Chapter 5

3K 87 15
                                    

Chapter 5

Hindi ako makagalaw sa posisyon ko ngayon, nakaunan ako sa braso niya at ang isang binti niya ay nakayakap saakin at ang  isang braso ay nakayakap sa bewang ko. Natuod ako at pigil ang hininga

"Don't move, don't shout, if you will—hindi lang halik ang nanakawin ko sayo," bulong nito sa 'kin.

'Wag sisigaw-—magnanakaw ng halik? Teka, ang katabi ko ngayon ay ang mabangong manyak?!  Pa'no siya nakapasok dito?

Bigla akong natakot baka kung anong gawin niya sa akin.

"Don't be scared I won't hurt you, I just want to be with you tonight."  Bumilis ang tibok ng puso ko nang hapitin niya pa ako palapit.

Ang dalawang kamay ko ay nakatakip sa dibdib ko at ang mukha ko ay katapat ng dibdib niya.  Ang tangkad niya dahil lumampas ang paa niya sa kama ko

Hindi ko alam bakit bigla akong naging komportable sa yakap niya, ang dating takot ay biglang nawala at pakiramdam ko ligtas ako kahit hindi ko naman siya kilala.

Bakit hinahayaan ko siya?! Pwede naman akong sumigaw pero bakit ayaw kumilos ng katawan ko? Ramdam ko ang init ng katawan niya at sobrang bango niya! Unti-unti akong nilamon ng dilim at tuluyang nakatulog.

Bigla akong napamulat at napabangon. Napatingin ako sa tabi ko pero wala na akong katabi, umaga na? Bakit parang ang bilis?! Parang kanina lang nung may tumabi sa akin.

Pinakiramdaman ko ang sarili, hinawakan ko ang dibdib ko at pagkababae at dinama kung may masakit ba dahil baka nagahasa na pala ako—pero wala, normal na normal ang pakiramdam ko.

Pumasok ako sa trabaho ng magaan ang pakiramdam. Hindi pa ko nakaramdam ng ganito...na  sobrang gaan ng pakiramdam ko dahil nakatulog ako nang maayos. Dahil  ba sa mabangong manyak 'to?

Napa sampal ako sa sarili dahil bigla siyang pumasok sa isipan ko.

"Delivery po!" Napatingin ako sa delivery boy.

May hawak itong bugkos ng puting rosas. Ano ba naman yan!

"Ms. Ray Ann Geronimo, delivery po!" May isa pa?

Lumapit ang dalawang delivery boy sa akin at may pinapirmahan. Galing kay Hugo ang bulaklak,  ang chocolates at maliit na teddy bear ay galing kay—sa mabangong manyak!

Thank you for letting me to be with the you last night, sabi sa letter.

"Naku,naku...napakahaba ng hair mo, Ray John!"

"Sayang hindi pagkain, 'di tuloy kami damay!" Napailing ako sa mga komento nila. Napahawak ako sa noo. Haist! Nagsasayang lang sila ng pera!

Sumapit ang hapon nang pumasok ang tumitiling si PO1 Gadiano

"May dalawang pogi sa labas!" Parang naiihing lumapit ito sa amin.

"Ohh tapos?" Napa-irap ito nang walang interes namin siyang tignan.

Napakurap ako nang pumasok ang dalawang lalaking magkamukha—huh?

Ang puputing kapre! Napaiwas ako ng tingin nang magawi ang tingin ng isa sa 'kin. Ang isa ay nakapambahay lang, samantalang ang isa ay nakapang pormal.

Biglang nagsipasukan ang ibang kababaihang pulis kaya napatikhim ang mga lalaki.

"Ano pong kailangan nila?" Agad silang inasikaso ni PO1 Gadiano

Bigla silang lumapit sa table ko at umupo sa upuan na nasa harap ko. Ang mga kasamahan ko ay iba ang tingin at agad silang pumwesto sa likuran ko at kunwaring nagbasa ng mga files.

Kiss Me, OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon