Chapter 56

1.9K 44 0
                                    

Chapter 56

Nung isang araw ay nakatanggap ako ng gold invitation na nagsasaad na inaanyayahan ako sa isang business party. Business na naman kaya ayokong magpunta.

Ilang ulit na ring nagpunta rito si Macario upang mapapayag lang akong magpunta dahil wala siyang date, at dahil kami 'kuno' ay kailangan niya ako roon.

Dalawang oras na lang ay magsisimula na ang party at nandito pa ako nakahilata sa kama dahil wala talaga akong balak magpunta. Maya-maya ay may kung sino na lang ang pumasok at pilit akong pinapabangon.

"Bumangon ka na, Ray Ann! maawa ka naman sa 'kin! Maraming babae ro'n at nasisiguro kong hindi nila ako titigilan and I don't like that! Eww!" maarteng sabi ni Macario.

"Ayoko nga sabi! Saka wala akong isusuot!" pagdadahilan ko sa kaniya.

"Kapaag ba may isusuot ka pupunta ka?" Tumitig ako sa kaniya. Nakataas ang kilay niya habang naghihitay ng sagot ko.

"Oo na!" napipilitan kong sabi, as if naman aabot pa, eh magsisimula na ang party.

"Okay sabi mo 'yan, ha?" Ngumisi ito. "Girls, pasok!" Nagulantang ako nang pagtapos niya pumapalakpak ay nagsipasukan ang tatlong babae. "Bahala na kayo sa kaniya. Make her a queen tonight!" Kinindatan niya pa ang mga babae.

"Teka! Ako na! Maliligo muna ako!" Nataranta ako nang pilitin nila akong hubaran .

Saglit lang  akong naligo dahil nakakahiya naman sa mga naghihintay, pagkalabas ko ay mabilis nila akong hinili at pinaupo sa harap ng salamin. Naka-bathrobe pa lamang ako at ni hindi ko pa nakikita ang isusuot ko, para silang may magic dahil ang bilis-bilis gumalaw ng kanilang mga kamay. Ang isa ay sa mukha ko, ang isa nama'y sa buhok ko at ang isang babae ay abala sa pagbutinting ng kung ano sa bag nila.

Hindi ko pa nakikita ang itsura ko sa salamin ay agad na nila akong pinatayo at mabilis na pinasuot ang light brown na silk dress.

"Teka! Ba't ganito? Masyadong revealing! Ang baba ng dibdib tapos backless pa, ta's ito—may pa slit pang nalalaman!" patuloy ako sa pagrereklamo ngunit parang wala silang naririnig. "Bakit ang taas naman niyan?!" Tukoy ko sa gold na high heels na pinasuot sa akin.

"Ohh, Dear! Basag na yata ang eardrums ko sa kakareklamo mo, but it's worth it! Look at you! You're stunning!" sabi ng babaeng nag-ayos sa mukha ko.

Inalalayan niya ako sa balikat at pinaharap sa salamin—teka! Ang ganda ko! Hindi ako makapaniwalang ang nasa harapan ko ngayon ay ako...bagay na bagay ang ayos sa damit na para bang kasali ako sa mga rumarampang model.

"See? Now bumaba na tayo dahil twenty minutes na lang ay magsisimula na ang party!" Muntik pa akong matalisod nang hilain ako ng isa sa kanila.

Nang makababa kami ay may nakatalikod na lalaki ang naghihintay, nakasuot siya ng navy blue tuxedo. Nang humarap siya ay muntik na akong mapanganga, sayang, ang gwapo pa naman niya tapos lalaki rin pala ang gusto.

"You look breathtaking, feeling ko tinamaan na ako sa 'yo." Napasimangot ako sa tinuran niya.
"Ouch! Joke lang naman! Asa ka!" sabi niya matapos ko itong sikmuraan.

"Ang ganda naman ng anak ko, mana talaga sa mommy!" Napangiti ako nang makita si Mommy sa likod niya.

"Mas maganda ka, Mie." Ngumisi siya sa naging tugon ko. Humalik muna ako sa pisnge niya bago lumabas.

"Shall we?" Inalalayan ako ni Macario at pinagbuksan ng pintuan.

Maraming naka-parking na sasakyan ibig sabihin ay maraming dumalo, may nakakasalubong kami sa pasilyo, ang iba ay namumukhaan ko at ang iba nama'y hindi na.

Nakakapit si Macario sa bewang dahil maya't maya akong muntik matalisod. Napahinto ako nang huminto siya at pumwesto sa harap ko.

"Wait, may dumi ka yata sa mukha." Unangat niya ang kamay at inayos ang ilang hibla ng buhok ko na tumatama sa aking noo, muntik na akong mapaatras nang unti-unting lumapit ang kaniyang mukha.

