong nurse upang alalayan siya, bahagya akong nahiya ng alisin nila ang damit ko at palitan ng maluwag na hospital gown... ramdam ko ang pagpasok ng daliri niya sa pagkababae ko
"Ok Misis!,hinga ng malalim at pagsinabi kong push--iire mo okey?" tumango nalang ako sa sinabi niya, tagaktak ang pawis ko at pinunasan iyon ni Thor
"Ahh!" hindi ko mapigilang mapasigaw ng umire ako
Hindi ko alam saan ibabaling ang ulo ko sa sakit, ang kamay ni Thor na nakahawak saakin ay nakagat ko pa ngunit hindi siya dumaing, hinablot ko rin ang damit niya---narinig ko pa ang tunog ng pagkapunit, nasabunutan ko rin siya...hindi siya umangal at tiniis lahat ng ginagawa ko sakanya
BINABASA MO ANG
Kiss Me, Officer
RomanceSynopsis A lovely and sexy Police Officer, Ray Ann Geronimo caught the heart of a man who is cold as ice, hard as rock and a man of a few words. Thor Müller is a cold-hearted man, he has the presence that can make you uncomfortable, the authority...