Chapter 44
Ilang araw na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan sa lahat
"Suzzette Monster, Uncle Dante is bad."
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit ko ito sinulat nuon. Ano kayang alam nila sa pagkamatay ng mga magulang ko?
Napahilot ako sa sintido nang sumakit ang ulo ko kakaisip at kakaalala ng mga nangyari nuon, bakit sila ang alam kong magulang at bakit nakalimot ako? Argh! Mababaliw na ako kakaisip!
Hinanap ko si Dr. Natividad ngunit nasa ibang bansa na raw ulit ito. Hindi ko naman siya masundan sa Europe!
At ang mga naging katulong namin ay biglang nagsilipatan ng bahay kaya hindi ko na alam kung saan sila hahanapin lalo na si Nanay Pasing na nag-alaga sa akin.
"Ano "to?" takang tanong ko nang iabot saakin ni Thor ang isang envelope.
"Your resignation letter." Gulat ko siyang tiningnan.
"Resignation letter? Thor, 'di ba napag-usapan na natin ito?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"Exactly! Mag-resign ka na, kaya kitang buhayin o kaya ay magtrabaho ka na lang sa akin, dahil hindi ako mapakali habang nasa trabaho ka alam mo ba 'yon?!" tumaas nang kaunti ang boses nito habang nagsasalita.
"Thor, n-naman...hindi pa ako makakapag-resign ngayon dahil inaasikaso ko pa ang nangyari sa magulang ko—" Napaigtad ako nang ihagis niya ang hawak na cellphone.
"That's my point! Hinihintay kitang lumapit sa akin ngunit hindi! You're not trusting me, Ray Ann, kumikilos ka mag-isa samantalang nandito naman ako!" Kita kong namumula ang leeg niya sa galit.
"Hindi sa gano'n. Thor, please naman, o! Bigyan mo pa ako ng oras, hindi madaling umalis sa nakasanayan ko na, kase pangarap ko 'to, e!" nanginig pa ang boses ko sa pagpapaliwanag.
Napailing-iling ito, marahas niyang inihilamos ang palad sa mukha nito, tinitigan niya ako at kalaunan ay tumalikod, rinig ko ang malakas na paglagabog ng pinto tanda na lumabas na siya.
Ilang beses na namin itong nagpag-usapan ngunit paulit-ulit akong humihindi at nadadaan ko sa paglalambing ngunit iba ito ngayon.
Ngayon lang siya nagalit sa akin ng ganito, aaminin kong natakot ako sa kaniya at ito ang unang beses na mag-away kami ng ganito.
Napatingin ako sa cellphone ko nang magvibrate ito.
"SPO4 Melchor calling," basa ko sa screen. Pagkasagot ay agad may nagsalita sa kabilang linya.
"Ray John! Si Gemma, isa sa na-hostage sa mall, may tama ito!" Boses ni SPO4 Melchor ang narinig ko.
"Saan? Papunta na ako!" aligagang sagot ko.
Pagkasabi niya ng lugar ay mabilis kong sinuksok ang baril sa bewang ko pagkalabas ko ng kwarto ay natigil ako pagkarinig sa boses ni Thor.
"Don't go. Delikado," seryosong sabi niya.
"Kailangan ako ng serbisyo ko ngayon, Thor...at nasa panganib si Gemma." Nilingon ko siya at nagmakaawang tumingin dito.
"They can handle it, gagalaw sila kahit wala ka." Mariin akong napapikit sa sinabi niya.
"Mag-iingat ako—" Natigilan ako nang humindi na naman siya.
"I said don't go!" Umiling ako sa sinabi niya at tinalikuran ito.
Akmang hahakbang ako nang matigilan ako sa sinabi niya. "If you'll go it means that you're choosing your job over me," matiim niyang sabi.
Hindi ako lumingon at humakbang lang. "One more step and we're done." Para akong nanigas sa sinabi niya.
Seryoso ba siya? Maghihiwalay kami kung tutuloy ako? Napaka unfair niya!
Uminit ang ulo ko at hindi na napag-isipan pa ang hakbang na nagawa ko. Lumingon ako sa kaniya at kita ko ang gulat at sakit sa kaniyang mga mata.
"Sorry, promise mag-iingat ako. Babalik ako ng ligtas," huling kataga ko bago tumakbo palabas.
Pagkarating sa hostage area ay agad akong sumiksik sa mga tao at nagtungo sa mga kapwa ko pulis.
"Anong nangyari?" agad kong tanong.
"Si PO2 Gadiano ay isa sa mga hostage at siya ang sumalo ng balang para sana sa isang bata, lima ang hostage taker sa loob, nanghihingi ng van at dalawampung milyon." Napasinghap ako sa sinabi ni PO4 Valdez.
Nakipag-transaksiyon si General at nakiusap na palayain ang mga bihag ngunit nagmatigas ang mga hostage taker, kaya napagpasyahan naming lihim na lang silang lusubin.
Pinapaiwan ako ngunit nang makita ang kalagayan ni Gemma na lupaypay na ay hindi ako pumayag, kung ang ibang tao ay naililigtas ko siya pa kayang kaibigan ko pa?
Napayuko ako nang may magpaputok sa aking kinaroroonan. Hanggang sa nagkaroon na nang palitan ng putok.
Dahan-dahan kong nilapitan si Gemma at hinila ito papunta sa sulok. "Ba't sumama ka pa r-rito sa loob?" hirap nitong bigkas.
"Kase nandito ka," bulong ko.
"Tsk! Baliw ka talaga—" Bigla siyang napaubo at huminga nang malalim.
Nagtago lang kami sa sulok habang ang iba ay nakikipagpalitan ng putok. Nanlaki ang mata ko nang may humila sa amin. Nanlaban ako ngunit nang tutukan nila ako ay wala na akong nagawa.
Hinila ng malaking lalaki ang buhok ko kaya napilitan akong tumayo gano'n din si Gemma na namimilipit na sa sakit.
"Ibibigay niyo ang kailangan namin, o papasabugin namin ang ulo ng mga babaeng ito?!" Halos mabingi ako sa lakas ng boses ng lalaking nakahawak sa akin.
Labis ang kaba ko dahil nakatutok ang dulo ng baril nito sa aking sintido at hindi mangingiming kalabitin ang gatilyo.
Ang dugo ni Gemma ay kita kong tumutulo na sa sahig dahilan nang kagustuhan kong makaalis na kami agad dito.
Pigil ko ang pagtili nang paputukan ng lalaking nakahawak sa akin ang gilid ng paa ko.
Akmang aapakan ko ang paa ng lalaki nang may nagpaputok sa banda namin dahilan nang pagtili ko, agad bumagsak ang lalaking nakahawak sa akin kaya napasama rin ako.
Naging sunod-sunod ang putok at nasisiguro kong hindi galing sa mga pulis ang bala, gumapang ako palapit kay Gemma at hinila ito.
Namamalikmata lang ba ako? Dahil may nakita akong lalaki sa rooftop ng kabilang building at nagmistula itong sniper.
Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas kami ng buhay, mabilis kaming inalalayan ng mga medic at pinasok sa ambulansiya, hanggang ngayon ay ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko.
Nakaramdam ako ng pagkahilo at ang huling narinig ko ay ang boses ng isang nurse bago mawalan ng Malay.
BINABASA MO ANG
Kiss Me, Officer
RomanceSynopsis A lovely and sexy Police Officer, Ray Ann Geronimo caught the heart of a man who is cold as ice, hard as rock and a man of a few words. Thor Müller is a cold-hearted man, he has the presence that can make you uncomfortable, the authority...
