Chapter 29

2.1K 53 2
                                        

Chapter 29

Hindi ako mapakali, panay ang ikot ko sa kwarto ko dahil wala akong maisuot.....plain shirts, pants at sweater lang ang laman ng wardrobe ko!

Ang mga sinusuot ko sa mga date ko ay galing kay mommy at Nala....ano na!!!!

Dumapa ako sa kama at tumili sa unan.

Gusto niya ay diretso na kami sa resto ngunit ayoko namang mag-date kami ng naka-uniform pa ako kaya hiniling ko na umuwi muna at sunduin na lang ako sa may kanto.

Bumangon ako at naligo saglit.
Kailangan ko ng bumili ng mga gamit ko.

Nagtaka ako nang may makitang mahigit sampong paper bags sa gilid ng aparador ko kinuha ko ito at kinalkal.

"Sa'n 'to galing?" pagkausap ko sa sarili.

Napahawak ako sa labi namg makita ang laman ng mga paper bags.

Sneakers, high heels, dress, at pang-casual outfit...sa'n galing?

Kay Thor kaya? Napailing ako at napangiti. Minsan niya akong inaya na mag-shopping ngunit tumanggi ako dahil wala pa akong sahod.

Sabagay nakapuslit nga siya nuon dito.

Tumayo ako at chineck ang pinto sa veranda ng kwarto ko, chineck ko rin ang pinto ko---maayos naman at hindi sira. Pa'no siya nakakapasok?

Kinuha ko ang isang wide leg pants at crop sando, paparisan ko ito ng coat.

Tumingin ako sa salamin at napangiti...bagay! Ang ganda!

Tinali ko ang buhok at  dahil maikli ang buhok ko ay naglaglagan ang ilang hibla na bumagay naman sa ayos ko.

Nag-spray ako ng pabango at nag-pulbos din, dahil walang lipstick ay kinagat-kagat ko ang labi.

Masaya akong umalis ng bahay. Nang makarating ako sa tagpuan namin ay lumapad ang ngiti ko.

Nakasandal ito sa kaniyang red Ferrari. Nakapamulsa siya at sinisipa-sipa ang bato.

Naboboring na yata kakaantay.

"Kanina ka pa?" agad kong tanong.

Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa saka ngumiti.

Uminit ang pakiramdam ko at nakaramdam ng hiya.

"Let's go," sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto. Amoy na amoy ko ang pabango niya sa loob ng kotse.

Iba-ibang putahe ang in-order niya, hindi pamilyar ang mga ito sa akin ngunit masarap.

Nakahiwalay kami sa ibang kumakain at sa gilid ay may tumutugtog ng violin, ang romantic lang.

Pa'no nasabi ni Gemma na walang asukal sa katawan si Thor? Sumobra pa nga siya sa pagiging sweet.

Nang matapos kami ay tumayo siya. "May I dance you beautiful?" Tumingala ako sa kaniya nang ilahad niya ang palad sa harap ko.

Kahit naiilang ay tinanggap ko ang palad nito at tumayo.

Siya na ang naglagay ng mga kamay ko sa balikat niya, humawak siya sa bewang ko at hinapit ako palapit.

Nabibingi ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Baka marinig niya dahil sobrang lapit niya sa akin, napapikit ako nang idikit niya at noo niya sa noo ko.

Buti na lang ay nag high heels ako, dahil kung hindi ay mahihirapan siya dahil sa tangkad niya.

Naging malamyos ang tugtog nila...parang pamilyar?

Napatitig ako sa kaniya namg magsimula siyang kumanta.

Kinakanta niya ngayon ang All of Me ni John Legend. Habang kumakanta siya ay nagtubig ang mata ko. Ba't ba ako umiiyak?! Dapat masaya ako!

Ang ganda-ganda ng boses niya, malamig at ang sarap pakinggan. Marahan ko siyang kinurot ng punasan niya ang mata ko.

Marahan ang bawat galaw namin at titig na titig sa isat-isa, hindi ko na alintana pa ang dalawang tumutugtog sa gilid.

Tumigil siya sa pagkanta at hinalikan ako sa labi.

"I love you," malambing niyang sabi.

Yumakap ako sa kaniya at bumulong. "Mahal na mahal kita"

A/N

All of me by John Legend

Hahahahappy Reading!

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon