Chapter 13
Habang naghuhugas ako ng pinagkainan ay mahina akong kumakanta. May dumating na magandang balita. Grabe ang saya ko!
"Saya natin, ahh?" sarkatikong tinig ni Nala ang narinig ko.
Hindi ko siya pinansin dahil ayokong masira ang mood ko. Gusto kong ibalita sa mga magulang namin at hindi sa kanya.
Nang hindi ko siya pansinin ay padabog itong nagbukas ng ref. Psh! Bahala siyang mainis.
Pagtapos kong maghugas ay saktong pababa ng hagdan si Daddy, nag-aayos ito ng neck tie at nagmamadaling bumaba.
"Dad!" agaw pansin ko sa kanya.
Lumingon naman siya kaya agad-agad akong lumapit sa dulo ng hagdan para abangan ito.
"Mapo-promote po ako, Dad! Magiging si PO3 Geronimo na ako!" proud kong sabi.
"Congrats! Good for you," simpleng sagot niya at nilagpasan ako.
Nagtuloy-tuloy siya sa paglabas hanggang sa narinig ko ang ugong nagsasakyan. Napangiti ako nang mapait. Grabe! Ang priceless ng reaction ni Daddy!
Congratulations, Ray Ann, piping usal ko sa isip.
Mukhang ako na lang ang magku-congratulate sa sarili ko. Kahit tipid na ngiti lang hindi niya binigay o kahit tapik lang sa balikat ko.
Pagharap ko ay ang nakangising si Nala ang nakita ko. Rumampa pa siya sa harap ko habang may hawak na juice. Binangga niya ang balikat ko at humahalakhak na umakyat.
Nakita ko si Mommy sa sala na nagpapa-manicure. Siguro ay nahihiya na siyang magpunta sa salon dahil nandon ang mga Amiga niya. Naibenta na kasi niya ang lahat ng collection niyang bag at alahas.
Alam kong narinig niya ang sinabi ko tungkol sa promotion ko pero patuloy lang siya sa pagbabasa ng magazine.
Kung hindi nila ma- appreciate ang promotion ko. Sana kay Thor maramdaman ko ang hinahanap ko sa pamilya ko. Teka, puntahan ko kaya siya?
Tama! Dahil wala naman akong pasok, pupuntahan ko na lang siya para hindi siya ang laging pumupunta sa 'kin.
Dali-dali akong naligo. Hirap ako sa pagpili ng susuotin. Ano ba dapat? Dress? O simpleng t-shirt at pants nalang kaya? Haist!
Bandang huli ay plain black dress din ang napili ko. Sleeveless ito at umabot sa itaas ng tuhod. Pinarisan ko ito ng flat sandals.
Nilugay ko ang buhok, nag-pulbos at at nag-spray ng pabango, and ready na!
Tinawagan ko siya pero nagri-ring lang kaya nag-text na lang ako na pupuntahan ko siya.
Sandali! Hindi ko pa alam kung nasan siya! Ang bobo, Ray Ann! Buti na lang ay may number ako ni Aurora.
Agad niyang nasagot ang tawag ko kaya nakahinga ako namg maluwag
Nasa trabaho pala siya. Tutuloy pa kaya ako? Pero sige! Tuloy ang plano!
Pumara ako ng taxi pagkalabas ko sa kanto. Ang bahay namin ay nasa kilalang village, pero dahil wala na kaming sasakyan ay dumaan ako sa shortcut, may eskinita at kanto pang madadaanan.
Pagkababa ko ay namangha ako. labas palang ng building niya ang ganda na!
Aurora's Construction Company, pagbasa ko sa malaking sulat sa taas.
Aurora? Pinangalan nila sa bunso nila ang company nila, ang swerte naman ni Aurora.
Nginitian ko ang security guard at gano'n din ito sa akin. Pagkarating ko sa information desk ay agad akong nagtanong.
"Good day! Nand'yan ba si Thor?" nakangiting tanong ko.
"Thor? Ahh, si Boss?" nakangiting tanong niya pero kita kong plastic.
Tumango na lang ako"May appointment po ba kayo? Mr. Müller is in the conference room right now, may meeting siya," sabi ng babae sa akin.
