Chapter 22

2.2K 58 1
                                    

Chapter 22

Bawat hakbang ni Thor ay halata ang diin.

"Vhakla, nakakatakot siya pero ang hot," bulong niya sa'kin.

"Magtigil ka, akin 'yan," ganting bulong ko sa kan'ya.

Mabilis siyang nakarating sa 'min at agad akong hinila.

Tahimik niya akong binalot ng t'walya. Hawak niya ako sa braso at akmang lalakad nang magsalita si Macario.

"I presume that you're Ray Ann's boyfriend," nakangiting sabi ni Macario. Lalaking-lalaki ang boses ng bakla!

Hindi sumagot si Thor kaya ako na ang nagsalita.

"Yup. Si Thor boyfriend ko. Thor this is Macario Garrido, kaibigan ko no'ng high school," pagpapakilala ko sa kan'ya.

"Nice to meet you, Pare!" masiglang sabi ni Macario. Aba! Nilaliman pa ang boses!

Nilahad niya ang palad ngunit tinitigan lang ito ni Thor kaya ako na ang nakipag- handshake.

Awkward akong tumawa upang mapagaan ang atmosphere dahil ang diin ng titig ni Thor sa kamay namin kung kaya't inalis ko agad.

"I'm not glad to meet you." Mabilis akong napalingon kay Thor sa sinabi niya.

Palihim ko siyang kinurot sa tagiliran ngunit parang wala lang sa kaniya.

Humawak ito sa bewang ko kaya sapilitan akong naglakad palayo kay Macario.  I mouthed sorry na agad niyang tinanguan.

Pagkarating sa sun lounger namin ay pabagsak itong umupo at kunot na kunot ang noo, ang kilay ay halos magsalubong na.

Napatingin ako kay Macario. May nakapalibot sa kan'yang tatlong babae.

Natawa ako nang ilang siyang ngumingiti sa tuwing hahaplusin siya ng mga ito.

"Do you like him?" Napalingon ako kay Thor nang magsalita siya.

Ano raw? Si Macario ba?

"Hindi. Ano ka ba naman! Ang rude mo kanina," medyo galit ang tonong sabi ko.

Hindi niya pinakisamahan nang maayos kahit nakipagkamay lang sana.

"You like him," seryosong sabi niya.

"Hindi nga! Friends kami no'ng high school saka ba---" Natigil ako nang marahas niyang pinunasan ang buhok niya.

"You befriended with a man?! Ang daming babae d'yan! He even looked at you from head to toe! Hindi na dapat kita hinayaang mag-suot ng gan'yan!" galit na niyang sabi.

"Ano bang problema mo?! Hindi lang naman ako ang nakasuot ng ganito! Ba't bawal na ba akong makipagkaibigan sa lalaki? May batas bang nagsasabi?!" nakapamaywang ko ng sabi.

Napailing siya at hanggang ngayon ay salubong pa rin ang kilay niya.

"Magpalit ka na. A lot of men are looking at you. I don't want to break bones right now," nakapikit niyang sabi.

"Ha!" malakas akong huminga.

"Go now! Baka hindi ako makapagpigil at ano pang magawa ko sa 'yo" mahinang sabi niya.

Dahil magdidilim na rin ay lumalamig na .

Agad akong umalis at naligo, hindi ko na rin makita ang iba siguro ay nagsiligo na rin.

Napahawak ako sa noo ng maalalang nakalimutan kong magdala ng isususuot ko.

Lumabas ako nang nakatapis lang. Busy ako sa paghahalungkat ng damit nang may yumakap sa likuran ko.

"Thor!" gulat kong sabi.

Humigpit ang hawak ko sa t'walya dahil baka mahulog.

Napaigtad ako nang dahan-dahan niyang halikan ang lantad kong balikat, napalingon ako sa kan'ya at agad nitong hinuli ang labi ko.

Unti-unti akong napaharap sa kaniya at sinagot ang bawat halik nito, napakapit ako sa leeg niya at siya naman sa bewang ko.

Napaungol ako nang dahan-dahang dumausdos ang kamay niya sa hita ko, hinaplos niya ito at pinanggigilan.

Parang may naglulumikot sa t'yan ko at hindi ako mapakali.

Ramdam ko ang namumukol niyang harap. Nadadarang ako sa binibigay niyang init.

Ang halik niya ay bumaba sa leeg ko, napasinghap ako nang kagatin niya ang balat sa may collar bone ko.

Unti-unting bumaba ang halik niya hanggang sa puno ng dibdib ko, ang kamay niya ay dahan-dahang pumapasok sa loob ng tapis ko at akmang hahawakan niya ang akin ay saktong may kumatok.

Hinugot niya ang kamay sa loob at humawak sa pisnge ko at mas diniinan pa ang halik.

"May kumakatok," pagpigil ko sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin at humawak pa sa p'wetan ko saka ako binuhat kaya napapulupot ang binti ko sa bewang niya.

Patuloy sa pagkatok ang kung sino kaya nabahala ako

"Hmm---" Nakulong sa bibig ko ang salitang sasabihin ko sana.

Akmang itataas niya ang t'walyang suot ko nang pigilan ko siya.

"S-stop!" mahinang pigil ko.

Bumaba ako sa buhat niya at inayos ang tapis kong mahuhulog na.

"I'm gonna kill that d*mbass!" Galit siyang tumungo sa pinto at nang pagbukas niya ay wala ng tao.

"Godd*mnit!" malutong na mura niya.

Napailing ako at mabilis na nagbihis, pagharap niya ay napasabunot siya sa sariling buhok.

"Now I need a cold shower." Natawa ako nang mabilis siyang pumasok sa banyo matapos niya akong makitang nakabihis na.

Paglabas ko ng kwarto ay nakita kong  tatawa-tawa mag-isa si Loki.

Tumatakbong lumapit sa akin si Aurora.

"May fire dance raw mamaya! Tara magbihis," sabi niya at kahit hindi pa ako nakakasagot ay napasunod na ako sa kaniya.

Natutulala ako kakaisip sa nangyari kanina, siguro kung walang kumatok ay baka kung saan kami nakarating.


A/N

Hahahahappy Reading!

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon