Chapter 39
Nasa trabaho ako nang lumapit si PO2 Gadiano, napalayo ako sa kaniya nang maamoy ko ang pabango niya—masakit sa ilong.
"Ang tapang ng pabango mo," sabi ko at nagtakip sa ilong.
"Ha?" Pagtataka nito. "Dati ko na itong gamit, pero ngayon mo lang sinabi 'yan." Nagkibit-balikat ako sa sinabi niya.
Naglakad-lakad ako at isa-isang binisita ang mga selda, naaawa ako sa mga nakakulong, kung sana nagpakatino sila ay wala sila ngayon dito.
Inantok ako bigla kaya bumalik ako sa table ko at dumukdok, tapos naman na ang dapat kong trabahuhin kaya itutulog ko muna.
Nagising ako nang may yumugyog sa akin."Hoy! Gising na. Sh*ta ang haba ng tulog mo. Out mo na." Pupungas-pungas na tinignan ko si Gemma.
Sa lahat ng babaeng pulis na kasama namin dito ay siya lang ang pinaka-close ko. Inayos ko ang gamit at lumabas na.
Pagkalabas ko ay tanaw ko kaagad si Thor, parang hindi ko na boyfriend 'to, e...driver ko na 'ata.
Tamad na tamad akong umupo sa passenger seat. "Are you free on Sunday?" tanong niya sa akin.
"Oo, wala 'kong pasok. Bakit?" Hundi ko siya tiningnan at sinandal ang ulo sa bintana.
"We're going somewhere." Tumango na lang ako at hindi na nagtanong pa.
Hinatid niya ako hanggang sa kanto, ilang minuto pa bago ako nakababa dahil panay yakap at halik nito.
Pagpasok ko palang sa loob ng bahay ay ang matinis na boses agad ni Nala ang nabungaran ko.
"How could you do that to me?!" Galit niya akong dinuro.
"Ano na naman 'to, Nala?!" bagot kong sagot sa kaniya.
"Alam mong gusto ko siya, pero ano? Nilandi mo pa! Ahh! I hate you!" Nagpapadyak siya at sumigaw.
"Limang buwan ko na siyang boyfriend, at ano naman ngayon kung gusto mo siya? Grow up, Nala! Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo." Lalampasan ko na sana siya nang sabunutan niya ako.
"F*ck you, bitch!" Ramdam ko ang pagbaon ng matutulis niyang kuko sa braso ko.
"Tumigil ka na, Nala!" Buong lakas ko siyang tinulak. Mahapdi ang braso at anit ko ngunit hindi ko ininda.
"Sumusobra ka na. Matagal na kitang pinagbibigyan!" Mabilis akong nakalapit sa kaniya at pinagsasampal ito.
Akmang susuntukin ko siya nang may pumigil sa akin.
"Stop what you two are doing!" Dumagundong ang malakas na boses ni Daddy.
"O my God! Anak are you okay?" Mabilis na lumapit si Mommy kay Nala
"Hindi ako okay! Minsan na nga lang ako nagkagusto, tapos napunta pa kay Ray Ann! I want Thor to be mine, Mommy! Daddy, please! Gawan mo ng paraan. Girlfriend niya si Ray Ann at hindi ko iyon matatanggap! Mamamatay ako, Daddy, mamamatay ako!" Napasalampak si Nala sa sahig at lumuhod kay Daddy.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Gano'n na lang ba siya kadesperada? Na pati ang lalaking mahal ko ay gustong angkinin?!
"Tumayo ka!" Mabilis na tumayo si Nala at yumakap kay Mommy.
"Break up with him, Ray Ann." Gulat akong bumaling kay Daddy.
"Ha? Gusto niyong makipaghiwalay ako sa kaniya at ano?!" Tumawa ako ng sarkastiko.
Unbelievable! Ba't may ganitong magulang? Napaka-unfair ng mundo dahil sa dinami-dami ng tao ay sila pa ang naging magulang ko.
"Huwag kang madamot, Ray Ann! Lalaki lang 'yan! She's your sister—matuto kang magpaubaya, and I already fixed you marriage with Mr. Chen." Napaatras ako sa sinabi niya.
"Wow! Buhay ko pa ba 'to, Dad? Sa buong buhay ko, lahat ng utos niyo sinunod ko, kahit na labag sa kalooban ko! But not this time...ako naman—ako naman ang magdedisisyon para sa buhay ko! Mula pagkabata iba ang turing niyo sa akin, tapos 'yung isang taong dahilan ng kasiyahan ko ngayon gusto niyo ring kunin? Dad, tirahan niyo naman po ako!" Pinigil ko ang pag-iyak upang masabi ko ang lahat ng gusto ko.
Ang sakit sa dibdib, pagod na 'ko, pagod na akong intindihin sila. Tinalikuran ko sila at akmang aakyat nang magsalita si Daddy.
"Don't try me, Ray Ann! I can do unbelievable things! Hiwalayan mo siya, o ako ang gagawa ng paraan upang maghiwalay kayo?!" Bumuntong-hininga ako ngunit hindi na sila hinarap pa at tuluyang umakyat.
Natigilan ako nang maalala ang sikretong k'warto, naglakad ako sa dulo ng pasilyo ngunit wala akong pinto na makita, saan dumaan si Daddy? Bakit may bintana sa likod ngunit walang pinto?
Kinatok-katok ko ang pader at nang madako ang kamay ko sa dulo, katabi ng portrait naming pamilya ay kinutuban ako. Babalik ako dahil hindi ko mapapasok ito ngayon.
Maluwag sa damdamin na nasabi ko ang hinanakit ko at masaya ako dahil kinaya kong suwayin si Daddy ngayon.
Nag-impake ako at nang lalabas na ako ay naalala ko ang kahon. Bw*set! Ba't nakalimutan ko ang tungkol do'n?
Frustrated akong nagkamot at inalala kung saan ko nilagay. !Nailabas ko na ang lahat ng damit ko ngunit wala ito sa wardrobe ko, wala rin sa drawer ko pati sa kama wala!
Sa inis ko ay sinipa ko ang bag ko sa lakas nito ay napailalim siya sa kama, yumukyok ako at inis na kinuha ito.
Nadako ang tingin ko sa pinakadulo ng kama. Ang kahon! Nakita ko rin sa wakas!
Mabilis akong gumapang palapit. Niyakap ko ito at agad na nilagay sa bag. Kahit anong mangyari ay hindi ko hihiwalayan si Thor at hindi ako magpapakasal sa Mr. Chen na 'yan, dapat ay si Nala ang ipakasal at hindi ako.
A/N
Thanks for reading!

BINABASA MO ANG
Kiss Me, Officer
RomanceSynopsis A lovely and sexy Police Officer, Ray Ann Geronimo caught the heart of a man who is cold as ice, hard as rock and a man of a few words. Thor Müller is a cold-hearted man, he has the presence that can make you uncomfortable, the authority...