Chapter 54
Ang bilis nang pagdaan ng araw, dalawang taon na ang nakalipas, naging abala ako sa pagiging CEO ng company namin, at mas naging malago na ito dahil katulong ko na si Mommy sa pamamalakad.
Naging maayos ang kalagayan niya matapos siyang gamutin sa ibang bansa, magagaling na doctor ang tumingin sa kaniya kaya ngayon ay bumalik na siya sa dati. Hindi ko tinanong kung paano siya nakaligtas dahil ayokong maalala niya pa ang nangyaring trahedya noon.
Nagkita rin kami ulit ni Dr. Natividad at tulad nang sinabi niya ay ako nga ang tinutukoy nitong Ray Ann na naging pasyente niya noon. Nagkaroon pala ako ng PTSD, dahil sa labis na trauma ay naging tulala ako ng ilang linggo at ang mas malala pa roon ay nakalimutan ko ang ilang pangyayari. Pina-renovate ko ang dati naming bahay, naging masaya ang buhay ko sa mga nakalipas na taon.
"Anak? Nasa baba si Macky, hinihintay ka." Napanguso ako sa sinabi ni Mommy.
"Talaga naman ang baklang iyon! Sinabi ko na ngang ayoko!" Dumapa ako sa kama at niyakap ang unan.
"Bumaba ka na! Nakakahiya sa tao, o!" Napaigtad ako nang paluin niya ang pwet ko at hinila ang paa ko.
"Mommy naman!" Malakas akong tumawa nang kilitiin niya ako sa bewang na siyang dahilan nang pagbangon ko.
"Hala, sige baba na! Mamaya lulutuan kita ng sisig," malambing niyang sabi na nagpalaki sa mata ko sa tuwa.
"Talaga, Mie?! Yes! Labyu!" Dahil nakatayo siya sa tapat ko ay niyakap ko siya sa bewang.
"Naku! Nanlambing na naman." Napapikit ako nang haplusin niya ang ulo ko.
Halos dalawang dekada kong hindi naranasan ang ganito, ipinagkait nila sa akin ang pagmamahal ng isang magulang at ngayon nandito na si Mommy ay sinusulit ko ang bawat pagkakataon, palagi akong nakikitabi sa kaniya sa pagtulog.
May panahong ayokong umalis sa tabi niya at nakayakap lang sa kaniya pati sa pagluluto ay nakayakap ako, mahal na mahal ko ang mommy ko at kung nakikita man kami ni Daddy ngayon ay alam kong masaya na siya.
Bumaba ako at naabutan si Macario na feel at home habang nagkakape, pabalang akong umupo sa tapat niya.
"Ray Ann! Nine na! Wala ka ba talagang balak? Para sa company niyo ito! Just go to his office para mapag-usapan niyo ang contract!" Napairap pa ito at maarteng uminom sa kape niya.
"Bakit ba kasi ako? Pwede namang ikaw o 'yung representative na lang natin! At saka ang daming construction company d'yan, bakit do'n ka pa nag-inquire!" Naiinis ako ngayon sa kaniya na para bang sinasadya nito ang lahat.
Magtatayo ang company namin ng isa pang branch at gusto ni Macario ay ang Aurora's Constraction Company ang gumawa, edi ibig sabihin ay si Thor ang kausapin ko dahil sila ang may-ari! Hindi pa ako handang kausapin siya at hindi ko alam kung dadating pa ba ang panahong iyon
"Huwag kang bitter, Ray Ann! Akala ko ba naka-move on ka na? Kung talaga naka-move on ka na, then go talk to him!" Napairap pa ito at masungit akong tinignan.
Napapadyak ako at marahas na kumamot sa ulo...kaya ko ba?! Parang hindi ko siya kayang harapin!
"Pumunta ka na kase—" Natigilan siya nang sumagot ako.
"Oo na, pupunta na!" Napangisi ito sa sagot ko.
Kainis ang guwapong bakla na ito! Kumalat ang usapan na boyfriend ko siya at hindi man lang niya itinama iyon! Tuwang-tuwa pa ito dahil kaunti na lang daw ang lumalandi sa kaniya, pabor 'yun sa akin dahil nang kumalat na kami ay wala ng nagtangkang manligaw sa akin.
Pumasok ako sa kwarto at nagbukas ng closet, nagpamaywang ako nang hindi maisip kung ano ang dapat isuot...dapat ba akong mag-dress? Business attire na lang kaya? Or t-shirt at pants? Hay, ano ba!?
BINABASA MO ANG
Kiss Me, Officer
RomanceSynopsis A lovely and sexy Police Officer, Ray Ann Geronimo caught the heart of a man who is cold as ice, hard as rock and a man of a few words. Thor Müller is a cold-hearted man, he has the presence that can make you uncomfortable, the authority...