"Wala, eh. Pero kilala niya ako---" Natigil ako nang magsalita siya.
"Nako, Miss! Pang-ilang beses ka na na nagsabi niyan! I'm sorry but we can't let you in," mahinhin pa niyang sabi.
Ano daw?! Pang-ilang beses na ako?
"Girlfriend niya ako, Ray Ann Geronimo." Nainis ako nang bahagya siyang tumawa.
Pati ang janitor sa gilid at ang mga kasama niya ay natawa. Anong nakakatawa?
"Lumang linyahan na 'yan ng mga babaeng naghahabol sa kan'ya." Napamaang ako sa sinabi niya. Ako naghahabol? Tss! Bibisitahin ko lang naman siya!
"Kasi---" Namumuro na tong babaeng 'to sa kapuputol sa 'kin!
"Sorry, Miss. Kami kasi ang mapapagalitan." Kita ko rin ang kaba sa mukha niya. Napahinga ako nang malalim at tumango.
"Hihintayin ko na lang siyang lumabas." Ngumiti ito sa akin. Tumalikod ako at umupo sa may waiting area.
Lumapit sa akin ang guard at inalukan ako ng butong pakwan.
"Naku, 'wag na po!" tanggi ko."Matatagalan pa 'yun sigurado. Para 'di ka naman ma-boring." Kahit nahihiya ay tinanggap ko na lang ang binibigay niya.
"Salamat po," pagpapasalamat ko.
Lumipas ang sampung minuto, hanggang sa naging kalahating oras na! Ba't ang tagal!?
Ang plastic cup na puno ng butong pakwan ay mauubos ko na!
Lumipas pa ang bente minuto at naubos na nga ang kinakain ko--- ang alat! Kasi nakaka-adik 'pag babalatan ko at kakainin kahit maalat.
Uuwi na muna yata ako. Inayos ko ang pinagkainan ko para makaalis na ako. Baka talagang busy siya...
"Sir! Someone is waiting for you!" Napalingon ako sa babaeng kausap ko kanina nang magsalita siya. Nandyan na siya? Sa wakas!
"I don't f*cking care about that someone," seryosong sabi niya.
Biglang natikom ang labi ng babae sa information desk.
"Sir, according to her, she's your girlfriend," dagdag ng babae.
Tumayo ako at humalukipkip. Wala siyang paki sa akin gano'n?
"If it just another bitch---" Natigil si Thor nang sumabat ako.
"Thor," seryosong sabi ko. Nang lumingon siya sa akin ay unti-unting nawala ang pagkakunot ng noo niya.
"Hey, you're here?!" biglang sabi niya at lumapit sa akin.
"Ang tagal mo," nakabusangot na sagot ko.
"What happened to your lips?" natatawa niyang sabi. Napahawak ako sa labi. Pakiramdam ko ay nangangapal ito.
Napatingin siya sa hawak-hawak kong cup. Napatango ito tapos ay ngumisi.
"Ha?" naguguluhan na tanong ko.
Kinuha niya ang cellphone ng babae sa information desk at tinapat sa labi kom Teka ba't ganito? Ba't walang kulay ang labi ko?
As in wala! Para akong patay na nakamulat dahil sa puti ng labi ko.
"See?" sabi niya at tumawa. Napatakip ako sa labi. Nakakahiya! Patuloy ito sa pagtawa kaya pinalo ko ito. Grabe makatawa!
Bigla akong napalingon sa janitor nang nabitawan niya ang hawak na map. Palipat-lipat ang titig ito kay Thor at sa akin.
Hindi lang pala ang janitor ang nakatingin. Lahat ng empleyado ay parang hindi makapaniwala na nakatingin sa amin.
Problema nila? Siguro ay napapangitan sila sa 'kin dahil sa labi ko?!
A/N
Hahahahappy Reading!
BINABASA MO ANG
Kiss Me, Officer
Roman d'amourSynopsis A lovely and sexy Police Officer, Ray Ann Geronimo caught the heart of a man who is cold as ice, hard as rock and a man of a few words. Thor Müller is a cold-hearted man, he has the presence that can make you uncomfortable, the authority...