"A-nong ginagawa mo?" bulong ko sa kaniya. Hindi ako makakilos dahil hawak niya ako sa bewang.

Nanlaki ang mata ko nang magaang dumampi ang kaniyang labi sa akin. Mahina ko siyang tinulak ngunit nakalapit pa rin ang kaniyang mukha sa akin.

"Excuse me." Baritonong boses ang narinig ko, dahil may tao ay lumayo ako nang kaunti kay Macario.

Kilala ko ang boses, hindi ko man lingunin ay alam kong si Thor iyon, tumikhim ito at nilagpasan kami. Nanatili akong hindi gumagalaw at nang makabawi ay buong lakas kong sinikmuraan si Macario.

"What the heck!" sunod-sunod na pagmumura niya ng pabulong.

"Hoy! Ano 'yon?! Bakit mo ako hinalikan?!" Pigil ko ang pagtaas ng boses dahil nakakahiya.

"Ginawan lang kita ng pabor! Did you see his reaction? Gosh it's priceless! Kita kong nagseselos siya, his palm form into fist na para bang handa na akong suntukin!" Hindi ko nakita ang naging reaction niya dahil nakatalikod ako.
"And...eww! Ikaw pa galet?! Nakakadiri!" Natawa ako nang paulit-ulit niyang punasan ang labi.

"Tara na nga!" nakangising sabi ko. Parang ang gaan ng pakiramdam ko at gustong ngumiti kahit wala namang nakakatuwa.

Napaka-classy ng venue, may pa red carpet pa. Nagsimula ang party at ang ilang business man/woman ay nag-uusap na, ang ilan namang mabatabata pa ay sumasayaw sa gitna.

"Can I have this dance?" seryosong tanong ni Macario at talagang nilaliman pa ang boses.

Tinanggap ko ang palad niya at inaya niya ako sa gitna, humawak siya sa bewang ko gano'n din ako sa balikat niya. "Don't look back" bulong niya sa'kin.

Nagtaka ako sa sinabi niya kaya lumingon ako sa likod na pinagsisihan ko. Nakaramdam ako ng pait nang makitang may kasayaw na ibang babae si Thor, mahigpit ang yakap sa kaniya ng babae. Napaiwas ako ng tingin namg dumako ang tingin ni Thor sa'kin. Tumitig ako kay Macario at napailing siya.

"I've warned you, I said don't look back," bulong niya sa akin at hinapit ako palapit.

Natapos kaming sumayaw at bumalik sa table namin.

Pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya luminga-linga ako at dumapo ito sa lalaking nakaupo sa tabi ng mga lalaking kaedad niya. Uminom siya sa kaniyang baso at kita ko ang naging pag-igting ng panga niya, hindi ko maalis ang tingin kay Thor at gano'n din siya sa akin. Kung si Macario ay naka-navy blue na tuxedo siya naman ay naka black.
Nasa'n na pala 'yung kasayaw niya?

Nawala ang atensyon ko sa kaniya nang kausapin ako ni Macario, nilapag niya sa harap ko ang plato na may lamang cake at fruit salad.

"Thank you," pasasalamat ko. Nang ibalik ko ang tingin sa pwesto ni Thor ay wala na siya.

Nagkibit-balikat na lang ako at kumain, ang pang-disco na tugtog ay napalitan ng soft rock. Mas naging attention catcher ito nang makita kong live ang kumakantang lalaki sa harap.

Napayuko ako ng marinig ko ang lyrics ng kanta. Bawat lyrics ng Just Once ni James Ingram ay tila tinamaan ako at tagos na tagos, pakiramdam ko para sa'kin ang kanta kahit hindi naman.

Napatingin ako kay Macario nang magsalita siya, "Pakinggan mong maigi, baka magising ka..." Malungkot akong napangiti sa sinabi niya.

Ayoko nang pakinggan pa ang kanta, binabalik lang nito ang pagkakamaling nagawa namin noon...

"Restroom lang ako." Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Macario at mabilis na tumayo.

Hindi ako dumiretso sa banyo bagkos ay natunton ko ang garden sa likod,  isang ilaw lang ang nakasindi kaya medyo madilim ang paligid.

Suminghap ako at dinama ang simoy ng hangin.'Wag kang iiyak, Ray Ann, naka-move on ka na 'di ba? Hindi ka na dapat  naaapektuhan!

"Ray Ann." Parang nanigas ako nang maramdaman ang presensya sa likod ko. Lalayo na sana ako nang agaran niya akong pigilan sa braso. "Please! Just this once makinig ka naman sa explanation ko!"

Ayokong makinig! Ayoko! Mage-explain siya...para sa'n pa?

A/N

Song title: just once by James Ingram

Hahahahappy Reading!

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon